Seventh Chapter

115 6 8
                                    

Base sa observation ko, mukhang alam niya nang gusto  ko siya.

Hindi ba sabi ko dati kaunti lang ang may alam na crush ko si Cobalt? Well, salamat sa magaling kong friend, ayun kumalat lang naman 'yong secret! What are friends for di ba? Huhu.

Buong klase na ata namin ang nakakaalam, pati na 'yong mga lalaki. Ang malala, barkada ng mga 'yon si Cobalt. Pero mukhang wala naman silang pakialam, siguro hindi naman nila sasabihin. Sana.

Pero napakaliit lang talaga  ng mundo. Hindi ko akalain na nangyayari ang mga ganito sa totoong buhay.

Nag-uusap kasi kami nila Coleen and Nica.

"Ano kayang address ni Cobalt? Antagal ko ng gustong malaman pero hindi ko talaga mahanap kung taga-saan siya." sabi ko.

Curios lang kasi ako, ako na ata ang dakilang stalk---er admirer pala. 

Biglang namang may nahulog na anghel mula sa langit at si Coleen 'yon with a very good news! Kapitbahay lang daw niya si Cobalt!

Yung feeling na three years akong nabakasakali na malaman ang address niya tapos kapitbahay lang pala ng friend ko. Pero ang importante nalaman ko pa rin, di ba?

Naisip ko na naman tuloy si Destiny! Swerte nga naman.

Na-excite ako bigla ng maalala ko na pupunta pala kami sa bahay nila Coleen sa sabado para sa math project namin! Sa wakas, makakapunta na ko sa bahay nila crush! Sa labas nga lang.

Nang dumating 'yong sabado, napag-usapan naming 8 am kami magme-meet sa bahay nila Coleen. Dumating ako mga 8:11 am na. Pinapasok ako ng mama niya at nalaman kong tulog pa pala siya! Ang saya ni Coleen. Huuu~

Ako yung pinakauna sa group namin na dumating kaya napagtripan na naman ako. Obvious much daw na excited ako dahil ang aga-aga ko. Hindi ko naman sila masisisi. Dati kasi lagi din akong late kapag may mga meet up. Pero ewan ko din, kahit ako nabigla na ang aga ko pala.

Tinuro sakin ni Coleen ang bahay ni Cobalt. Sa tabi lang ng bahay nila. Ordinary lang 'yong bahay. Simple lang pero hindi ako nadismaya. Masaya pa nga ako at nakita ko din 'yong bahay niya bago siya mag-college at mawala sa buhay ko. Ang drama, hahaha!

Sayang nga kasi hindi ko siya nakita nung araw na 'yon. Sabi ni Clarice, nakita niya daw na sumakay ng jeep yung bakulaw este si Cobalt. Pero hindi bale na. Masaya pa rin ako.

27 Cobalt CoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon