Kabanata 3

1.2K 69 10
                                    

Kabanata 3 

"Kailangan ba 'to para mabuhay?" mabilis akong kumapit kay Leerah nang marinig ang anunsyo. Balak ko lang naman makapag-tapos ah? bakit may pa-ganito? wala akong balak maging prinsesa ano ba! 

Kaagad na tumawa si Leerah sa reaksiyon ko, napangiwi naman ako dahil doon. Por que't Royalty siya at halata naman na bihasa na ito sa pag-babalanse ng libro sa ulo. Pero buwis buhay 'to para saakin. First of all, hindi ako marikit at mahinhin na babae. Baka nga kuba ako mag-lakad pero ano ba, ayoko ng lesson namin dito sa proper etiquette! Hindi 'to maka-tao!

"Ano ba, Paisley. Huwag kang matakot. Kaya nga tayo nag-aaral para mapag-husayan natin eh." pilit akong ikinalma ni Leerah, tumango naman ako upang i-encourage rin  ang sarili ko na maging confident. Tama, ano ba ang pake nila kung sa unang subok ko ay hindi ko kaya? Eh wala akong beginner's luck eh! swerte lang yata ang pangalan ko sa raffle.

Huminga ako ng malalim at pumila na sa linya ng klase namin. Lahat rin ay may kaniya kaniya nang mundo upang mabalanse ang libro sa kanilang uluhan. Buti naman. Mind your own business policy pala dito eh. Nang ako na ang nasa tapat ni Miss Sonya ay ngumiti ito saakin.

"Huwag kang kabahan, Miss Soledad. Pag-babalanse lamang ang gagawin mo. Kailangan mong mabalanse ang libro na ito habang nag-lalakad ka papunta sa kabilang dulo ng gymnasium." paliwanag ni Miss Sonya bago ibigay saakin ang isang libro, naiilang akong ngumiti sa kaniya.

Humanay ako sa tabihan ni Jane na mayroon ding hawak na libro. Bale ang mangyayari dito ay sabay sabay kaming lalakad papunta sa kabilang dulo nang nasa uluhan namin ang libro. We should avoid the book from falling while walking on our way to the other side on the gym. If the book falls, we should go back and start again. Huh, ano ito? laro?

"Put your books your head, chin up, stand straight. Start!" bigla naman akong na-pressure sa biglang start ni Miss Sonya, ang iba ay nauna na sa pag-lalakad ngunit nanatili akong naka-tayo. 

This book wont balance on my head if I'm nervous. Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili ko bago dahan dahan na itaas ang kamay ko na may hawak na libro upang ibalanse iyon. Proud na akong nag-lakad ngunit wala pa akong limang hakbang, na-hulog kaagad ang libro.

Ay boba!

Naka-ilang ulit yata ako ngunit wala pa ako sa kalahati ng gynmasium ay nahuhulog na ang libro. Hinihingal na ako at sina Leerah ay nasa kabilang dulo na, panay ang cheer ng mga ito saakin. Marahas akong bumuntong hininga, napaka naman! bakit kapag saakin nawawala yata ang gravity? Unfair, bwisit! bakit hindi ko mabalanse?

"Miss Sonya, ayoko na." suko ko at walang alinlangan na nahiga sa malamig na sahig dahil sa pagod. Anong oras na ba? limang oras na yata akong nag-papabalik pero hindi pa ako nakakarating sa kabilang dulo. Iiyak na talaga ako dito.

"Miss Soledad, stand up and continue your assesment for today. You wont be leaving until you reached the other side of the gymnasium, got it?" suminghap ako sa hangin at tumayo upang muling mag-simula sa pag-babalanse ng libro.

Lumingon ako sa paligid at nakitang halos wala nang tao sa loob maliban kina Leerah na pinanonood na lamang ako. Hindi talaga sila umaalis kahit pinayagan na sila ni Miss Sonya. Bumuntong hininga ako at nag-simula muling sumubok para maka-awas na kami. 

But hours passed yet I can't still balance the book, ano ba ito? kanina pa ako na bu-bwisit sa libro na ito ha. simpleng bagay lang ang gagampanan niya dito, babalanse lamang siya sa itaas ng ulo ko hindi pa magawa! napaka-walang kwentang libro, ayaw maki-cooperate! kainis!

Pagod kong tinignan si Miss Sonya na naka-masid saakin mula sa malayo. Madilim na pero seryoso yata talaga siya sa hindi kami aalis hang'gat hindi ako nakakarating sa kabilang dulo. Pagod na ako, feel ko siya rin. Pagod kakaupo. Hindi talaga siya susuko saakin? kasi ako suko na, pagod na pagod na ako sa libro na ito. Sa titigan naming dalawa ay naunang sumuko si Miss Sonya kaya naman ngumiti ako ng malawak dahil nanalo ako.

Regal RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon