Before 1 year ..
Nael POV
Congratulations !!! - sabay sabay na bati sakin ng pamilya ko ..
Grabe , nag abala pa po kayo - nakangiting sabi ko sa kanila habang papasok ng bahay at dumiretso kina nanay at tatay para mag mano sa kanila ..
Nako kaunti lamang ang mga ito para icelebrate natin ang achievements mo anak - nakangiting sabi sakin ni nanay ..
Para namang gumraduate nako nyan nay - medyo nakakunot kong noo pero nandun parin ang mga ngiti sa labi ko ..
Alam mo naman ang nanay mo - sabi ni tatay habang nakatingin kay nanay na parang nang aasar
Nako hayaan nyo nako , sa ganitong paraan ko lang maipapakita ang pagiging proud ko sayo anak , aba ! sino ba namang hindi magiging proud , eh ang anak ko lang naman ang nag top 1 sa buong school at hindi lang yan nakakuha pa sya ng scholarship sa .. EL GRANDE INTERNATIONAL SCHOOL , hindi kalang pang intergrated anak pang international ka rin - sabi ni nanay na may buong pagmamalaki sabay hawak sa pisngi ko dahilan para mapangiti rin
So parang sinasabi mo hindi ako proud sa anak ko - pang aasar ni tatay kay nanay
Wala akong sinasabing ganyan , Vicente !! - pag depensa ni nanay kaya napangiti nalang ako
Biro lang - pagbawi ni tatay para mas lalo kaming nagtawanang lahat
Nako tayo ng kumain baka lumamig pa yung inihanda ko - aya samin ni nanay kaya wala rin kaming nagawa kundi enjoyin nalang ang konting salo salo na inihanda para sa akin ni nanay , binati rin ako ng bunso kong kapatid na si ely ..
By the way bago ang lahat mag papakilala muna ako HEHE ! ako nga pala si Vinz Nael Aragon , pero nael ang nakasanayan nilang itawag sakin , 17 years old nako at senior high nako sa pasukan .. dati akong nag aaral sa El Grande Integrated School pero nakakuha ako ng scholarship para makapasok sa El Grande International School dahil ako lang naman ang nanguna at nag top 1 nung moving up namin HEHE ! yabang ba ? honest lang .. Iisa lang naman ang dalawang school na yun pag sinabing Intergrated public school ng El grande para sa mga katulad ko na simpleng tao lang ang nag aaral tapos ang International ay private school ng El grande para sa mga sosyal , fashionista , famous in short RICHKID .. alam kong wala sa akin ang mga katangiang yun pero kaya ko tinanggap ang scholarship ng International School para makita si Zinniah Calma , my ultimate crush .. she's a beautiful , sexy , famous , rich pero kahit na wala sa kanya ang lahat ng yan kasi isang katangian lang naman ang nagustuhan ko sa kanya ang pagiging Humble nya , wala sa kanya ang kasikatan nya dahil laging nakatungtong sa lupa ang mga paa nya , sobrang bait at yun ang mas nagpaganda sa panlabas nyang kaanyuan .. pero sa kabila ng pag hanga ko sa kanya pagbubutihan ko parin ang pag aaral ko para kahit hindi ako kasing gwapo ng iba , kasing porma ng iba , kasing yaman ng iba , kasing sikat ng iba , atleast may utak parin akong maipagmamalaki sa kanya .. dahil hindi nako makapag hintay dumating ang pasukan kaya inabala ko nalang sarili ko , tumulong nalang ako sa maliit na negosyo nila tatay at nanay , naging mabilis ang panahon at dumating na ang unang araw ng pasukan ..
START OF CLASSES
Anak gising na ! Malilate kana sa klase mo - gising ni nanay sa akin habang tinatapik ang balikat ko , kaya napabalikwas nalang ako sa aking kama at di ko na nasagot si nanay dahil nagmamadali akong pumunta sa banyo , narinig ko nalang ang bahagyang pagtawa ni nanay kaya napakamot nalang sa ulo at tuluyan ng pumasok sa banyo minadali ko nalang ang pagligo ko kasabay ng pag sipilyo , nagbihis nako ng uniform nung una nanibago pako dahil ibang iba ang uniform ng International kesa nung nasa Integrated palang ako pero napangiti nalang ako nung maalala ko si zinniah hehe !! nagsuklay ako ng buhok tsaka ko isinuot ang eye glasses ko malabo kasi ang mata ko kaya no choice akong suotin iyon , tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nung nakuntento nako sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina para mag almusal , nandun narin sila tatay at ely dahil papasok narin si ely sa iskwelahan at si tatay naman ay mag bubukas na ng carenderia namin ..
BINABASA MO ANG
After You Came
Teen FictionDISCLAIMER !! This is a work of fiction. Names, Characters, Events, Places and Incidents are either product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, real events, living or dead is purely coincidence. PLAGIARISM IS A CRIME !! N...