Chapter 4: Bulacan?

243 25 10
                                    

Rita's POV

Pauwi na ako sa aking mumunting barangay ang Barangay Marikit oh diba kasi magaganda talaga ang mga tao dito isang patunay na yan ay ako hihi enebe.


Habang pasakay ako ng jeep ay may nakita ako isang babae at lalaking mag katabi parang mag jowa ata yun eh ang sweet sweet eihhhh walang forever.


Habang tinititigan ko sila ay hindi ko namalayan na tinititigan narin nila ako ang sama nung tingin ng babae sa akin na tila bang gusto kong agawin ang jowa nya luhh grabe si ate ha.


"Oh sino ang baba na nandito na tayo sa Barangay Marikit"Banggit nung konduktor agad naman akong bumaba ng nakangisi naiinis kasi ako dun sa babae.



Pagkapasok ko palang sa bahay ay sinalubong na agad ako ni Gab.

"Ay Pogi!!"Gulat na sigaw ko.

"Ano Daniela?Pogi pogi yung boss mo woww naman Daniela pwede ba akong mag apply dun baka sya na ang forever ko"Kinikilig na banggit nito.


"Lah grabe ka neng pogi agad hindi bang nasabi ko lang yung salitang yun dahil nagulat ako sayo"Sabi ko dito.


"Suss weh maniwala Daniela kilala kita ano nga gwapo nga ha"Pilit na tanong nito.


"Hayss oo na gwapo na pero kung anong kagandahan ng mukha kabaliktaran naman ng ugali"Naglalakad ako papuntang lamesa para kumuha ng maiinom.



"Huh bakit naman"Tanong ni Gab.




"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko kasi ganito yun"Kinuwento kay Gab ang lahat ng nangyari kanina pati yung pagkiss ng Antipatiko at Manyak kong boss.




"Hala syaaa Danielaaaa"Tili na banggit nito.



"Oh bakit,bat naman ang saya saya mo hinalikan nya nga ako diba at tsaka kung hindi lang ako mabait kinasuhan ko na sya ng Sexual Harassment apaka malas talaga tsk"Banggit ko dito.



"Huy grabe naman yung malas,hindi yun malas neng ang tawag dun swerte"Masayang banggit nito.



"Swerte?Ano namang swerte dun ha isipin mo parang nirape nya nako nun tapos swerte ha?"Inis na banggit nito.



"Grabe ka naman sa rape at tska Daniela gumising ka nga yung boss mo na nga ang humalik sayo at tsaka sabi mo gwapo pa hayss sana ako na lang ikaw"Masayang paring banggit nito habang tumitingin sa kisame.




"Ah basta manyak sya ung hindi ko lang kailangan ng trabaho edi sana hindi nako nag apply bilang PA nya"Hindi nga talaga ako dapat mag aapply bilang Personal Assistant nun eh wala rin naman akong alam dun hanggang sa pagtitinda lang naman ako ng gulay gulay jan sa palangke kasi kailangan na ng gamot ni nanay kaya nag apply ako nun.




Naligo na ako at pagkatapos ay kumain at nahiga na saking malambot na kama char hindi noh katre lang kahit katre lang to okay na sakin sanay na ako sa hirap ng buhay.





Hindi ako makatulog sinubukan ko nang pumikit ng ilang beses pero wala parin. Agad namang pumasok sa isipan ko ang mga nangyari kanina hindi ako makapaniwala na yung taong kanina ay muntik na akong mabangga ay boss ko na ngayon at yung paghalik nya sa akin oo aaminin ko nakaramdam ako ng kilig at pagkagulat pero kailangan nya ba talaga akong halikan?










__________________

Maaga na nung magising ako mga 6:35 ganon inagahan ko talaga ang pag gising ko para maunahan ako ng boss ko hays makikita ko na naman yung chinitong yun.


7:45 na nang makarating ako sa opisina nito inayos ko muna ang damit ko at buhok bago ako kumatok kahit ukay ukay lang tong damit ko ay maganda naman tignan.


Kumatok na ako "Pasok"Banggit ni sir Ken nandito na pala sya bat parang ang aga naman.



Pumasok na ako at nagulat dahil may kasama sya sino kaya sya?



"Hi miss"Banggit nito sakin ngumiti nalang ako.

"Oh bro girlfriend mo ba si ms beautiful ha?"Tanong nung lalaki kay sir Ken.


"Girlfriend tskk sya?"Tinuro nya ko"Ofcourse not PA ko lang sya"Banggit nito kala ko ofcourse eh char.


"Weww broo hindi mo pa sya girlfriend kasi nililigawan mo palang sya"Banggit nito at tumingin sa akin"Miss sagutin mo natong kaibigan ko matagal natong sawi sa pagibig dahil kay-"Hindi na tinuloy ng lalaki ang sasabihin nito ng nagsalita si Ken ay Sir pala.



"Jayson shut up kung wala ka namang ibang magandang sasabihin umalis kanalang!"May diing banggit nito sa bawat salita na kanyang binigkas"Jayson sabi ko umalis ka nalang! hindi na kita kailangan dito!"Galit na banggit nito.Bakit kaya galit sya? may nakaraan ba sya? dahil ganun na lang sya magalit? Hays Rita di mo na kailangan pa yung malaman isa kalang namang PA ni sir Ken.




Pero bakit nga ba talaga ganun nalang sya kagalit? Nacucurious tuloy ako.




Walang nagawa ang lalaki at umalis na ito."Hays ok bro alis na ako"Banggit nito sabay tapik sa balikat ni Sir.



Nang makaalis na yung lalaki nakatayo parin ako at nakatiig kay sir Ken.



Ken's POV

Nang papalabas si Jayson umiling ako at hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa sinabi nya ayoko nang balikan ang nakaraan marami na akong pinagdaanan dahil sa lintek na pag ibig na yan.


Tumingin ako kay Rita na hanggang ngayon ay nakatayo parin at nakatitig sakin.


"Bakit?"Seryosong tanong ko dito.


"Ah eh wala po sir"Banggit nya at maglalakad na sana ng magsalita ako.


"Wait Rita"Banggit ko.



"Ba-bakit po sir may kailangan po ba kayo?"Tanong nito.



"Bukas nga pala samahan mo akong pumunta sa Bulacan at mag dala ka narin ng gamit mo 2 days tayo dun"Banggit dito.


"Po? 2 days tapos kasama kayo?"Sabi nito.


"I'm your boss and you are my PA kaya sundin mo nalang ako"Seryosong banggit ko.



"Bukas na bukas 7:00 Am dapat nandito kana dahil kailangan ko pang ayusin ang mga paintings na dadalhin natin doon"Banggit ko.



Tumango nalang sya bilang pag tugon.


Rita's POV

2 days sa Bulacan? Huh eh ano namang gagawin namin don eh dadalhin lang naman namin yung paintings na yun mag babakasyon ba kami at 2 days tsk.


"Or mag dadate?"Bulong ko.

Umiling ako sa naiisip ko magdadate? Grabe naman yung iniisip ko pero sana ashe char lang.












Ano kaya ang gagawin nila doon liban sa paghatid ng mga paintings sa Bulacan?hmm


Thank you po ulit and Goodnight sa inyo and Godbless✨

Our Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon