Zinn POV
Lumabas ako sa music club room na may ngiti sa aking mga labi , di ko rin maintindihan dahil parang may excitement akong naramdaman , di ko kasi inaasahang nandun din si nael .
Flashback
Ano'ng club ang sasalihan mo, zinn ? - tanong sakin ni remy sa akin
Di'ko pa alam eh - sagot ko sa kanya habang inaayos ang gamit ko , pagkatapos kasi mag paliwanag si ms.agatha ay nag kanya kanya ng nagsi paglabasan ang mga kaklase namin
Ba't di ka nalang sumali sa cheerleader club para naman may mag cheer sakin sa basketball pag nag simula na ang sportfest - naka ngising sabi ni drue
Baka mapasali mo si Zinn sa cheerleader , eh may fear of high kaya yan - bara naman sa kanya ni remy kaya inismiran naman sya ni drue
Wala ka ng ibang ginawa kundi barahin ako - medyo inis na sabi ni drue kay remy
Eh puro naman kasi sablay ang hirit mo - singhal sa kanya ni remy
Tama na yan baka magkapikonan nanaman kayo - singit ni klea sa kanila , bahagyang napangiti naman ako dahil sa aso't pusong bangayan nila drue at remy
Bakit di'ka nalang sa music club sumali , di ba noon kapa pinipilit nila Paul na sumali doon - suggest ni klea sa akin , kaya napa isip din ako
Masyado ng matagal ang nangyare noon, Zinn ! Karapatan mo naman siguro sundin kung ano talaga ang gusto mo which is music - dugtong pa ni klea
Siguro nga - maikling tugon ko tsaka ngumiti sa kanya
Nandito lang kami para suportahan ka lagi - nakangiti namang sabi ni remy
Mas lalo na ako - pagyayabang pa ni drue , di nalang namin sa pinansin at lumabas na kami sa classroom , nadinig ko pa ang pagrereklamo ni drue dahil sa inasta namin at sumunod nalang din sa amin , di pa man kami nakakalayo sa classroom namin ay nag kanya kanya na kami , si remy at drue ay sa sport club pumunta dahil tennis ang field ni remy samantalang si drue ay basketball player , si klea ay sa cheerleading club pumunta di na mababago yun dahil sya ang cheerleader captain ng school namin pero bago kaming maghiwa-hiwalay ay napagkasunduan namin na sa cafeteria kami magkikita kita after ng mga gagawin namin , kaya ako naman ay pumunta na sa music club , di pa man ako nakakapasok nakita ko na si Paul na may kausap kaya nung napansin ako ni Paul ay lumingon din sa akin ang kausap ni Paul , at nagulat ako na si nael pala iyon pero diko pinahalata ang pag kagulat ko .
Woi , Zinniah - medyo gulat na sabi ni paul nang makita nya ako kaya naglakad din ako papasok
Don't tell us , sasali ka sa club namin ? - tanong sakin ni paul habang papalapit sa akin
Bawal naba sumali ? - medyo sarkastikong tanong pero nginitian ko din si paul
Hehe syempre hindi , noon ka pa naman pinipilit sumali dito sa music club kaso puro ka tanggi , kaya nagulat nalang ako na nandito ka ngayon - medyo nahihiyang sabi sakin ni paul , isang ngiti naman ang binalik ko sa kanya bago tumingin kay nael
😳 nael
Sa twing nakikita nya ako , ganyan ang reaksyon nya .. hehe
Nandito ka rin pala ? - nakangiting tanong ko sa kanya
Ah o-oo - nauutal nyang sagot sa'kin
BINABASA MO ANG
After You Came
Teen FictionDISCLAIMER !! This is a work of fiction. Names, Characters, Events, Places and Incidents are either product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, real events, living or dead is purely coincidence. PLAGIARISM IS A CRIME !! N...