01: Elisse

118 51 35
                                    

You always have god.

Elisse

“‘Nak, gising na.” Rinig kong pag-gising sa akin ng aking ina sa akin. Masigla akong bumangon.

“Good morning, ‘nay!”. Masigla kong sabi. Tuwing andito ako rito sa bahay namin. Masaya ako. Kasi i know that na no one will hurt me here. I know my mother will never do that.

Kahit bunga lang ako ng pagkakamali, at kababuyan.

“Baka ma-late ka pa sa klase mo.” Paalala niya pa. Mas lalo akong napangiti. Kahit gaano pang kasakit at kalaki ang pinapasan mo, meron pa ring taong nagmamahal sa ‘yo, tandaan mo ‘yan. Always remember you have god, you have your family.

Agad na akong bumangon at pumunta sa baniyo upang maghilamos at magtoothbrush. Matapos, ay agad na akong naligo at nagbihis.

Nasa-kwarto ay amoy na amoy ko na agad ang mabangong luto ni nanay. Wah! Adobo! Agad na akong nagmadali na magsoot ng sapatos at tska patakbong pumunta sa kusina.

“Oh anak, dahan-dahan baka madapa ka.” Paalala ni nanay. Napangiti muli ako. Caring rin ang aking ina kahit ganoon. Kahit bunga ako ng kababuyan. Okay, tama na ang drama.

“‘Nay! Ang sarap talaga ng luto mo. P‘wede ka nang gumawa ng carenderia.”. Sambit ko habang sumusubo-- ng kanin.

“Ay sus, nang-bola ka pa”. Natatawang sabi ni nanay. Ang ganda talaga ni nanay. Kahit 38 years old na siya. 21 siya noong nabuntis sa ‘kin. 17 years old na‘ko ngayon. Grade 11 student ako.

“Anak, baka ma-late ka na bilisan mo kumain diyan.” Nakangiting sambit niya.

“Sige, ‘nay.”. Sambit ko at agadang minabilis ang aking pagkain. Ang sarap talaga ng adobo ni nanay. Anyways, happy to say naka-graduate at nakapagtapos siya ng college. Kaya may magandang trabaho si nanay ngayon. Waitress siya sa isang mamahalin at sikat na restaurant.

Hindi kami mayaman o mahirap. May kaya lamang kami katulad noong iba diyan. Gusto ko sanang itanong kay nanay kung nasaan ‘yong tatay ko but i‘m afraid na magalit siya sa ‘kin.

Dati kasi ‘nong tinanong ko siya, nasaktan niya ako at napagtaasan ng boses. Agad naman siyang humingi ng tawag noong, kalma na siya.

“Nay, alis na ho ako!” Paalam ko.

“Sige, ‘nak ingat ka. H‘wag magpapalipas ng gutom ha?”. Paalala niya. Agad akong tumango.

“Oho nay!”. Huli kong sigaw at tska sumakay ng trycicle.

“Manong sa St. France Academy ho, salamat!”.

******

St. France Academy

“Ay, ayan na si Elisse! I will gave her cake!”

“Ang ganda niya talaga.”

“Ang sarap niya.”

“Papa-salon kami mamaya!”

Rinig ko ang sigawan nils kahit andito pa lang ako malapit sa gate. Sighs* . Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang agad na may nagtapon sa akin ng cake.

Meron ding tinapunan ako ng mga make-up. Wala akong pinansin ni-isa aa kanila at patay-malisyang pumunta sa female’s comfort room.

Lagi na akong may dalang extra-uniform. Lagi nila akong inaabangang sa gate para at tapunan ng jung ano-ano but nevermind. I don't have time for those kind of people’s na baliktad ang utak.

Lumabas ako ng female’s comfort room at dire-diretsyong pumunta sa aming room.

By the way. I‘m Elisse Fuentes.

A/n: how's the first chapter? Hi guys! Kindly follow my main account, sevixrous. Also kindly follow and support those aspiring writers on my following list!

Stars in the sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon