Zinn POV
Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko ng makita kong magkasama sila klea at nael , hindi ko na pinatagal pa ang pagtanaw ko sa kanila mula sa malayo , umalis din agad ako doon at naglakad lakad kung saan ako dalhin ng aking mga paa .
Bakit ako nakakaramdam ng ganito ?
Napa buntong-hininga nalang ako habang naglalakad , pinipilit kong iniiwas si nael sa pwedeng mangyare sa pagitan namin ni drue at klea pero bakit pilit syang lumalapit at bakit kailangang kay klea pa sya lumapit . Natapos ang pag iisip at paglalakad ko ng mapansin ko na nasa harap ko na pala si drue.
Zinn - malumanay nyang tawag sa akin , pero halata sa kanyang muka ang pag aalala , tinignan ko sya ng deretso at sya na ang kusang bumitaw nito.
Sabihin mo sakin , ano ba ang nangyare ? - seryoso kong tanong sa kanya , pero ilang segundo syang hindi nakasagot sa'kin bago bumuntong hininga.
Umamin sa'kin si klea na gusto nya ako - nakayuko nyang sabi sa akin , at nabigla naman ako sa sinabi nya pero hindi ko iyon pinahalata
Yung time na nakita mo kami ni nael , kaya ganun ang nasaksihan mo , hindi talaga yun tungkol sa sinabi kong umiwas sya sayo - dugtong nya pa habang nakayuko parin , nakaramdam ako ng konting kaba sa susunod nya pang sasabihin , tumingin sya sa muka ko pero hindi ito deretso sa aking mga mata , hindi ako sumagot sa kanya na nangangahulugang ipagpatuloy nya pa ang sasabihin nya.
Nakita nya kasi kami ni klea , kaso yung nakita nya ay yung hinalikan ako ni klea - nag aalinlangan sabi nya tsaka muling yuko , mas nagulat ako sa sinabi nya , hindi ko inaasahang ganun ang nangyare , hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko , halo halo ang emosyon nito , pero pinilit ko paring maging kalmado at tumingin kay drue.
Yung kanina anong nangyare ? - pilit na kinakalma kong tanong sa kanya .
Gusto nya kasi na maging mag partner kami sa darating na welcome party , pero tinanggihan ko sya kaya nag over react sya , kaya yun hinila ko sya palayo sa harap ng maraming tao kaso paghawak ko sa braso nya pumiglas sya kaya na out balance sya kaya nakita mong nakaupo sya sa sahig - mahabang paliwanag nya , nakaramdam ako ng pagiging kampante dahil alam kong nag sasabi sya ng totoo , pero sa kabilang banda gusto ko parin makausap si klea , ayaw ko naman maging bias sa pagitan nila dahil pareho ko silang kaibigan.
Pero paano ? Magkasama sila ni nael ngayon.
Alam mo namang ikaw lang ang gusto ko eh , at ikaw din ang gusto kong maging partner sa welcome party - parang batang sabi ni drue , Ayoko , base sa ikinwento mo nag over react si klea at pwede pang lumalala yun , kaya ayaw kong gumagawa ng dahilan para mas lalo syang makaramdam ng sakit - seryosong sabi ko tapos tatalikuran ko na dapat sya pero hinawakan nya ang braso ko.
Pero paano ako ? , zinniah noon ko pa sinasabing gusto kita , diba ? alam yun ni klea kaya diko kasalanan kung ganun ang magiging reaction nya - tugon nya sa akin
At noon ko parin sinasabi sayo'ng hindi kita magugustohan - kunot-noo kong sabi sa kanya , Bakit kaba hindi moko magustohan ? - kunot-noo nya ring sabi sa akin.
Katulad ng dahilan mo , kung bakit hindi mo magugustohan si klea - seryosong sagot ko sa kanya , gusto kita kaya di ko magugustohan si klea , so ibig sabihin may nagugustohan ka rin , kaya di mo ako magawang magustohan ? - seryosong tanong nya sa akin , kaya naman natigilan ako.
BINABASA MO ANG
After You Came
Teen FictionDISCLAIMER !! This is a work of fiction. Names, Characters, Events, Places and Incidents are either product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, real events, living or dead is purely coincidence. PLAGIARISM IS A CRIME !! N...