Fifth Chapter

135 11 12
                                    

Unang beses kong nakita si Cobalt sa Search for Mr. & Ms. Intramurals noong first year high school ako. Sophomore naman siya noon at siya pa ang representative nila sa search! Oh di ba, ang gwapo nang crush ko!

Pero hindi ko pa siya gusto noon. Ordinaryo lang siya, cute at parang may something na di ko ma-point-out about sa kanya. Siguro 'yon na ding something na 'yon ang naka-attract ng attention ko.

Sa showcase of talents, acting ang ginawa niya.

Kunyare mahal niya si girl pero si girl hindi siya mahal. Sinaksak niya si girl saka inihiga ng marahan sa sahig habang may haplos-haplos effect pa sa mukha. Sa huli, sinaksak nya din ang sarili niya. Yun iyong kwento ng inacting niya.

Pagkatapos ng Intramurals, back to normal na naman kami sa school.

One time, tinuro ng classmate ko si Cobalt na noon ay naglalakad sa may corridor, "Uy di ba 'yon iyong rapist? Hahaha!"

Syempre hindi talaga siya rapist. May pagka-intimate lang kasi 'yong inacting nila sa Search, pero konti lang. Pagpasensyahan, exaggerated ang mga tao. Hahaha!

Napatingin naman ako kay Cobalt tapos parang naramdaman ko na lang bigla yung kakaibang feeling. Tapos habang naglalakad siya sa corridor, parang sinusundan siya ng mga sparkles. Haha, ang korni!

Nasabi ko na lang sa sarili ko na crush ko siya.

Junior na ako ngayon habang ga-graduate na siya ngayong school year.

Syempre, alam kong mami-miss ko siya kasi naging routine na ng mga mata ko na hanapin siya lalo na kapag flag ceremony, kapag dadaan ako sa labas ng room nila at pag dadaan naman siya sa labas ng room namin.

27 Cobalt CoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon