Kabanata 10

837 56 0
                                    

Kabanata 10

Pagkatapos namin mag-liwaliw ni Fleri ay tinawagan na niya ang kanyang driver upang ihatid kami sa orphanage ngunit pinigilan siya ni Fleri.

"May gusto ka pa bang puntahan?" tanong ko sa kanya dahil pinigilan nito ang pag-deretsyo na namin sa orphanage.

"No, but I'm sure that they'll ask us kung saan tayo nang-galing. Since we're going to an orphanage, why not shop for the kids toys?" napaisip ako sa sinabi nito at tumango. Ayos na rin iyon na bukod sa damit ang mga dala namin ay may malalaruan rin sila doon.

Bumaba kami ni Fleri sa limousine at ngayon, hindi na namin suot ang trench coat kaya agaw pansin ang aming uniporme. Sino nga naman ang hindi mag-babaling ng tingin kapag nakakita ka ng uniporme ng Regal Academy hindi ba?

See? the whole nation knew what the Regal Academy is. It is like a pathway to the students to become a royalty, not by blood but by title. Ang karamihang nakakapasok lamang dito ay ang mayayaman at may kaya, while the others are luck.

Sinasabi ko lamang kung gaano kalaki ang epekto na mangyayari sa buhay mo once na maging isang estudyante ka sa paaralan na gustong pasukan ng lahat.

Sabay kaming pumasok ni Fleri sa toy shop na aming nakita, sobrang raming laruan na naroroon kaya naman baka abutin pa kami ng ilang minuto. Naagaw ng atensyon ko ang isang manika na naka-display sa may glass window, maganda iyon at kumpara sa iba, masasabi ko na sa hitsura pa lamang nito ay mataas na ang presyo.

Naalala ko si Yshy dahil doon, ngunit ipinilig ko ang aking ulo ng maalala na kailangan naming mamili. Binigyan kami ng staff ng cart at nag-simula na kaming kumuha ng mga laruan na dadalhin. Napadaan ako sa shelf na puro barbies at manika ang nakalagay kaya kumuha rin ako at inilagay iyon sa cart ko.

Nasa hanay ako ng puzzles at namimili rin ng story books para sa mga bata ng may inilapag si Fleri na laruan sa aking cart, kumunot ang noo ko ng makita na iyon ang manika na tinitignan ko kanina.

"Para saan 'to?" inabot ko iyon at sinuri habang nakatingin kay Fleri.

"I don't know if you're into dolls but I saw you staring at it earlier so buy it." nabigla ako sa sinabi nito.

"H'wag na--" hindi pa ako nakakapag-salita ay pinutol na niya kaagad ang aking sasabihin.

"Take it or leave it, Soledad. Just think that it was my thank you gift." wala akong nagawa ng tinalikuran na ako ni Fleri.

Napabuntong hininga ako, she's really like that huh? kapag gusto niya ay iyon talaga ang masusunod at wala kang magagawa basta't desisyon niya. Gaya na lamang kanina sa bus, ng maupo ito sa tabihan ko ay nawalan na ng pag-asa sina Dillion at Ridge dahil paniguradong alam nila na hindi nila mapipilit si Fleri na tumayo doon.

Umiling ako at sinundan na rin siya upang makapag-bayad na kami sa counter. Fleri insisted that she'll pay for it using a credit card, ayos na rin iyon dahil wala naman akong dalang pera dito sa'kin.

Dumeretsyo na kami sa orphanage ng mabayaran ang mga laruan. May mga gwardya na naka-bantay doon kaya naki-suyo ako sa iba na tulungan ang driver ni Fleri na ipasok sa loob ang mga laruan na nakalagay sa compartment ng limousine.

Naka-paper bag naman ang manika na binili ni Fleri para sa'kin. Balak ko itong ibigay kay Yshy kapag pwede na kaming lumabas ng academy o 'di kaya kapag nagkaroon ako ng oras para bumisita sa aming bahay.

"PS!" napapikit ako ng marinig na naman ang umaalingawngaw na boses ni Dillion.

Malayo pa lamang ito ay rinig ko na siya.

"Saan ka galing, PS? kinabahan ako nung mapansin ko na wala ka, akala ko nakuha ka na nung--" tinakpan nito ang kanyang bibig ng tila mapagtanto ang kanyang sinabi. Siguro ay alam rin niya ang patungkol sa pagta-tangka sa'ming mga estudyante. Hindi niya alam na alam ko rin.

Regal RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon