Zinn POV
Pwede ba kitang maging partner bukas !? - Magkasabay na sabi nila nael at drue , hindi ako makapag react sa tanong nilang dalawa , unti - unting lumalakas ang tibok ng puso ko , magka-halong kaba at gulat ang nararamdaman ko , kaba dahil kahit expected ko nang tatanongin ako ni drue ay hindi ko magawang sagotin ito , gulat dahil hindi ko naman expected na tatanongin ako ni nael .. kung tatanungin ang isip ko gusto kong pagbigyan si drue dahil ayaw kong ipahiya sya sa harap ng maraming tao gayong halos lahat sila ay alam na may gusto sya sa akin at kahit na sa kabila ng nangyare kaibigan ko parin sya , pero iba ang sinasabi ng puso ko dahil si nael ang binubulong nito . Mag sasalita na sana ako ng bilang nag ring ang phone ni klea .
Kring .. kring .. kring ..
I'm sorry , tumatawag si mommy , excuse me - paumanhin ni klea nung kinuha ang phone nya sa kanyang bulsa at nakita kung sino ang tumatawag , dumistansya sya sa amin bago ito sagutin.
What now Zinn ? Sino ang pipiliin mong maging partner ? - tanong ni drue sa akin kaya muling bumalik ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang dali lang ng tanong pero ba't nahihirapan ako , ang daling sagutin na si drue ang pinipili ko pero pinipigilan ako ng puso ko.
O-okay lang kung hindi ako ang piliin mo - sabi ni nael habang nakatungo sa akin , pero bakit sa loob loob ko hindi ako sumasang ayon sa sinabi nya , na parang gusto kong bawiin nya ito.
Yun naman pala eh , marunong ka palang lumugar - seryosong sabi ni drue , kaya naman nakaramdam ako ng konti'ng inis sa sinabi nya.
Excuse me - paalam ni nael bago ito tumalikod sa amin sumunod naman sila betty at jomar sa kanya ngumiti pa ang mga ito bago tuluyang sundan si nael , napa-hakbang din ako ng isang beses dahil gusto ko syang pigilan , gusto kong sabihin nya uLit na pwede nya ba akong maging partner dahil sa pagkakataong ito pagbibigyan ko sya kaso napatigil ako nang biglang sumigaw si klea at dahil doon ay napalingon ako sa pwesto ni klea.
WHAT !! - Sigaw ni klea habang nasa tenga nya parin ang kanyang cellphone , Okay ! Mom , pauwi na ako - may halong pag aalalang sabi ni klea bago ibinaba ang cellphone nya at nag mamadaling umalis , nagawa ko pa syang tawagin pero hindi nya na nagawang tumigil o kahit lumingon pa sa amin , nakaramdam din ako ng pag - aalala sa ikinilos ni klea.
Ano kaya'ng nangyare ?
Tanong ko sa isip ko , namalayan ko nalang ang pag lapit ni remy sa akin.
Ano kayang nangyare ? - tulad ng nasa isip ko ganun din ang tanong ni remy , Hindi ko rin alam - may pag aalala tugon ko
Tayo na ang magka-partner bukas ah - pagsingit ni drue kaya tinignan ko sya ng masama , Hindi mo ba nakikita , may nangyayareng hindi namin alam tungkol kay klea tapos yan parin ang iniisip mo , ganyan kaba kadesperado para lang maging partner ako , wala ka talagang paki alam sa mga tao paligid mo noh ! , Dahil sarili mo lang ang iniisip mo - may panunumbat na sabi ko kay drue , natigilan naman sya sa sinabi ko , buti pa si nael marunong lumugar , eh ikaw ? minsan naman ilugar mo ang sarili mo kung anong nangyayare sa paligid mo - dugtong ko bago sya tinalikuran at umalis nalang
Commonsense drue ! - rinig ko pang sabi ni remy kay drue bago ito sumunod sa akin , nakaramdam talaga ako ng inis kay drue , hindi ko alam kung dahil ba sa pinipilit nya paring maging mag partner kami o dahil sa ibang bagay , ang sigurado ako ngayon ay nag aalala ako kay klea.
BINABASA MO ANG
After You Came
Teen FictionDISCLAIMER !! This is a work of fiction. Names, Characters, Events, Places and Incidents are either product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, real events, living or dead is purely coincidence. PLAGIARISM IS A CRIME !! N...