Chapter 8: Sala

211 22 22
                                    

Rita's POV

Nagising ako ng maaga mga 6:30Am para naman hindi na ako puntahan ng boss ko noh nakakahiya naman,kaya naisip ko sya nalang ang puntahan pwede naman diba?

Naligo muna ako at nagbihis na pagkatapos ay inayos ko na ang aking mga damit para sa pag uwi namin mamaya.

Nang matapos ako ay agad ko nang pinuntahan ang boss ko pero san ko sya pupuntahan eh hindi ko nga alam ang kwarto nya.

Nag tatanong tanong ako sa isang staff ng The Cabin kung saan ang kwarto nung boss ko,agad ko namang pinuntahan ang sinabi nung staff kung nasaan ang kwarto nito.

Nasa harap na ako ng kaniyang pinto.Kakatok ba ako? Baka kung ano na namanang maisip nya eh.Nakakhiya naman.

Nagbuga ako ng malakas na hininga at kumatok na.

Ilang beses ako kumatok sa pintuan ni Ken ngunit wala paring Ken Chan ang lumabas ,napagpasiyahan kong buksan nalang ito.

Tama ba ito? Tama ba na buksan ko ang pinto ng kwarto nya ng walang paalam?

Eh pero kasi ano diba pumasok naman sya noon sa kwarto ko ng walang paalam so papasok nalang ako hihi sana hindi sya magalit.

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Ken at pag kakakita ko sa kwarto nya ay ni anino ng Ken Chan ay hindi ko makita.Asan kaya yung lalaking yun.

Nilibot ko ang buong kwarto nito at agad nakita ng aking mata ang kama nito pwede bang makiupo?

Naglakad ako papuntang kama ni Ken at dun nalang sya hinintay.Feeling Close ata ako sa kanya eh,eh PA nya lang naman ako.

Haist mali ata yung desisyon kong puntahan sya aalis nalang ako gaya ng sinabi ko kanina baka ano pa ang isipin nya babalik nalang ako dun kwarto ko at hintayin nalang sya ang pumunta.

Habang naglalakad ako ay may narinig ako isang yapak,yapak na parang papunta sa kinaroroonan ko hindi ko alam kung sino yun.May nakita naman akong isang vase malapit sa pinto kinuha ko ito at hinintay ang taong pupunta sa kinaroroonan ko.

Nang maramdaman kong malapit na sya ibabato ko na sana ito sa ulo nya nung makita ko kung sino ang babatohin ko.

"Ahhhh!!!!"Sigaw ko nanlaki ang mata ko.Si Ken?.

"Rita?"Gulat na banggit nito agad namang nahulog ang tuwalya na nakapulupot sa kanyang bewang.

At hindi ko inaasahan ang nakita ko na dapat hindi ko makita.Nanlaki ang mga mata ko at halos mapaupo ako sa nakita ko.

Nagulat din siya at agad kinuha ang tuwalya na nahulog sa sahig at ipunulupot ito sa bewang niya.

"Anong ginagawa mo dito"Gulat na banggit nito ngunit hindi parin ako gumagalaw at nakatangang nakupo sa sahig.

Ano? Na-nakita ko yung ano nya.Arghh Lord magkakasala ako nito eh.

"Hey"Banggit muli nito at tumayo na agad ako.

"Ah-hh ehh so-sorry po sir ay Ke-ken pala"Nauutal na banggit ko hindi ko alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko dito dahil nakita ko sa kanya ang dapat ay hindi ko makita.

Umiling ito"Gusto mo?"Pang iinis nya nagulat ako dito at nagsalita.

"Hooy Ken Chan unang una sa lahat ay hindi hindi ko gusto yan yang ano mo at at pumunta lang naman kasi ako dito para ano para gisingin ka yown oo para gisingin ka noh at higit sa lahat hindi kita interesado noh"Palusot ko dito pero hindi naman talaga ako interesado sa kanya at dun sa nakita ko eh.

Our Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon