Chapter 13
"Devon, this is my mother. Ma, this is Devon Au my boyfriend."I introduced them to each other.
Ngumiti si mama kay Devon at inilahad ang kamay.
"I am Yasha's mother it's nice to meet you, Mr. Au."
"Hello, Ma'am. Devon na lang po, Ma'am."tumango si Devon. He looks serious but he's voice is trembling. Kinakabahan ba siya? Parang impossible.
Mahinang tumawa si mama bago tumango kay Devon."Kung ganoon tawagin mo na lang din akong mama. Pasensya kana at dito tayo nagmeet. Alam mo na mahirap na baka malaman ito ni Yuan at masira ko pa ang relasyon niyo. And that...I don't want to happen. You see matagal kong pinangarap ito na balang araw ay may ihaharap at ipapakilala saakin si Yasha na boyfriend at sana sa susunod ay fiance na?"she grinned at Devon.
Devon smiled sheepishly before nodding his head.
"I understand, Ma'am."
Biglang tumalim ang tingin ni mama kay Devon at takot namang napalunok si Devon dahil doon.
"Sorry, mama."
Muling ngumiti si mama kay Devon hindi ko naman napigilan ang matawa. They look cute.
"Gusto kong sabihin na tanggap ko ang relasyon niyo at tulad ni Yasha gusto ko ding protektahan ang relasyon niyo kaya sana Devon mapanalo mo ang kaso at patunayan mo kay Yuan na inosente ka."
"I will, mama. I will."
"Good. Kasi kung hindi at matalo ka sa kaso mo ako mismo ang maglalayo kay Yasha sayo."banta ni mama.
Agad akong kinabahan dahil doon."Mama!"
Napatingin saakin si mama at napatawa."Biro lang. Malakas ang kutob ko na mananalo itong si Devon sa kaso. At pag nagkataon gusto kong lumabas ulit tayo kasama ang papa mo."
Maganda ang kinalabasan ng pagkikita ni mama at ni Devon. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko dahil doon. Si papa na lang talaga ang problema.
"At saan kayo galing?"speaking of.
"Nagbonding. Masama?"si mama ang sumagot. Mataray ang tono niya at hindi ako makapaniwala na napaatras niya si papa at parang nabahag ang buntot nito.
"H-hindi niyo man lang ako sinama."papa pouted.
Inirapan lang siya ni mama."Ayokong kasama ka. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo kagabi."
"I'm sorry, Annie."he sighed.
"Kung may dapat kang iispoiled si Yasha iyon, Yuan at hindi si Enra. May I remind you nag-iisang anak lang natin si Yasha. What will you do if she run away?"
"S-sorry na. Hindi ko na uulitin. Alam kong kasalanan ko please forgive me, Annie?"pagkatapos ay bumaling si papa saakin."Yasha?"
Nagkatinginan kami ni mama at nagtawanan.
"Ang lakas mo talaga kay papa, mama."
Tumawa si mama."Patay na patay saakin iyan noong highschool palang kami."
"Talaga?"curious na tanong ko.
Tumango si mama."Oo. Ako naman hindi ko siya gusto at hate na hate ko siya."
"Aw! Kawawa naman si papa."nilingon ko si papa at mapanuksong tinignan ito.
"S-stop. Don't tease me, Annie at ikaw din Yasha ako pa din ang papa mo."he sound mad.
"Wag kang matakot sa papa mo, kakampi mo ko."mama winked at me.
"Alam mo ang papa mo noon mapride at sobrang nakakainis. Mabuti nga at gwapo siya e kasi kung hindi wala ng magandang makikita sakanya. E ang pangit ng panloob niyan mabuti at gwapo ang panlabas pero kahit na. Inis pa din ako sakanya. Akala mo kung sinong hari sa school."pagkukuwento ni mama.
BINABASA MO ANG
Taste of You
RomanceMajestic Five (2) Out of curiosity, Yasha Rodriguez became involve with Devon Au the man who have an issue about being abusive and violent towards his ex. When her cousin becomes the second victim and accused Devon Au those charges there's something...