Entry Three
August 9, 2012
Pauwi na kaming magbabarkada.
Naglalakad kami nun sa corridor ng LAPUS building nang makita kong naglalaro ng volleyball si Ton kasama ng mga lalaking hindi ko na matandaan kong sino-sino.
Lettuce! Ang hot niya tignan! Medyo messy kasi 'yong buhok niya.
Huminto kami at pinanuod muna silang maglaro. Alam ng mga friends ko na crush ko si Ton at saka sanay din naman talaga kaming magstop-over dun. Tapat kasi 'yon ng comfort room ng girls.
Ilang minuto makalipas ay bigla ba namang itinaas ni Ton yung damit niya kaya bale medyo topless siya! Hindi naman siya macho pero syempre basta crush mo natural kikiligin ka, di ba? At 'yon na nga ang nangyari sa'kin hahaha.
Nagsalita naman bigla yung friend ko, "Basta ang tiyak, brief ang gamit!" Tawanan kami.
Nakakawindang nga eh. Actually, trademark niya na ang pagta-topless! Madalas ko siyang makitang ganun, pero sadyang maswerte lang talaga siguro ang aking mga mata. Hohoho!
Hindi ko naman sinadyang makita. Nanlalaki pa nga yung mga mata ko sa gulat at feeling ko tinalbugan ko pa yung kamatis sa pula! Promise!
Defensive, ganun? Haha!
![](https://img.wattpad.com/cover/3469834-288-k70324.jpg)
BINABASA MO ANG
27 Cobalt Co
Short StoryThis girl unfolds the story about her high school crush. And yes, this is a true story. Rating: [G] General Pasaway kasi si Wattpad! PG-13 ang nakalagay kahit hindi naman.