Chapter 5 :

1 0 0
                                    

Zinn POV

Nakahiga ako ngayon sa aking kama habang nakatingin sa kisame at iniisip kung ano ang nangyare kanina sa school , alam kong may mali pero ang hindi ko maintindihan ang nararamdam ko , natatakot ako na baka mangyare ang kinatatakotan ko at baka pati si nael ay madamay sa bagay na ayaw kong mangyare yun ang masira ang pagkakaibigan namin nila klea na pilit kong iniiwasan .

Sana mali ang nasa isip - mahinang sabi ko sa sarili na may halo'ng kalungkutan , napa buntong-hininga nalang ako sa bigat ng nararamdaman ko

Tok ! Tok ! Tok

Napa balikwas ako sa aking pagkakahiga ng marinig ko ang katok mula sa pinto ng kwarto ko

Zinn ! Gising kapa ba ? - tawag ng pamilyar na boses mula sa labas

Daddy !!

Mabilis kong tinungo ang pinto para buksan ito at pagbukas ko nito ay tumambad sa akin ang muka na kina sasabikan ko .

Daddy - mangiyak ngiyak kong usal sabay yakap sa kanya , I miss you dad - dugtong ko habang naka-yakap sa kanya at naramdaman ko naman ang banayad na pag haplos nya sa aking likod

I miss you too , baby - usal nya habang hinahaplos ang buhok ko sa likuran , dahan dahan ko namang inalis ang pagkakayakap ko sa kanya , Bakit ngayon ka lang umuwe ? - usal ko kasabay ang pamamasa ng aking mata , hinawakan nya naman ang magkabilang pisngi ko .

I'm sorry ! Alam mo naman na maraming inaasikaso si daddy , di'ba - malumanay na sabi nya sakin dahan dahan nyang tinanggal ang pagkakahawak nya sa pisngi ko , pumasok  kami sa kwarto ko at naupo sa sofa na naroroon .

I know naman dad , pero bakit hindi ka manlang tumawag sa akin para kamustahin ako ? - malungkot na usal ko sa kanya , Gustohin ko mang tumawag pero laging late natatapos ang mga meetings ko , ayaw ko namang istorbohin ang oras mo sa pag tulog dahil alam kong pagod ka galing school , tsaka gusto ko ring surpresahin ka sa pagdating ko. Kaso muka'ng sisermonan mo nanaman ako - malumanay na paliwanag ni daddy tapos ngumiti sa akin kaya nginitian ko din sya , Hindi naman dad , namimiss lang talaga kita - nakangiting sabi ko .

How long you stay here ? - tanong ko sa kanya pero isang ngiti ang isinagot nya sa akin bago nagsalita , 6 months I guess - maikling sagot nya kaya nakaramdam ako ng saya sa puso ko

Really !? - tuwang tanong ko sa kanya , dahil sa tuwing umuuwe sya dito ay 1 week lang ang pinakamatagal na pamamalagi nya kaya natuwa talaga ako ng marinig kong 6 months syang mag i-stay dito

Oo , dito kasi gaganapin ang malaking conference about business world , so bilang chairman and ceo ng calma group of companies ay kailangan nandun ako bilang representive , kaya kailangan kong mag prepare for that event - paliwanang ni daddy

So magiging busy ka parin pala kahit nandito ka ? - medyo malungkot kong tanong

For a month , Yes ! kasi kailangan ko ring asikasohin ang mga naiwan kong trabaho dito sa pilipinas , konti lang naman yun kaya hindi masyadong magiging hectic ang schedule ko kasi naasikaso nanaman ni president Yuzon ( daddy ni klea ) , ang iba habang nasa abroad ako , kaya naman bago ang conference ay maasikaso ko naman ang birthday mo next month - paliwanag ulit ni daddy .

Oo nga pala !! Birthday ko na next month , nawala sa isip ko .

You're going 18 , dalaga na ang baby girl ko - nakangiting sabi ni daddy , Simple'ng celebration lang dad , okay na sakin - nakangiting tugon ko

After You CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon