03: Kaesha

53 33 30
                                    

Don't give up, just fight!

Elisse

Naglalakad ako ngayon sa hallway kasama 'yong babaeng kumausap sa 'kin kanina matapos kong sagotin si Gayle. 'Yong umaway sa 'kin kanina. Ang pangalan niya ay--

"Ay sis ang tapang mo talaga kanina, tapos ang astig mo rin. Nagkaron tulog ako ng lakas ng loob na lumaban kapag binubully ako noong Gayle na 'yon!". Pagdaldal niya. Yeah, madaldal siya. Okay lang.

Hindi ako mabobored if ever na maging mag bestfriends or friends kami kapag kasama ko siya kasi hindi talaga siya nauubusan ng topic.

"Hoy, sumagot ka naman!". Sunundot niya ako sa tagiliran. "Sorry", nasabi ko na lamang. Ngumiti siya.

"Hindi okay lang? Ano bang iniisip mo?", Tanong niya. "Ha?"

"Sabi ko ka'ko ano'ng iniisip mo?". Paguulit niya. Tumango-tango ako. "Ah, 'yon pala. Wala. Wala akong iniisip.". Sagot ko agad.

Agad na nanlaki ang mata niya. "Bakit?" Nagtataka kong tanong. "Ano?! Wala kang iniisip?". Gulat niyang tanong. Tsk, anong kakagulat roon?

"E-Edi?.." Nakatakip pa ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig na animo'y hindi makapaniwala. Tsk, ano bang iniisip niya?

"Edi wala kang isip? Wala kang utak? Wahh, multo!". Sigaw niya, agad kong tinakpan ang kaniyang bibig dahil sobrang ingay talaga.

"Anong walang isip? Porket walang iniisip, Wala na agad isip o hindi kaya utak? Gusto mong utak mo, tanggalin ko?". Inis kong banta sa kaniya at tinanggal ang kamay kong naka-takip sa kaniyang bibig.

"S-Sorry naman! Akala ko kasi...".

"Akala-akala, madaming namamatay sa maling akala."

"Sorry"

*****


Andito na kami sa labas ang academy, "Goodbye, bessy! See you tommorow!". Nakangiti niyang paalam at tumakbo papasok ng kanilang kotse. Ngumiti lang ako at tska tumalikod.

Nakita ko kasing sinalubong siya ng mga magulang niya. Agad kong pinahidan ang luhang pumutak sa aking mata dahil sa pangungulila sa akin ama.

He's still my father after all. Pagbaliktarin man ang mundo, he's still my father. Kahit rapist siya.

Agad na akong tumakbo ng mabilis upang hindi ko na maramdaman ang inggit. Inggit kay kaesha dahil may magulang siya at buo ang kaniyang pamilya.

Si kaesha. Siya 'yong madaldal na babae kanina. Gusto kong mainggit, kaso alam kong bawal. Tinuro sa 'kin ni mama na h'wag matutong mainggit sa kapwa sa halip ay makuntento ka kung anong meron ka.

Nakarating ako sa bahay na pagod na pagod. Ikaw ba naman tumakbo pauwi sa bahay 'di ba? Kakapagod. Agad akong sinalubong ng nagaalalalang si nanay.

"Ayos ka lang ba anak? Anong nangyari sa iyo?". Nagaalala niyang tanong.

"Wala 'nay, sige ho pasok na 'ko." Paalam ko at dumiretso sa kwarto upang magpalit ng damit.









Stars in the sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon