Entry One
July 6, 2012
Recess namin kanina. Bumili ako ng Monde sa old canteen saka bumili ng mango juice sa new canteen. Bale dalawa kasi yung canteen namin, yung old at new pero magkatabi lang naman halos.
Paglabas ko ng canteen, dire-diretso akong naglakad nang bigla kong napansin si Ton. Bigla niya na lang kasing iniwas 'yong tingin niya sa kabilang side. Nakaupo siya sa bench sa gilid ng hallway.Weird.
Teka, hala! Nakita ata ako?!
Kaya ayun, automatic akong napatakbo pabalik sa loob ng old canteen.
Ewan ko ba kung bakit ganun ang kinilos ko.
Ang lapit niya na kasi sakin, sobrang lapit! Ang bilis pa ng kabog ng dibdib ko!
Hindi ko na inalam kung may nakapansin ba sa kinilos kong 'yon. Basta tumakbo na ako papunta sa pinto ng old canteen, yung takbong pang marathon na akala mo hinahabol pa ng aso!
Natatawa ako. First time kasing nangyari sakin 'yon. Memorable experience kumbaga.
Entry Two
July 10, 2012
Pabalik na kami ng respective classrooms namin, kakatapos lang kasi ng flag ceremony nun.
Nauna yung line ng boys sa girls at doon kami sa main entrance ng building dumaan. Napansin kong may makakasalubong kaming ibang section na katulad namin ay nakalinya din.
Umakyat na ako sa platform papasok ng building. Ako ang last sa linya namin habang si Ton naman ang una sa linya nila.
Kinikilig ako!
Nagkasalubong kasi 'yong linya nila at linya namin. Nauna kami sa kanila kaya bale sabay na kami habang naglalakad!
Sabi pa nung friend ko, para daw kaming kinakasal. Oo nga naman, ang sweet!
Destiny ba ang tawag dun?

BINABASA MO ANG
27 Cobalt Co
Historia CortaThis girl unfolds the story about her high school crush. And yes, this is a true story. Rating: [G] General Pasaway kasi si Wattpad! PG-13 ang nakalagay kahit hindi naman.