Zinn POV
Bakit kasama mo sya ? - nakangusong tanong sakin ni drue nang makarating ako sa cafeteria pero bago ako pumunta sa table namin ay bumili muna ako ng pagkain , nandun narin sila remy at klea , umupo ako bago nagsalita
Eh ano naman sayo kung magkasama kami - medyo sarkastikong sagot ko sa kanya
Tch, napapadalas na ata ang pakikipag usap mo sa kanya - tunong nagtatampong sabi ni drue
Sus ! Selos ka lang eh - asar naman sa kanya ni remy , manahimik ka nga dyan - singhal naman ni drue kay remy
Pareho kami ng club , kaya kami magkasama - sabi ko sa kanya sabay subo ng pagkain ko at uminom ng juice
ANO ? - sigaw ni drue sa akin , kaya muntik ko na mailuwa ang juice sa bibig ko
Oh , okay ka lang , Zinn ? - nag aalalang tanong ni remy sabay abot sakin ng tissue , are you okay - dugtong ni klea , nung naging okay nako tsaka ko hinarap si drue
Bakit ba ang hilig mong sumigaw !! - singhal ko kay drue
Sorry naman , nabigla lang ako sa sinabi mo e - nahihiyang sabi ni drue
Hindi naman kailangang ganyan ang reaksyon mo - medyo inis ko pang sabi
Sorry na nga eh - nakangusong sagot nya kaya ibinaling ko nalang ang sarili ko sa pagkain , Bakit ba kasi di mo sinabi samin na kasama mo pala sya , kahit ako medyo nagulat din e - pagsingit samin ni remy
Hindi naman lahat ng bagay kailangang sabihin ko sa inyo - tugon ko kay remy , Sa bagay , Nael is such a nerd na di dapat binibigyan ng attention - kibit balikat na sabi ni remy at medyo nainis naman ako
Remy don't be like that - sita ko sa kanya , kaya parang na konsensya naman sya sa sinabi nya , Sorry ! It's not what I mean - nahihiyang sabi ni remy , nginitian ko naman sya .
Nakita ko kayo kaninang umaga sa open ground ah nakaupo kayo sa bench - biglang sabi ni klea habang nakatingin sa pagkain nya at ginagalaw galaw ito
Ah yun ba , nakita ko lang din sya du'ng nagbabasa , di pa naman mag uumpisa ang practice namin , kaya sinamahan ko nalang din sya , total iisa lang naman ang club namin kaya dun na kami naghintay ng oras - tugon ko sa kanya
Tch , talaga'ng nagiging malapit na kayo , baka ipagpalit mo na ako sa kanya nyan - nakangusong sabi ni drue
Wag ka mag - alala drue , hindi kita ipagpapalit - sabi ko sabay tapik sa balikat nya at ngumiti naman ang loko , kasi di naman kita pinipili - asar na sabi ko sa kanya , sabay tayu sa kinauupuan ko dahil tapos na ako kumain narinig ko naman ang pagtawa ni remy at nakita ko rin ang bahagyang pag ngiti ni klea , Grabe ka talaga sakin - maktol ni drue sakin
Sige na mauuna na ako , may practice pa kami - paalam ko sa kanila at tsaka nag simulang mag lakad palabas , pero naagaw ang atensyon ko sa table nila nael , kaya naisipan kong lumapit sa kanila .
Woi , zinniah ikaw pala - bati sakin ni betty nung mapansin nyang nasa harap nako ng table nila , lumingon naman si nael na nakatalikod mula sa kinatatayuan ko at kitang kita naman ang pagkagulat nya nung makita nya ako .
Hehehe !! He's usual reaction .
Yiie , sinusundo kana ng cru.. - sasabihin sana ni jomar pero bigla nalang isinubo ni nael ang isang tinapay dahilan para hindi ito natuloy
BINABASA MO ANG
After You Came
Teen FictionDISCLAIMER !! This is a work of fiction. Names, Characters, Events, Places and Incidents are either product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, real events, living or dead is purely coincidence. PLAGIARISM IS A CRIME !! N...