Kabanata 16

812 48 3
                                    

Kabanata 16

Nang muli kaming bumalik ni Renz sa lugar kung saan kami tumigil ay napakunot kaagad ang aking noo ng makita ang maraming maninipis na kahoy na naka-imbak, may mga nakatayo rin ngunit hindi ko ito mawari kung sinadya ba o aksidente lamang.

Umangat ang tingin ko kay Trace at Ridge na ngayon ay pilit pinag kikiskis ang dalawang maliit na kahoy upang makagawa ng apoy.

Malalim akong bumuntong hininga.

"Wala ba kayong alam sa ganito?" parehong napatuwid ang dalawa ng magsalita ako kahit na nasa malayo pa kami.

"Mukhang wala nga, Madam," bumulong sa akin si Renz, ngumiwi ako.

"Well..." Trace licked his lower lip, trying to answer.

"Just as I thought," sagot ko ay inilapag na ang mga dahon ng saging na kinuha namin, inutos ko rin kay Renz na ibaba na ang kanyang dala dala.

Hinanap ko kung saan naipatong ni Renz ang aking bag at nakita ko iyon malapit sa may ugat ng puno. Kinuha ko iyon at inihuho ang lama sa dahon ng saging na naka-latag sa lupa.

Bumagsak doon ang ilang pares ko ng damit at iba pa na mga kagamitan kagaya na lamang ng lighter na pamilyar sa akin. Napakunot ang aking noo dahil ang alam ko lamang naman na dinala ko ay ang aking mga damit at hindi ko yata natanggal sa aking bag ang ballpen, papel, at pantasa kaya nasama iyon.

"Ano 'to, Madam? girl scout ka ba?" kumunot ang noo ni Renz at itinaas ang lubid na nakasama rin doon.

"Kaya pala mabigat bag mo kanina," komento pa ni Renz.

"You face looks like you didn't knew where all this came from," tumingin ako kay Trace ng punahin niya iyon, umiling ako.

"Hindi ko talaga alam," umiling ako.

Nangangalkal pa si Renz ng matigil naman si Ridge ay may isang papel itong nakita, lukot iyon kaya inayos niya para tignan kung may laman ba ang papel.

"It was from your sister," inilahad sa akin ni Ridge ang papel ng makita ang nakasulat doon.

Ang sabi sa papel ay narinig daw ni Yshy na pinag-uusapan nina Miss Sonya at Sir Boran ang tungkol sa activity namin na ito kaya siya ang nag-lagay ng ibang gamit sa aking bag ng tulog na ako kagabi.

Tumango na lamang ako at nag-simula ng likumin at ilagay sa aking bag ang mga gamit na inilagay ni Yshy doon.

Tumayo ako upang tumingin sa mga kahoy na kinuha nina Trace at Ridge upang masuri kung alin doon ang matibay tibay na pwedeng maging pillar sa aking gagawin na silungan.

Sa tingin ko ay kaming dalawa lamang ni Renz ang may alam sa ganito dahil ang dalawa ay halata naman na hindi maalam.

Muntik ko ng makalimutan na prinsipe nga pala ang dalawang ito.

Kumuha ako ng malaking bato upang pamulpok habang ang isang kahoy ay inilubog ko sa lupa. Tinulungan ako ni Renz at ang magkapatid ang naging utusan namin kung may kailangan man kami. Maaga pa rin dahil tirik na tirik pa ang araw. Dahil rim sa ginagawa namin ay pinag-papawisan ako.

Habang abala ang tatlo sa inutos ko na kumuha ng mga tuyong mga sanga ng puno o halaman ay inilatag ko sa lupa ang dahon ng saging upang iyon ang maging sahig ng munting silungan namin.

Dumating na rin sina Trace dala dala ang pinahahanap ko sa mga ito, laking pasasalamat ko ng matapos ang aming ginawang silungan, naupo ako sa pagod at sumandal sa malaking puno upang ipahinga ang aking sarili.

"Whoa, ang galing nito!" puri ni Ridge ng makita na ang kinalabasan ng aming ginawa.

"Saan mo 'to natutunan, Prinsesa?" ngumiwi ako ng marinig ang tawag sa akin ni Ridge ngunit naalala ko naman si Yshy.

Regal RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon