Chapter 2 :

7 0 0
                                    

Zinniah POV

Nang makauwe ako galing school agad akong sinalubong ni manang celia para kunin ang bag ko , pagkaabot ko nito dumiretso nako sa sofa para umupo , medyo ang nakakapagod ang araw na'to , sinandal ko ang leeg ko sa sofa para makapag relax .

Kumusta ang unang araw mo , hija ? - nakangiting tanong ni manang celia

Katulad parin po nang dati - nakapikit na sagot habang nakasandal parin ang leeg ko , naiintindihan naman ni manang celia ang ibig kong sabihin kong sabihin , alam nya nag katayuan ko sa school , kaya di na sya natanong pa

Oh sya sige maghahanda nako ng hapunan - rinig kong sabi ni manang at naramdaman kong inilagay nya ang bag ko sa table na malapit sa sofa'ng inuupoan ko , maglalakad na dapat sya papuntang dining area nang may maalala akong itatanong sa kanya kaya napabalikwas ako sa aking pagkakaupo

Manang ! Tumawag napo ba si daddy ? - tanong ko sa kanya kaya lumingon sya sa akin pero kita sa muka nya na bigo nanaman ako , napabuntong hininga ako na bumalik sa pagkakasandal sa sofa

Baka busy lang sya , siguro nama'y tatawag din yun pag wala syang ginagawa - sabi ni manang kasabay ang pagngiti nya para ipakita sakin na wag ako mag alala , pilit ko naman syang nginitian pero may bahagi parin sa puso ang nalulungkot

Ipaghahanda na kita ng makakain mo , magbihis kana para naman maaga kang makapag pahinga - nakangiting sabi ni manang sila , isang beses pako napabuntong hininga bago tumayo at umakyat sa kwarto ko nagbihis nako at agad ding bumaba para kumain , mabilis ko rin agad tinapos ang pagkain ko dahil naalala kong may mga school work pala akong gagawin , nagpaalam din ako ng maayos kay manang celia bago sana umakyat muli sa kwarto ko pero napatigil ako sa harapan ng table na nilalagyan ng telepono namin

Why are you always me feel like this , dad !!

Malungkot na sabi ko sa sarili ko bago tuluyang umakyat sa kwarto ko , ginawa ko ang mga school work ko para maaga ding makapagpahinga , nang matapos ko ito , naligo nako ako kasabay ang pag sisipilyo at nagbihis ng pantulog , bago ako mahiga pinatuyo ko muna sa blower ang buhok , nung matapos iyun ay humiga nako pero kasabay ng paghiga ko ang pagtunog ng cellphone ko , tinignan ko kung sinong tumatawag at umaasang si daddy yun ..

Drue is calling ..

Tch , singhal ko sa sarili ko at diko na sinagot pa dahil alam kong mangungulit lang ang isang yun , sa totoo lang di naman mahirap mahalin si drue pero nandun ako sa part na childhood bestfriend ko sya at alam ko na lingid sa kaalaman ni klea ay alam kong may gusto sya kay drue kaya hindi ko na binalak pang ibalik ang nararamdaman ni drue para sakin dahil ayaw kong maging dahilan yun ng pagkasira ng pagkakaibigan namin , kung tatanongin nyo kung bakit di ko sinasabi kay klea na alam ko na may gusto sya kay drue , dahil hindi pa naman ako sigurado pero di ko madadaya ang sarili ko sa mga napapansin ko sa ikinikilos nya kaya mas mabuti nalang iwasan para walang samaan ng loob at isa pa may isang tao nang nakapukaw sa puso ko si stranger , hehe !! di ko kasi alam ang pangalan nya eh kaya stranger  ang tawag ko sa kanya , sya lang ang tao na nakagawang pagain ang loob nung mga oras na down na down ako , yung feeling na graduation day ko ako lang ang walang magulang na umattend dahil nung ipinanganak daw ako namatay ang mommy ko si daddy naman masyadong busy sa mga negosyo namin lagi sya wala dito sa bahay kung hindi out of town eh out of the country naman , di ko naman sya masisisi dahil para sakin din naman daw yun , tanging si manang celia lang ang nakasama ko hanggang ngayon pero nung araw ng graduation ko may emergency sa probinsya nila kaya di rin ako nasamahan ni manang celia , di man dapat pero naiinggit akong makitang masasaya ang mga kabatch ko kasama ang mga magulang nila habang umaakyat ng stage para isabit mga mga medalya nila samantalang ako tanging larawan lang ni mommy ang kasama ko , 2 weeks after graduation kailangan ko nang mag enroll sa high school and guess what mag isa nanaman ako , ansaya ng buhay ko noh hehe pero umaasa parin ako na katulad ng ibang student na hinahatid sila ng mga magulang nila sa unang araw ng pasukan pero nabigo nanaman ako at dun ko naramdaman ang pagkapuno ng sakit sa puso ko hindi literal na sakit sa puso pero parang unti unti akong pinapatay nito sa sobrang sama ng loob kaya di ako pumasok sa unang araw ng pasukan ko nung Grade 7 ako , nagpaikot ikot lang ako kung saan ako dalhin ng mga paa ko sa pag aakalang mababawasan ang sakit ng nararamdaman ko pero hindi , lalong bumigat kaya nung nakakita ako ng isang puno agad akong pumunta dun at sumalampak , ibuhos ko lahat ng bigat sa pamamagitan ng pag iyak , itiniklop ko ang mga tuhod ko para maabot ito ng ulo ko at dun yumuko para umiyak .. ang bigat bigat talaga ng nararamdaman ko noong mga oras na yun , dagdagan mo ang mga taong nakapaligid sakin , mga taong diko magawang itago ang pribado kong buhay , pero kabila ng lahat ng sakit dumating si stranger  para mag silbing sandalan ko ng mga oras na yun , sa pamamagitan ng mga salita nya para bang hinaplos ang puso ko na nagsasabing sa kanya dapat akong magtiwala , magtiwalang pag sinabi ko ang kwento ko at inilabas ang lahat ng hinanakit nito mababawasan ang bigat ng nararamdaman ko at nung natapos ko ng ikwento ay parang magic na guminhawa ang nararamdaman ko , nandun parin yung kirot pero hindi na mabigat .. si stranger lang ang nakagawa nun , kaso di ko manlang sya nakilala sa pangalan nya at kahit ang itsura nya di ko manlang matandaan dahil 4 years narin yung nakakaraan at nung oras na yun masyadong mugto ang mata dahil sa pag iyak .. sana naaalala nya pa ako , sana natatandaan nya pa ang pangalan ko , at sana magkita kami ulit ..

After You CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon