Chapter 24

2.3K 68 1
                                    

Chapter 24



I was on my way back to my father's room when someone bumped at me. Natapon ang hawak niyang inumin sa damit ko at nabuhos ang lahat ng laman nun saakin, ngayon ay basang-basa na ang damit ko.

"I'm sorry! Oh my God!"the woman gasped.

"A-ayos lang,"bahagya akong yumuko at tumango sakanya."Kasalanan ko din naman. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko."malalim kasi ang iniisip ko at wala sa sariling naglalakad. I'm worrying too much. And I can't help it. Maayos naman na ang lagay ni papa ngayon. He's staying in the hospital for four days now hindi pa puwedeng idischarged hanggang hindi pa lumalabas ang huling result na test na isinagawa kay papa.

He got into a car accident. Hindi ko alam kung paano iyon nangyare gayong maingat naman si papa sa pagmamaneho. Ang sabi ng pulis ay nasa tamang lane naman si papa at talagang ang isang sasakyan ang walang pasabing lumipat sa kabila at nahagip ang sasakyan ni papa dahilan para sumalpok naman ang sasakyang minamaneho ni papa sa isa pang sasakyan na nasa kaliwa nito.

It was a big accident. Pero mabuti na lang at walang namatay.

"YOUR CLOTHES!"pahisteryang turo niya sa damit kong basang-basa.

I smile at her apologetically."Ah, ayos lang. Kasalanan ko naman."

"No. No. It's not okay. I'm sorry. Hindi din kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko."the woman said politely."I'll get you a new one. Can you wait me here?"she asked.

Kahit hindi sigurado at nahihiya ay tumango ako.

"Great."she smiled in a friendly way."Babalik din ako agad. Wait for me."pagkatapos ay naglakad na paalis.

Napangiti ako habang nakatitig sa pigura ng babae na naglalakad palayo.

Maganda na mabait pa. Para siyang si Ling. I'm sure she have a lot of friends too.

Nang makabalik siya ay sinamahan niya ako magpalit sa restroom. Dala niya din ang sinasabi niyang pamalit ko.

Pagkalabas ko sa cubicle ay nandun siya naghihintay saakin sa labas, she's still wearing a smile.

"Sorry ulit ah. Mabuti na lang at magkasize tayo."she spoke softly.

"O-oo nga. Salamat."I smiled at her.

Marahan siyang tumango saka ngumiti saakin."I'm Samantha Salazar..."she faked a cough and smiled awkwardly."I mean Samantha Flores. I'm sorry again."

Saglit nangunot ang noo ko at pamilyar saakin ang apilyiedong nauna niyang sinabi. Salazar? Baka nagkataon lang. Hindi lang naman si Gray Salazar ang nag-iisang may-ari ng apilyiedo na iyon.

"Yasha Rodriguez."nakangiting pakilala ko.

"Nice meeting you, Yasha. Gusto ko sanang imbitahin ka sa labas para makabawi man lang ako sa nangyare sayo kaya lang hindi ako papayagan ni mama."She laughed a bit.

Hindi ko mapigilan ang pagtataka sa mukha ko ng muli ko siyang tignan. Bakit hind siya papayagan? Sa tingin ko ay kaedad ko lang ang babae. Is she sick? Hindi naman halata iyon sakanya.

"Nagpunta ako dito sa hospital para sa last check up ko. And to get another medicine. I'm taking a medication."aniya nang mapansin siguro ang pagtataka sa mukha ko. Marahan akong tumango sa sinabi niya."Maybe some other time? I'll contact you so we can go out? My treat."she smiled.

"Ah. Nakakahiya? At isa pa hindi mo naman na kailangan iyon gawin."I said softly, shooking my head.

"I insist."she grinned happily."Ano nga pala ang ginagawa mo dito? May binibisita kang pasyente?"

"Ah..."I swallowed."Ang papa ko nandito sa hospital."I answered.

"Oh,"bahagyang umawang ang bibig niya at napatango."You know what I've been there in your position before."then she smiled sadly.

Then her face lit up."I'm sorry. I'm getting emotional suddenly. Basta see you next time, Yasha. I have to go. Baka hinahanap na ako ni mama."she smiled cheekily and waved her hands at me.

Ganoon din ang ginawa ko hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis.

Ako naman ay bumalik na sa silid ni papa. Natutulog pa si papa at si mama naman ay umuwi saglit sa bahay. I also told her to rest. Kaya ako na muna ang nagbabantay kay papa.

Apat na araw na din akong hindi pumapasok sa trabaho. I have a lot of things running on my mind. Katulad na lang ang hindi pag contact saakin ni Devon simula noong umalis siya. I was thinking if he landed on Italy? Or something bad happened? Sana naman ay wala.

Napapabuntong hininga akong umupo sa sofa.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan kung may text doon o di kaya ay tawag galing kay Devon pero wala.

It's been four days. Ano bang nangyayare kay Devon?

Naiiling kong ibinalik ang cellphone sa bulsa ko at binuksan ang flatscreen tv.

Natigilan ako ng bumungad saakin ang balita.

Is that...Devon?

Parang nanlamig ang kamay ko at nakaramdam ng takot at pagkalito.

What's going on?

What is Devon doing there? And why is he with...his ex-girlfriend, Olivia.

Napatakip ako sa bibig ko, pigil-pigil ko ang mapasinghap habang nakatitig sa tv.

Olivia is holding Devon's hand.

Ano bang nangyayare? What is Olivia doing there? N-nagkabalikan ba sila ulit?

Ang dami agad na kung ano-anong pumapasok sa isipan ko na senaryo.

Napaigtad ako sa gulat sa kinauupuan ko ng tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.

"H-Hello..."

"Yas, have you watched the news?"si Ling.

"Y-yes,"sagot ko habang nasa tv pa din ang atensyon ko.

Nagsinungaling ba saakin si Devon?

Nang makita kong gumalaw si papa ay agad kong pinatay ang tv.

"I...I have to hang up this call, Ling. I'm sorry. Sa susunod na lang tayo mag-usap."I talked to Ling.

Hindi ito puwedeng makita ni papa. Ayokong magisip siya ng masama kay Devon at pangunahan ito.

I have to trust Devon. Hindi niya ako magagawang lokohin. Hindi niya ako magagawang saktan.

Mabilis kong pinahid ang luha sa pisngi at lumapit kay papa na ngayon ay gising na.

"Yasha..."he smiled at me.

"Papa,"lumapit ako sa hospital bed nito."How are you feeling? Nagugutom na po ba kayo?"I asked.

Marahan itong umiling."Ayos lang ako. Asan ang mama mo?"

"Si mama? Umuwi lang si mama saglit sa bahay."

Tumango siya at inabot ang pisngi ko.

"You've always been a good daughter, Yasha. Patawarin mo ko sa pagkukulang ko sayo."maramdaming sabi ni papa na siyang nakapagpalito saakin.

"Pa, ano po bang sinasabi niyo?"nalilitong tanong ko.

"I know now. I know what happened to you."mariin itong pumikit at tumulo ang luha sa pisngi niya.

"Papa..."napapalunok na tawag ko sakanya.

"B-Bakit hindi mo sinabi saakin? Saamin ng mama mo?"papa's voice cracked.

"Papa..."bigla na lang akong napahagulgol.

The secrets I've been hiding for years suddenly resurface.

Taste of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon