Kapag single ka at hindi double, malaya ka magkagusto ng kahit ilan ang gustuhin mo. That rule also applies to me. Hindi ako double e.
Nagka-crush ako kay Jo, first year student. Sinasabi ko sainyo, given na kasi 'yon. Magtaka kayo kung may isang babae sa school na walang gusto o kahit man lang hindi nagagwapuhan sa kanya! Naku, impossible! Believe it or not, witness ako kung paano naging wild ang school dahil sa hearthrob na 'yon! First time kong na-experience sa tanan ng buhay ko ang magkaroon ng hearthrob sa school. Possible pala talaga 'yon!
Yung tipong kapag dadaan siya halos lahat ng mata nakatitig sa kanya, nakabantay sa kilos niya. Yung tinitilian siya sa tuwing maglalaro ng soccer at 'yong napapatunganga na lang kami kapag kaharap siya!
Halos hindi ko na napapansin si Cobalt dahil kay Jo. Akala ko nun hindi ko na siya gusto pero wala, matibay ang lolo nyo! Siya pa din ang ginusto ko sa huli. Nagayuma ata ako. Joke! Hahaha.
Minsan tinatanong nila ako kung ano daw ba ang nagustuhan ko kay Cobalt. Napapaisip din ako. Hindi ko din alam eh. Basta nung dumaan siya sa corridor, crush ko na lang siya bigla. Ganun kadali. Dine-defend ko naman si Cobalt, "Hindi naman siya panget ah, ang cute niya nga eh!"
Hindi naman kasi siya yung perfect guy sa mga Wattpad stories na nakasanayan natin. Hindi siya maputi, hindi rin siya 'yong hearthrob type, hindi mayaman, hindi naman genius pero ewan ko ba! Basta, I find him cute and charming. WALANG AANGAL!
Napag-alaman ko sa mga kaibigan ko na may girlfriend na si Cobalt, taga ibang school daw. Pero hindi ako umiyak o na-hurt noon. Crush lang naman eh. Ang reaksyon ko nun? Wala lang. Medyo nawawala na kasi 'yong feelings ko sa kanya nung time na nalaman ko 'yon.
Wala namang masama kung magkagusto sa taken na as long as alam mo ang limit mo. Kaya eto ako ngayon, kuntento na sa pangangarap sa kanya. At saka, first year ko pa siya nagustuhan, nung mga panahong hindi pa siya taken.
BINABASA MO ANG
27 Cobalt Co
Historia CortaThis girl unfolds the story about her high school crush. And yes, this is a true story. Rating: [G] General Pasaway kasi si Wattpad! PG-13 ang nakalagay kahit hindi naman.