Kabanata 30
Taimtim kong pinag-mamasdan ang pagkain sa aking harapan. Wala akong nararamdaman na gutom kaya hindi ko iyon ginagalaw. Nasa harapan ko lamang ang aking atensyon kaya kahit na maingay ang aking paligid ay wala akong maintindihan sa kanilang mga sinasabi.
Iniisip ko ang nangyari tatlong araw na ang lumipas. Binisita ko noon si Papa upang masagot na ang aking mga tanong ngunit isang kagimbal gimbal na balita lamang ang aking nalaman.
He was murdered indeed. Poisoned. It was explained by the Officer.
Mahirap para sa akin iyon ngunit pinilit kong magpakatatag dahil sa akin lamang kakapit si Yshy sa oras na malaman niya iyon.
Dahil sa pagod ng aking buong sistema ay nawalan ako ng malay at nagising na lamang sa puder ng mga Hansle. Noong malaman nila ang nangyari kay Papa ay kapwa nag-dalamhati sila dahil kaibigan nila ito.
Alam kong mahirap sa kanila iyon dahil si Queen Prinsel, King Rhoula, at Iris ay wala na rin. Ngayong pati si Papa ay kinuha na sa amin, talagang mabigat ang loob nina Lady Clarisse at maging ng hari.
They lost their friends... and I lost my family.
Nang sinabi ko kay Yshy ang balita na iyon, nawalan ako ng lakas ng marinig ko ang mga iyak niya.
"Are you sure about this?" Trace asked me when we're getting ready on coming home to Regal Academy.
Dinala niya kami sa palasyo ng Hansle dahil alam niyang delikado pa ang lagay namin sa Adeline. Bukod doon, karapatan rin na malaman nina King Arthur ang nangyari sa kanilang kaibigan. Dinala rin nito si Yshy.
Nag-pasya ako na sa pag-balik ko ng Adeline ay maiiwan dito si Yshy. Alam kong ayaw niya iyon ngunit kailangan.
"Yeah. I don't want her to get involve." bumuntong hininga ako at pilit na sinabi iyon.
Bago kami tuluyang umalis ng palasyo ay tinignan ko si Yshy na mahimbing ang tulog sa huling pagkakataon. Pinilit kong humakbang paalis. Maiiwan si Yshy sa palasyo ng Hansle dahil delikado ang Adeline ngayon, lalo pa at wala na si Papa.
Mas mabuti na, na nandito siya kina Lady Clarisse para sigurado akong ligtas siya at nasa maayos na kalagayan. The Hansles are actually fine with it since their heirs are far away, atleast there will be someone who will run on the empty hallway of the palace.
"You know you can't eat by just staring," I was pulled out of my reverie when Fleri spoke.
Pinuna ako nito. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya at doon ko napagtanto na lahat sila ay tapos ng kumain at inaantay na lamang ako. Nag-pakawala ako ng isang buntong hininga at tumayo upang umalis na rin kasama sila ngunit nangunot ang kanilang mga noo.
"What?" I asked irritated when they stare at me.
"PS, wala kang nakain." si Dillion lamang ang nag-lakas loob na mag-salita. Marahil natakot sila ng marinig ang tono ko.
"Wala akong gana," malumanay kong sagot sa mga ito. Wala na naman silang nagawa ng mag-simula na rin akong mag-lakad kaya sumumod na sila.
Habang nag-lalakad ay sinabayan ako ni Fleri. Hindi ko siya pinansin dahil sa malalim kong pag-iisip.
"Is there something bothering you?" tsaka lamang ako napalingon kay Fleri ng mag-tanong ito ngunit sa daan lamang siya nakatingin.
"There is." sagot ko at kagaya niya, tumuon rin ang aking mata sa aming dinadaanan.
"I won't ask what is it since it looks like you don't have any plans on telling it to anyone but whatever that is, we're here." bago pa ako makapag-salita ay binilisan na ni Fleri ang kanyang lakad kaya nauna na ito sa akin, Ni hindi man lamang niya narinig ang aking sasabihin.
BINABASA MO ANG
Regal Royalties
Teen FictionRegal Academy is a school for every Royal families to learn the proper etiquette of being a leader. In the Land of Adeline, Royalties are the highest rank among the whole village and they're the ones who can study in Regal Academy, but in order to...