04: Kairus

54 36 16
                                    

Elisse



Nakaupo ako ngayon sa kama habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Napangiti ako. Ang ganda talaga ng mga bituin. 'Gaya ng sinabi ko, the stars in the sky makes me chill and makes me feel na may katapusan pa ang sakit na pinapasan ko.

Ewan, pero paborito ko talagang tignan ang mga bituin. Ang sarap nila sa mata. Ang sarap din panoorin ang pagkaninang nila.

Napangiti muli ako.

Gusto ko rin kuminang.

Ngunit kung mangyayari man iyon, ay alam kong matagal pa. Matagal pa Bago mangyari ang inaasam kong pagkinang. Ngunit kung magtatagumpay man ako. Alam kong hindi ako tuluyang magiging masaya dahil sa pangungulila sa aking ama.

Makikita ko pa kaya siya?

Malay natin mabait siya hindi ba? May rason kung bakit niya ginahasa ang nanay ko? Malay mo nalasing lang siya tapos... tapos pinainom lang siya ng droga ng mga kaibigan niya kaya niya nagawa 'yon.

Parang sa "onanay" lang.

Hindi naman malayong ayon ang dahilan hindi ba? Basta naniniwala ako na may dahilan siya. Napabuntong hininga ako at tska humiga bago binalot ng kumot ang pangibabang katawan.

Goodnight.

*****

"Anak, mala-late ka na, nilisan mo na diyan.". Paalala ni nanay. Tumango na lamang ako at tska tumayo.

"Alis na'ko 'nay'". Paalam ko. Tumango na lamang siya. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at tska dali-daling lumabas.

Agad akong humanap ng trycicle. "Para ho, manong!". Pag-para ko ng trycicle. Agad naman siyang huminto kaya agad na'kong sumakay.

"St. France academy ho!". Sigaw ko. Tumango na lamang siya. At oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin na scholar lamang ako sa aming eskwelahan.

Hindi ko na i-ku-kuwento kung paano ako naging scholar basta scholar ako. Kaya nga hindi ako lumalaban sa mga nangbubully sa 'kin, e. Alam kong makikick-out ako.

Dahil mayaman sila. Malakas ang kapit nila dito sa school kasi mayaman sila. Napabuntong hininga na lamang ako sa hindi patas na mundo.

"Nandito na tayo". Sambit noong driver. Agad kong binigay ang bayad at tska pumasok ng gate and as usual. Meron na namang dumi ang soot kong uniform. Ako na din ang naglalaba ng mga uniform na madumi.

Alangan naman'g si nanay pa hindi ba? Pagod na nga sa trabaho, paglalabahin ko pa ba? Ayokong mapagod si mama.

Habang naglalakad papunta sa room namin ay maynakabunggo ako.

Lalaki.

"S-Sorry.". Paghingi ko ng paumanhin bago tuluyang naglakad ngunit narinig kong tinawag niya ako.

"Hey!". Pag-tawag niya. Lumingon ako'ng nagtataka. Nanlaki ang mata ko. 'Y-Yong kuwintas ko. Agad akong tumakbo at tska 'yon hinablot sa kaniyang kamay.

Hindi ko pala nasoot. Nasa bulsa ko tapos nahulog noong nakabang-gaan ko siya.

"Salamat.. uh--". Hindi ko na natulog ang aking sasabihin dahil Hindi ko naman alam ang pangalan niya. He smiled. "Kairus. My name is kairus miss. You, what's your name?". Pagiingles niya. Pasalamat siya at naintindihan ko.

"E-Elisse. Elisse ang aking pangalan.". Nakayuko kong sambit. I heard him laugh.

"Nahihiya ka ba sa 'kin, anyway nice to meet you, Elisse.". Nakangiti niyang sambit habang nakaharap sa 'kin habang naglalakad palikod. Kumaway-kaway pa siya bago tuluyang tumalikod sa 'kin.

"I just met another person." Bulong ko sa hangin bago napabuntong hininga.



Stars in the sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon