Chapter 34: Pagbabalik

118 13 30
                                    

Ken's POV

"Choy may ibibigay pala ako sa'yo"nakangiti kong sambit habang hawak hawak sa likod ang painting na ginawa ko noon para sa kaniya.



"Ano naman yun?baka makita tayo ng mga tao dito,mahuli talaga tayo"




"Okay lang kahit makita nila remember sasabihin ko naman na kaila mom and dad"




"Eh baka magsumbong,unahan ka pa.Mahirap na yun.Sasabihin mo sa kanila let me explain tapos sasabihin nila Explain?wala ka nang dapat ipaliwanag Ken alam na namin na may relasyon ka at jaan pa sa mahirap mong empleyado slash PA"pag aarte niyang sambit ngunit nalungkot ito.




"Oh bakit ka naman malungkot choy?'wag ka nang masyadong mag over think jan hindi naman ganyan ang mangyayari eh"pagpapakalma ko dito.




"Eh pero Ken natatakot ako.Maraming what if ang bumabagabag sa isip ko na baka hindi nila ako tanggapin,pero handa naman ako dun ang kinatatakutan ko lang ay yung ilayo ka nila sa akin"kita ko sa mga mata nito ang pagkalungkot.Itinago ko muna sa ilalim ng aking desk ang painting at lumapit dito.




"Hindi mangyayari iyon ta dahil ipaglalaban kita kahit magulang ko pa ang hahadlang sa pagmamahalan nating dalawa."ayokong mag isip siya ng mga ganyang bagay.Ayoko siyang masaktan.




"Salamat ha!na touched ako dun"may nagbabadyang luhang dumadaloy sa mga mata niya kaya agad kong pinusan ito.





"Huwag ka nang umiyak ha.Basta lagi mong tatandaan yung mga pangako ko sa'yo at lahat ng iyon ay tutuparin ko para sa'yo,para sa'kin at para sa pagmamahal natin"ngumiti ako dito upang mapagaan ang loob niya kaya agad niya akong niyakap.





"Oh wait,huwag muna tayong mag emo dito dahil ito na yung gift ko sa'yo"sabi ko at kinuha na ang painting sa ilalalim ng desk ko.




"I love you,my Rita,my choy,my beloved"malambing kong sambit at iniabot na ang painting dito.




"Hala!para sa akin yan?"di makapaniwalang tanong niya kaya tumango ako dito.




"Ano ba yan Ken bakit tayong dalawa toh ha?diba ito yung araw na pumunta tayo ng Bataan?yung-yung unang punta nating magkasama tsaka yung nagkiss tayo?"natatawang tanong niya sa akin.




"Yup,actually nung panahon na nandyan tayo eh may nakita akong photographer so..sinabihan ko siyang kuhanan tayo ng picture for our memories kaya pagdating natin dito is pinaint ko"nakangiting ani ko kaya mabilis niya akong niyakap.




"Hala salamat talagaa chow,salamaat i love you sobra"ramdam ko ang mga salitang binabanggit niya dahil ito'y totoo.Niyakap ko naman ito pabalik at nagsalita.




"Walang anuman para sa nagiisa kong prinsesa at soon ang aking magiging reyna"sabi ko at hinawi ang hibla ng kaniyang buhok at hinalikan ang noo nito.



Lorraine's POV

"So hon hindi mo naman sinabi kay Ken na uuwi tayo diba?"tanong ko sa asawa kong seryosong nagmamaneho patungo sa Art Gallery ng anak naming si Ken.



"Yup hon,siguradong magugulat siya lalo na kasama natin si Celine at ang ating nag iisang apong si Ivan"napangiti naman ako dito.



"Tita,tito kinakabahan po ako kasi makakaharap ko na po si Ken.What if magalit siya sa akin?dahil bumalik pa ako sa buhay niya?What if hindi niya matanggap yung anak namin?"hindi mapakaling sambit ni Celine sa amin.




Our Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon