Kabanata 4

1.1K 51 4
                                    

Kabanata 4

Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Kung kailan may iniiwasan ka, saka pa ihaharap sa 'yo. Ang buong akala ko pabor na saakin ang nasa itaas ngunit tadhana nga naman.

Nakakailang buntong hininga na yata ako dahil sa taong nasa harapan ko ngayon. Trace Hansle. The man I'm trying to avoid is my partner to this stupid dance etiquette. Bakit ba kasi kailangan pa nito? bakit siya pa ang kapartner ko!?

Mabuti kanina sa cafeteria ay nakatakas ako dahil tumunog ang bell na nagpapahiwatig na tapos na ang aming lunch. Kaya naman mabilis na kaming bumalik ni Leerah sa aming classroom upang hindi kami ma-late sa pang hapon na klase.

Noong dumating naman si Miss Sonya na siya palang naka-assign na mag turo saamin kada afternoon classes ay sinimulan niya kami ng discussion patungkol sa dance etiquette. Akala ko sa limang oras na mayroon kami ngayong hapon ay puro lesson lamang ang kaniyang ituturo at wala nang virtual pero matapos niyang ituro ang manners sa ballroom ay dinala niya kami sa gymnasium. Mayroon ulit kaming assessment at iyon ay ang kailangan naming ma-apply ang aming mga natutuhan.

Pinag-partner kami ni Miss Sonya at dahil kakaunti kami ay kinakailangan naming maki-halo sa kabilang klase. And look at me now. Standing in front of Trace Hansle because he was picked as my partner! Napaka gandang pagkakataon! Grabe!

Nakakailang buntong hininga na yata ako habang nasa tapat ko ito. Sa dinarami-rami kasi ng lalaki sa kabilang klase na pwede kong maka-partner bakit ito pang lalaki na 'to huh?

"Your stares are suspicious. As if you're going to murder me." puna nito saakin. Ha, mabuti na lamang at napansin niya ang nanlilisik kong mata sa kaniya.

Nakalinya pa rin kami dahil may inaantay pa na isang estudyante. Sa hanay ko ay naroon ang mga babae at sa kabilang hanay sa harapan naman namin ay nando'n nakapwesto ang mga lalaki na magiging partner namin.

Pero nang tumunog ang music box ay doon ko lamang napagtanto ang aming gagawin. Mag-sasayaw! mag-sasayaw at ang partner ko ay si Trace!

Ang malas mo talaga, Paisley Soledad!

Habang iniintay pa namin ang kulang ay biglang tinabig ni Dillion si Trace kaya nagulat ako. Mukhang nairita naman si Trace sa ginawa nito.

"Oy co'z palit tayo ng partner. Iyo na si Fleri tapos akin si PS." nginuso pa ni Dillion ang partner nito na naka-simangot.

"No." mariin na umiling si Trace kaya ngumuso si Dillion.

"Ang damot mo!" kaagad na bumalik si Dillion sa hanay nito dahil nag-salita na si Miss Sonya

"Take a step forward." sabay sabay na humakbang ang mga lalaki kaya lumapit ang distansya namin sa isa't isa.

"As the music starts, I want you all to feel the rhythm of the song and dance majestically." nag-simula na nga ang kanta at nagulat ako nang biglang hapitin ni Trace ang bewang ko.

He placed his right hand on my hips and held my hand using his left hand. Inilagay ko naman sa kaniyang balikat ang kaliwa kong kamay.

"Why are you avoiding me?" nang mag-simula ang kanta ay siyang batong tanong ni Trace saakin. Hindi ko sinalubong ang tingin nito.

"A-Anong avoid," pag-kukunwari ko.

"Ouch!" dumaing ito kaya napayuko ako dahil naapakan ko ang kaniyang isang paa.

"Sorry." paumanhin ko.

Sa halos buong sayaw yata ay nakakailang tapak ako sa paahan ni Trace. Feeling ko nga namamaga na 'yon dahil naka semi-high heels pa ako. Ilang oras pa ang lumipas ay mukhang napuno na ito saakin kaya kaagad itong lumapit kay Dillion at itinuro ako.

Regal RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon