Chapter 4

7 0 0
                                    

Nagising ako ng maaga kasi pupunta ako ng library para magstudy. Exam week na, kaya stress mode na naman.

Kasisikat lang ng araw at narinig ko na ang nanay ko na nagluluto sa baba.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na agad ako para kumain. Nagulat pa si Mama nung nakababa na ako.

"Oh! Good morning! Ang aga mo Annabel ah. May gagawin ka sa school?" tanong ni Mama.

"Good morning din Ma. Opo. Mag-aaral ako. Exam week na kasi," sagot ko. Tumangu tango lang si Mama habang nagso-sauté ng sibuyas. "Ano ba yang niluluto mo Ma?"

"Ah, scrambled egg anak. Nagprito na rin ako ng isda, nandyan nakatakip sa mesa. Kumain ka na."

Pagkatapos kumain, naghanda na akong umalis. Nagulat ako ng biglang nagyaya sa akin si Mama.

"Sa akin ka na sumabay anak," sabi niya.

Napatingin ako sa relos ko, kaka-7 AM pa lang. Di pa open ang library, sa gazebo na lang siguro ako tatambay muna.

Hinarap ko si Mama at tinanggap ang alok niya.

Malapit lang naman ang school at kaya ko naman siyang lakarin. Pero dahil sa ekspresyon na ipinapakita ni Mama, sure akong gusto niyang magka-bonding kami.

Sa kotse, salita ng salita si Mama. Nangungumusta sa kung ano na ang nangyayari sa buhay ko.

"May boyfriend ka na anak?"

Napalingon ako sa kanya ng magtanong siya nun.

"Uhm, wala naman," asik ko.

"Oh? Ba't wala pa? Ang ganda mo, tapos wala ka pang boyfriend?"

Ang awkward lang kasi di namin napapag-usapan ang ganitong topic.

"Aaahm, ayoko lang."

Umiwas ako at tumingin na lang sa labas. Sa lahat ng bagay, ito ang pinaka-ayaw na topic na pag-uusapan namin ni Mama.

"Alam mo anak, masarap naman ma-in love eh," sambit ni Mama. Nakakunot ang noo kong nilingon siya.

"Are you seriously saying that Ma?" bulyaw ko sa kanya. Nginitian niya lang ako. Yung sad smile. Alam kong na-gets niya ang ibig kong sabihin.

"Ganun naman talaga eh. Part na sa love yung masasaktan ka. That's its nature Annabel. You have to take it. The risk of being hurt, I mean."

"So, handa kang magmahal ulit?" sarkastikong tanong ko.

"Sa ngayon, kailangan ko munang magpagaling anak," nakangiting sagot niya. "But yes! I will, Annabel. I will. Someday."

☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆

Nagbabasa ako ng notes sa loob ng gazebo sa science garden. Dito talaga ako madalas tumambay. Masarap yung hangin dahil sa mga halaman at wala ni isang halamang may bulaklak. Mga medicinal herbs lang ang nandito.

Seryoso na akong nagbabasa nang may napansin ako sa labas ng gazebo.

May ibang tao ba dito? Ang aga naman.

Di ko na rin pinansin yung kung anuman yun at nagpatuloy na lang sa pagbabasa. Kinuha ko ang earphones ko kasi gusto kong magsoundtrip.

Nung isusuot ko na ang mga earphones, may tumikhim sa may pinto at agad akong napatingin doon.

"Oh!" sabi nung lalake. Saan ko nga ba nakita 'to? "Akala ko wala pang tao."

Gusto ko siyang barahin pero wala ako sa mood.

Nadulas sa LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon