61:00 Bus Kiss

470 38 18
                                    


Hindi alam ni Callie kung bakit siya nakatayo sa harapan ng napakalaking mansiyon ng pamilyang Wu, in the first place. Disgusting is an understatement, her outfit was horrendous, and does not totally fit for their glamorous mansion. Hindi sigurado si Callie, pero klarong mas malaki ito sa mansiyon ni Valdemar na tinutuluyan niya ngayon, at marahil dahil siguro, hindi iyon ang buong kabahayan ng pamilyang Florentin. If that's so, could it be that Valdemar's family's real mansion is as huge as this?

Or probably bigger?

Wala sa sarili siyang napatingin sa relos niya kahit na ilang beses niya na itong ginawa sa loob ng limang minuto, pagkatapos ay agad din namang tinakpan iyon dulot ng hiya. Now she regrets wearing this fake 18 carat gold watch in this mansion. Would they notice this faux gold watch?

Ugh.

She has never been more conscious with her actions her entire life than now. Pakiramdam niya'y isang maling galaw lamang ay mababahiran niya ng madumi ang puri sa harapan ng pamilya ni Ales. Why did Ales bring her here in the first place? She shouldn't have agreed. Ngayon lang nag-sink in sa kanya ang nerbyos.

Narinig niya ang maangas na tunog ng isang sasakyang paparating sa harap ng entrance ng mansiyon at dahil nasa mismong pinto siya ng mansiyon, ay huminto ito sa kanyang tapat.

When the door opened, a fine looking woman in her late twenties stepped out of the car, carrying a very adorable child in her arms. Natigilan siya nang may mamukhaan siya dito, at napatitig dito nang nakaawang ang bibig.

Damn, she looked so much like Sir Valdemar. Magpinsan kaya sila? Parang mag-kambal eh.

Nang tingnan niya ang damit nito't damit niya'y napaakap siya sa sariling mga braso dahil sa hiya.

"Please carry this up to the couch in the living room. Huwag mong ibagsak ha, nandyan yung iPad ng bata baka magwala." ani babae at basta-basta na lamang inabot sa kanya ang isang malaki-laking bag na parang may lamang mga laruan ng bata. She saw Callie's hesitation to receive it.

"What?" inis na sambit nito at inalog pa sandali ang handle ng bag. Napukaw ang diwa ni Callie at tinanggap na lamang ang bag na iyon nang walang sinabi. Hindi na nito siya hinintay na magsalita at naunang pumasok ng mansiyong iyon.

Just moments after that, the man she long waited for came out of nowhere, smiling at her.

"I'm sorry it took me a while." ani Ales at hinawakan sa bewang ang dalaga, nang mapansin nito ang bag na dala ni Callie.

"Hmm? Aanhin mo?" tanong nito sa kanya. Callie gave him a shy smile. "H- hindi to sakin." aniya.

Kunot-noong inagaw ni Ales ang bag na hawak ng dalaga at binuksan kung ano ito. Nang mabuksan niya'y bumungad sa kanya ang laruan ng bata, at ang pamilyar na limited edition doll na siya mismo ang bumili sa Auschwitz, para sa bata. He massaged the bridge of his nose. Katherine.

"Let's go inside. Ako na ang magbibigay nito sa kanya." aniya, but Callie shook her head and strongly protested, "Hindi, hindi na kailangan madali lang naman ang sabi niya, sabi niya ilagay ko sa couch eh. Huwag na please." aniya, ngunit tinitigan siya ni Ales ng seryoso, at hindi niya alam, kung nagsisimula nang uminit ang ulo nito.

"I don't wanna ruin my mood please, this is suppose to be my happy day. Please." Callie stopped at that. Ilang segundo pa ng pagtitig ng maamong mukha ng guwapong lalaki sa kanya, at bumigay siya. Sa kaibuturan niya'y napatanong siya, 'anong nagustuhan ng lalaking 'to sakin?' habang pinagmasdan ang mukha nito. Callie smiled at him.

"Pa'no kung may mali akong nagawa o may masabi akong hindi magugustuhan ng pamilya mo?" nag-aalala niyang tanong sa lalaki habang nakatingala at nakatingin sa mukha nito. Ales patted her head, "Nandito ako, everything will be fine."

Steel Skin: Pitch Black (Explicit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon