Dito sa kwento ko, may namumukod tangi akong kakampi, si Tadhana or in english, si Destiny. Kaya ito ang para sa kanya...
Dear Tadhana,
Saya mo noh? Unang-una sa lahat, salamat sa pagiging masugid na taga-hanga ng love team namin ni Cobalt! Woohoo! Thank you dahil lagi kang umaayon sa gusto ng puso ko. Isang tanong lang, nang-aasar ka ba? Minsan kasi nakakabaliw na!
Mula sa dakilang admirer,
She
Entry Five
December 18, 2012
Pauwi na ako kasama ng mga friends ko nang makita kong nasa unahan lang pala namin sila Cobalt. Kasama niya 'yong bestfriend niyang beki tapos isang babae.
Kinilig naman daw ako.
"Uy, binabagalan niya ang lakad", sabi ko na parang inaasar si Cobalt kahit hindi niya naman ako maririnig. Medyo malayo kasi sila sa amin pero hindi naman sobrang layo. Ang bagal kasi talaga nila maglakad so nagpaka-feeler naman ako. Yung tipong alam mo naman talaga 'yong totoo pero feel na feel mo lang na kunyare ganito, kunyare ganyan.
Yung friends ko naman, aba, umepal! Sabi ko sa inyo eh, what are friends for?
Pinagkaisahan lang naman nila ako, ang feeler ko daw blahblah. Yung mga reaksyon nila natatawa na ewan na parang nagsasabing here-she-goes-again. Basta limot ko na yung mga pinagsasabi nila kahit kaninang mga 6 pm lang 'yon.
Napagtripan naman nila ako at sinabing, "Uy, bagalan daw ang lakad!"
Sumingit ako, "Uy! Bilis na! Bibili pa tayo ng pangregalo!" Syempre, para mahabol pa namin sila Cobalt! Whahaha!
Pero ang malala, pinagbigyan nga nila ako, sobra pa!
"Kuya!"
Sabi nila isa lang ang lilingon at si Cobalt 'yon malamang. Beki at babae ang kasama niya. Pero hindi siya lumingon! Walang lumingon sa kanila.
"Ate!" and this time, lumingon si Cobalt. Oo, si Cobalt!
Yung totoo? Naglalantad na?
Naguguluhan nga ako sa kasarian ng lalaking yan eh. Minsan kasi magsusuot ng headband tapos kikilos ng cute! May picture pa akong dinownload galing sa facebook (Oo na, *rolling eyes* alam ko na ang iniisip niyo) kung saan magkakasama silang magbabarkada tapos parang pa-cute sila doon. Para ngang ewan 'yong itsura ng mga kasama niya samantalang siya, syempre cute! Hohoho!
"Kuya (insert real name ni Cobalt)!" sinigaw na nila 'yong name niya! Siomai!
Dahil doon, napatigil sila sa paglalakad at napalingon samin. Papalapit naman kami sa kanila. At hindi lang 'yon, sinigaw pa nila yung name ko habang nakatingin samin sila Cobalt!
Sobrang kaba ko talaga, yung tipong nanginginig na 'yong tuhod at mahuhulog na 'yong puso ko! Hinihintay nila kami at mukhang nagtataka sila kung bakit tinawag si Cobalt. Yung mga friends ko naman mas kinilig pa ata kaysa sa akin! Anong nakakakilig doon?
Wala na kong pakialam sa mundo noon dahil sa sobrang kaba. Basta ang alam ko lang, nakatingin sila Cobalt sa amin tapos ang gugulo naman ng mga kasama ko!
Anong ginawa ko? Ayun, kinuha ko 'yong cellphone at pinatugtog yung Gee ng SNSD, nakarandom kasi yung order. Gusto ko talagang madistract at maglaho sa moment na 'yon! Ewan ko kung ano na ang nagyari. Basta ang alam ko, nilagpasan lang namin sila, pumasok kami ng mall at hindi na namin sila kasabay. Nakahinga rin. Hooo!
Sinermonan nga pala ako ng mga kaibigan ko. Dapat daw kasi huwag akong masyadong pahalata. E kung sila kaya nasa posisyon ko? Huhu!
BINABASA MO ANG
27 Cobalt Co
Short StoryThis girl unfolds the story about her high school crush. And yes, this is a true story. Rating: [G] General Pasaway kasi si Wattpad! PG-13 ang nakalagay kahit hindi naman.