If things like that scares her, she must back out because there's more to come.
That is what Callie has been thinking about as she ate her meal that afternoon. Tuliro lamang ang kanyang isip, ngunit gusto niyang ibalewala na lamang iyon at kumilos ulit ng normal.
That thing Alex did was indeed cruel, at marahil ay hindi siya nakatagpo ng mga matapobreng taong katulad ng kambal ng boyfriend niya dati. Pero lahat ba talaga ng mga matapobre ay ganon? Ganon ka salbahe? She doubts so.
Napukaw lamang ang diwa niya nang pabagsak na ibinaba ni Valdemar ang kutsarang hawak niya sa plato nito, na nakaupo sa tapat niya.
"Ugh. You're both an eye sore." he said, closing his eyes with each fingers on his lids. Dahil sa sinabi nito'y napalinga siya sa katabi niyang lalaki na patay-malisya sa kinauupuan nito.
Ngunit hindi niya alam na kanina pa nakaw ng tingin ang lalaki sa kanya, but is afraid to speak to her, dahil baka ayaw niya pang makipag-usap. And Valdemar has been watching the two of them.
"I just hate third wheeling so much." supladong anito at muling yumuko upang tingnan ang pagkain. Ales hissed and scorned at him. "Nung nag-third wheel ako sa inyong dalawa nung college tayo nagreklamo ba ako?" Ales replied, followed by an audible 'tsk'.
Bumuntong-hininga na lamang si Valdemar at saka tumayo at kinuha ang platong pinagkainan. "That was a different case, pasikreto lang akong nagkagusto sa kanya wala akong pinagsabihan." anito at tumalikod, saka dumiretso ng sink.
"Para ka namang 'di halata no'n kahit si asungot alam niya nang may gusto ka sa kanya."
Hindi na siya pinansin ni Valdemar dahil umalis na nga ito sa harapan nila papunta sa kwarto nito. Sigh, Valdemar is back to his arrogant and impassive demeanor again, just after Jourdan Romano leaves his side. By the way, where's Jourdan Romano?
"Babalik ako sa school." biglang pagsalita ni Callie, na ikinabigla niya. Pagtingin niya dito'y nakangiti ito sa kanya. He knew she's trying to recover from that shock, kaya mas lalong nahulog ang loob niya para sa babae.
"You think so? Sige, sige, ihahatid kita. Sabihin mo lang sakin kung kelan ka papasok." ani Ales at nginitian ang dalaga. Muling tumahimik ang dalawa, at hindi nagkaroon ng lakas si Ales para basagin iyon.
But he eventually did. "I'm sorry." hindi makatingin sa dilag na sabi niya. Kunot-noong tumingin si Callie sa kanya.
"Para saan? W- wala ka namang kasalanan eh."
"Pero sorry."
"Ayokong tanggapin ang sorry mo." nakangiting sabi ni Callie. Ales was taken aback, lalo na nung ngumiti ito. "Wala ka nga kasing kasalanan, kaya walang rason para mag-sorry sakin."
"Somehow, I have reasons to." he replied.
"Pero ako wala." muling ibinalik ni Callie ang tingin niya sa plato at kaswal na kumain.
"Kapag nagso-sorry ka, pakiramdam ko ang hina-hina ko. Ayoko nun, nakakinis eh." sabi na naman nito, nang may pagkain sa bibig. Natutop si Ales at napatingin ng mataman sa kanya.
"Magiging maayos din ang lahat." sabi ng babae at ngumiti, with her puffy cheeks from food stuffed in her mouth.
Hindi napigilan ni Ales na mapangiti sa kanya, kahit na mahapdi ang sugat niya sa labi dahil sa panunuyo at blood clotting.
He knew what she said was impossible---- and they should be looking at the reality. 'Magiging maayos din ang lahat.' is an ambitious pretense because whether they admit it or not, the whole clan's system must be changed to attain that. The truth is, a single percent of possibility is all that it has, kaya kung sasabihin iyon ni Callie, masyadong mataas iyon. Masyadong imposible.
BINABASA MO ANG
Steel Skin: Pitch Black (Explicit)
Lãng mạnResurrection of the motherf*cking dead. -- Steel Skin: Code Red sequel. (A/N: I am SiKu_anne) (TRIGGER WARNING: The story may contain extreme violence, emotional and physical abuse, suicide, sexual assault, and etc.)