3rd year high school na ako habang senior naman si Ton. Pareho kaming nasa first section. Naks! Ang lakas lang maka-tyamba! Hahaha.
May Elements of the Day sa Chemistry class namin araw-araw. Magsasalita ka lang naman sa unahan tungkol sa elements na na-assign sa'yo.
Nung turn ko na, hindi ko akalaing sa Iron at Cobalt ako matatapat. Nire-recite kasi 'yon in order from atomic number to element tapos symbol. Tapos ang symbol ng Cobalt ay Co. 27 Cobalt (Co).
Kilig to the ribs naman ang drama ko! Sadyang coincidence lang ba 'yon? Ang apelyido kasi ni Ton ay Co! Tipid sa apelyido, noh?
Narealize din ng mga-nakakaalam-sa-lihim-na-pagtingin-ko-kay-Ton ang ganun kaliit na bagay. Syempre, alam na siguro nila kung paano ang takbo ng utak ko. Hahaha! Pero kaunti lang naman ang may alam. Mostly, yung mga close friends ko lang. Mula noon, Cobalt na ang code name nila kay Ton para syempre hindi halata.
At first, hindi ko trip 'yong Cobalt pero nasanay din ako at nagustuhan ko din 'yon. Ngayon, kapag sinabing Cobalt, si crush na 'yon agad at hindi na 'yong element! Hahaha!
Actually, codename lang din 'yong Ton. Ganito kasi yun . . .
Nagpaka-stalker ako nung 1st year high school. Konti lang. Pasimple kong hinanap ko 'yong portfolio ni Cobalt na project sa English. Nakakalat lang kasi 'yong mga portfolio sa bookshelf tsaka pwede din naman tumingin.
Natural, nung nahanap ko ay binasa ko. Pero ang saklap! Yung whole name and nickname niya lang ang natandaan ko mula sa portfolio na yun! Huuu~
Meron kasi doon na part about yourself, mga hobbies, contact number at address. Pero ang saya! Bakit wala man lang akong maalalang ganun?
Doon ko nalaman na Tonton ang nickname niya kaya ayun, ginawa kong Ton para hindi masyadong halata. Napansin ko kasing hindi siya tinatawag ng mga friends niya sa nickname niya. Yung real name niya talaga ang ginagamit nila kaya ligtas din siguro yung Ton! Hahaha!

BINABASA MO ANG
27 Cobalt Co
Kısa HikayeThis girl unfolds the story about her high school crush. And yes, this is a true story. Rating: [G] General Pasaway kasi si Wattpad! PG-13 ang nakalagay kahit hindi naman.