To be honest, never ko pa talagang iniyakan si Cobalt. Kasi in the first place, I have nothing to expect. I'm just an ordinary student. Hindi niya nga ata ako kilala by name pero baka sa mukha kilala niya ako.
Like, duh! For three years na madalas kaming nagkakasalubungan sa school, di ba? Suntok gusto niya? Haha, joke lang.
Nung nanuod kami ng film showing ng Haeundae (dahil project 'yon at lahat ng year level kasama) ay magka-row pa kami ng upuan kaso may isle pang umepal.
Nakakainggit nga, nag-hi kasi si Cobalt sa friend-ko-na-lagi-niyang-inaasar-kasi-nalaman-niyang-may-crush-doon-sa-friend-niya. Humabol pa 'yong bruhang-friend-ko-na-nagpakalat-na-crush-ko-si-Cobalt na, "Kuya si She din po!"
Tapos ang sagot niya, "Hindi ko po 'yon kilala."
Sus, kunyare pa. Kilala lang naman siguro ako. Haha, mapilit lang?
Hindi kami classmates, wala akong guts maki-FC sa kanya, basta wala. Kahit na ino-offer na sakin ng mga friends ko 'yong number niya ay hindi ko naman kinukuha. Baka ma-tempt pa akong itext eh. Tsaka alangan naka-display lang 'yong number niya doon sa phonebook ko? Wala din akong guts itext siya tapos gumamit ng ibang name. Baliw lang, nagkakasalubungan kami tapos hindi niya alam na ako na pala 'yong ka-text niya. Ayoko nun.
Ngayon, iniiwasan ko na siya. Tuwing magkakasalubong kami, nagkakatinginan kami pero hindi ako ngumingiti, wala talagang kilig na mapapansin sakin. Siya? Poker face lang din.
Ginagawa ko 'yon kasi madalas pag nagkakasalubong kami, lagi niya akong sinusundan ng tingin. Pati mga friends ko napapansin din 'yon. Doon ko na-conclude na alam niya na nga na gusto ko siya. Pero wala na akong magagawa. Kumalat na, alam niya na kaya hinayaan ko na lang.
Hangga't hindi pa naman ako umaamin ay mananatili siyang feeler. Bwahaha! Hinihintay ko na lang na gumraduate siya at mag-college. Lumayas na siya! Hahaha, joke.
Siguro naman madali ko lang siyang makakalimutan. It's just a simple high school crush anyway, then it would be a goodbye to my one and only Cobalt. Yup, one and only. Rare specie yun eh!
Hanggang sa muli kaming pagtagpuin ni Tadhana. Hanggang dito na lang ang maku-kwento ko sa inyo. JOKE! Meron pa palang pahabol.
Noong English Week namin, syempre lahat ng students nasa may grounds sa paligid ng stage. Tapos habang may nagpe-perform sa unahan hinanap siya ng mga mata ko. Alam niyo na kung sinong siya ah.
Nakita ko si Cobalt, nandoon siya sa may hallway sa canteen habang nakaupo sa monoblock chair at hindi lang basta upo, 'yong nakabukaka pa!
Nangse-seduce talaga to eh. Haha, joke lang!
Magkatapat kami kahit nasa may gilid ako ng stage at nasa may hallway siya. Edi ang ginawa ko, tumingin ako sa kanya ng diretso, sa iba naman kasi siyang direksyon nakatingin. Tapos ginawa ko 'yong ginawa ni Nam kay P'Shone dun sa movie na Crazy Little Thing Called Love.
Sa utak ko habang nakatingin sa kanya ng diretso: Lumingon ka, lumingon ka, lumingon ka! Tapos LUMINGON NGA!!! Nahuli niya ako kaya napalingon agad ako sa ibang direksyon. Mas halata tuloy! Ang galing ko talaga. Huhu.
Para akong nahuli habang nakatulala. Ano ba kasing kabaliwan ang napasok sa isip ko at nagawa ko 'yon? Hahaha. Pero hindi ko pinagsisisihan ang mga pinag-gagagawa kong kabaliwan. Memories din kasi at experience 'yon.
BINABASA MO ANG
27 Cobalt Co
Short StoryThis girl unfolds the story about her high school crush. And yes, this is a true story. Rating: [G] General Pasaway kasi si Wattpad! PG-13 ang nakalagay kahit hindi naman.