Chapter 7: Spark

232 32 28
                                    

Rita's POV

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Ken basta sumunod lang daw ako sa kanya ano kaya yun surprise date? char asa ka Rita boss mo kaya sya.

Huminto ito sa paglakad at ganon din ako"Ano to?"Takang tanong ko.

"Namdito na tayo"Banggit nya at nakatingin sa akin.

"Huh?Ano namang gagawin natin dito ha?"Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito ano magpapahangin?Nasa harap kasi kami ng ilog?

"Oh"Banggit nya at may binigay sa akin.

"Ano yan? Pamingwit? Eh ano namang gagawin ko jan ha?"Banggit ko dito.

"Eh saan ba to ginagamit ha?"Tanong niyo sakin.

"Edi sa pamimingwit ng isda ano kaba"Banggit ko dito at nakatingin sa ilog ang ganda naman.

"Oh mamingwit ka ng mga isda para may makain tayo mamaya"Nagulat ako sa sinabi nito.

"Ano? Ako mamimingwit? Dinala mo lang pala ako dito para utasan ha"Inis na banggit ko dito.

"Hindi kita gagawing utusan Rita at tsaka diba boss moko kaya sundin mo ako. Oh"Banggit nya sabay abot ulit ng pamingwit sa akin kinuha ko nalang ito.

Nakangisi akong nakatitig sa kanya."Oh ano dali na"Sabi nya.

"Eh kasi ano hindi ako marunong mamingwit eh"Kamot ulo kong banggit dito.

"Rita naman hindi mo pala alam mamingwit kala ko ba naman alam mo"Inis na banggit nito.

"Hoy hindi kasi ako mangingisda neng ako kasi yung taong sinasamahan si nanay mag tinda ng mga gulay gulay sa palengke kahit yun lang ang trabaho namin ay proud ako dun"Banggit ko dito at tinarayan ito.

"Tss andami mong sinasabi lika"Sabi nito at hinila ang kamay ko.

"Ganto kasi yan"Sabay hawak sa magkabilang kamay ko.

Lord ba-bakit naman ganito ang lapit namin tapos tinuturuan nya ko totoo ba yun.

Napapapikit ako"Uy Rita anong ginagawa sundin mo ko ha iikot mo lang ito"Inexplain nya sa akin kung paano mamimgwit.

"So kaya mo na ha"Banggit nito at tumingin sa akin grabe neng ang lapit.

Tumango nalang ako aalis na sana ito sa pagkahawak sa kamay ko nang ma out of balance ako.

At ang nangyari napahiga kami ni Ken ako'y napaibabaw sa kanya at sobrang lapit namin sa isa't isa maging ang hininga nya ay nararamdaman ko na biglang tumuon ang aking mga mata sa mapupula nitong labi.

"Grabe ang pula"Bulong ko sa aking isipan.

"Feel free to kiss"Nagulat ako sa sinabi nito.

"Hoy grabe ka naman hindi ako ganon noh"Sabi ko dito at umalis na sa pag kakaibabaw ko sa kanya.

"Ikaw sinadya mo talagang mahulog ako sayo noh"Inis na banggit ko sa kanya.

Our Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon