Kabanata 11

817 46 0
                                    

Kabanata 11

Buong magdamag akong nanahimik ng araw na iyon. Wala ako sa wisyo na makipag-usap. Ang tanging nasa isip ko lamang ay sa kung paano napadpad ang aking kapatid sa bahay ampunan at ang pagkawala ni Papa.

Napapaisip ako ng mga senaryong hindi ko dapat iniisip. Hindi ko rin maiwasang hindi mag-alala dahil kung ganitong walang may alam sa totoong nangyari.

Sa palagay ko ay mas kailangan ko nalang munang tutukan ang aking kapatid dahil siya na lang ang nandito sa'kin ngayon. Hindi ko hahayaan na mawalay pa ito sa'kin. Kung kinakailangan na umalis ako dito sa academy ay gagawin ko para lang mag-kasama kami ni Yshy.

Sobrang dami ng iniisip ko sa punto na parang gusto ko na lamang sumabog. Ang sakit na rin ng ulo ko.

Pinilit kong iwasan ang pag-iisip at minasdan na lamang sina Dillion at Renz na nakikipag-laro sa kapatid ko. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa mga ito dahil sa ginagawa nila.

"Paisley..." hindi ko namalayan na lumapit na pala sa'kin si Harley.

Nilingon ko ito ng tawagin niya ako.

"Hmm...?" tugon ko sa kanya.

"Nandito lang kami," nagulat ako ng hagurin niya ang aking likuran at ngumiti sa'kin.

Sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng ginhawa na kahit papaano ay alam kong kapag nangangailangan ako ay may mapupuntahan ako. Hindi ko 'man ito ineexpect ngunit hindi ko talaga inaasahan na makakahanap ako ng mga kaibigan sa loob ng paaralan na ito.

Back then, I only see this school for girly peoples, parang pang-maarte. Lalo na kapag napag-uusapan ko sa dati kong eskwelahan ang karangyaan ng mga estudyante dito, sa mga komentong iyon pa lamang ay ang nasa isip ko na ay puro arte sila. But I really didn't expect to discover treasures here.

"Salamat," ngumiti ako kay Harley.

"Guys, let's go. We're leaving." dumating si Leerah at inanunsyo na aalis na kami upang bumalik sa paaralan.

Dahil may tiwala ako kay Trace na malulusutan o magagawan niya ng paraan si Yshy ay kumalma ako. Isa itong royalty at alam ko na mahihingi niya talaga ang pabor na iyon.

Hawak hawak ko si Yshy ng papasok na kami sa limousine na naka-assign sa amin. Kumpara kanina ay hindi ko na kasama si Fleri kaya ngayon ay ang kasama ko naman ay si Dillion.

"Uy, PS. Kanina ko pa pala itong iniingatan." nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ang paper bag na ibinilin ko kanina.

"Salamat," walang gana kong inabot kay Dillion ang paper bag at hinarap si Yshy.

"Oy, Yshy," binalingan ko naman ang aking kapatid ma manghang mangha sa paligid dahil ito ang unang beses na naka-sakay siya sa limousine.

"Ano 'to?" taka nitong inabot ang paper bag na nag-lalaman ng manika.

"Basura, itapon mo." pambabara ko sa kanya. Bumaling ako sa may bintana ng simulan na niya itong buksan.

"Manika? Thank you, 'te!" impit itong tumili ng makita ang laman ng binigay ko sa kanya.

"Tsk, ingatan mo 'yan ha. Kapag nakita kong pakalat-kalat 'yan i-sasabit ko talaga ang manika mong 'yan." banta ko sa kanya, nanlaki ang mga mata nito at niyapos ang manika.

"Hala si Ate ang hilig pa rin sa gano'n!" punto nito sa akin.

"Grabe ka nama sa manika, PS," umiiling na singit ni Dillion sa usapan namin.

"Kausap ka ba?" tumingin ako sa kanya na ngayon ay umakto na zipper ang kanyang bibig at isinara iyon.

Pagkarating sa academy ay dumeretsyo kaagad ako sa building kung nasaan ang opisina ng Headmistress upang mag-paalam dito. Naabutan ko doon si Fleri na kausap ang Headmistress, naroon din si Trace na siguro ay balak rin mag-paalam sa kanya.

Regal RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon