Kabanata 2

1.3K 61 6
                                    

Kabanata 2

Maaga akong nagising upang pag-handaan ang unang klase ko ngayong dito na ako sa Regal Academy mag-sisimulang mag-aral. Ilang beses ko na atang sinabi na ayaw ko rito ngunit hindi ko maiwasang hindi ma-excite lalo pa at bago saakin ang lahat ng ito. Sana lamang ay maging maayos ang unang araw ko sa klase, because as for yesterday, my first day was pretty chaotic yet simple. Meeting new faces and so on.

Napabuntong hininga ako habang pinag-mamasdan ang sarili ko sa malaking length mirror sa harapan ko. Kita dito ang buong katawan ko. Sa ngayon ay naka-suot ako ng uniporme ng Regal Academy and it's pretty...  awe inspiring and glorious. It's like wearing these screams luxury. 

Ang palda nito ay dark navy blue pleated na may puting stripes at mayroon itong puting polo-shirt sa loob. Samantala agaw pansin rin ang vest nitong mayroong tatak ng RA sa isang gilid, tanda nang logo ng Regal Academy at ang navy blue nitong necktie na mayroong naka-paikot na gold sa buong necktie, para rin lamang itong stripes ngunit ang dalawang kulay ay ginto at asul. Itim naman ang medyas nito at itim rin ang suot kong sapatos pam-pasok.

Huminga ako ng malalim bago lumabas saaking dorm upang pumunta na sa may cafeteria para kumain ng breakfast. I'll keep that guy's words to my mind. Breakfast and lunch sa cafeteria while garden ang dinner. Baka mamaya lugaw ako at maka-punta sa cafeteria upang mag dinner.  Sa hallway ay marami akong nakaka-salubong na kagaya ko rin na estudyante, karamihan sa kanila ay papunta rin sa cafeteria.

Taimtim akong kumuha ng pagkain at naupo sa isang bakanteng lamesa upang tahimik at mapayapang kumain. Payapa na sana ako ngunit ayaw yata ng itaas na ienjoy ko ang aking umagahan dahil nag-padala ito ng asungot na kahapon pa akong ginugulo. Naupo sa harapan ko si Dillion at inosenteng kumain.

"Alam mo naman siguro na nasa table kita hindi ba?" nag-angat lamang itong tingin saakin nang mag-salita ako upang tanungin siya.

"Good morning rin, Aisley. Oo alam ko." umirap ako sa bati nito saakin, agang aga bakit ganito siya? naiirita ako.

"Una, ayoko talaga na tinatawag mo akong Aisley, pangalawa, kung alam mo  na nasa lamesa kita, umalis ka,  nayayamot ako sa 'yo." deretsyo kong pahayag sa kaniya, naintindihan niya naman siguro iyon 'no? 

Ngunit imbis na umalis, humawak ito sa kaniyang dibdib.

"Harsh, ah. Edi kung ayaw mo na Aisley kasi na lo-lonely 'yung 'P', edi ano ba maganda na itawag sa 'yo? Pais? Ley?" tila nag-iisip pa ito, napa-pikit ako upang ikalma ang sarili ko.

Kalma, Paisley. Maaga pa para kumulo ang dugo mo. Stay Positive.

"AHA!" napapitlag ako sa bigla nitong pag-sigaw. Hindi lamang ako. Maging ang iba na nakain ay nagulat rin kaya tumingin ang mga ito sa gawi namin.

"Ano ba?" hinila ko ito paupo upang hindi na siya maka-agaw ng atensyon.

"PS nalang ang itatawag ko sa 'yo. Gets mo? 'P' stands for Paisley then 'S' stands for your surname, Soledad. Ang ganda 'di ba? ang galing!" parang bata na pumalakpak si Dillion na sinabi nito saakin. Proud pa siyang binaboy niya ang buong pangalan ko ha?

"Bahala ka, uuna na ako." paalam ko rito at kinuha na ang bag ko dahil tapos na rin naman ako kumain. 

"Wait naman, PS! nakain pa ako!" rinig kong pahabol ni Dillion ngunit inignora ko iyon.



Kinuha ko sa  bag ko ang aking schedule, nandito rin naka-sulat kung saan ako mag ro-room. Ang unang klase ko ay patungkol sa Proper Manner, eh? parang Values or ESP lamang rin. Edukasyon sa Pag-papaka-plastic. Bigla ko naman naisip na sa Regal Academy nga pala ako papasok. A school for future ruler. Psh.

Regal RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon