"Kinakabahan ako sa result ko dun sa Physics exam natin," biglang sabi ni Matilda sa amin. "Mababa pa naman yung mga quizes ko."
Napatigil kami sa pagkain ng lunch namin at inalala ang mga mapapait naming mga quizes.
Kinakabahan din ako pero ewan ko ba, kampante ako sa magiging results ko. Bagsak ako sa unang dalawang quizes ko pero tumaas na ang last quiz ko. Tsaka nag-aral akong mabuti at naisagot ko ng maayos ang exam kaya ganun ang pakiramdam ko.
Natapos na ang mga exams namin at itong Physics na lang walang grades! Nakakaiyak pa rin sa kaba!
"Girls, wag muna tayong mag-isip ng masama, okay? Madali naman yung exam ni Maam at alam kong mataas ang scores natin. Naisagot niyo naman ang mga problems, di ba?" tumango sila sa tanong ko. "Oh, so dapat maging confident tayo sa magiging result."
Tumango ulit sila at alam kong napagaan ko ng kaunti ang mga loob nila. "Sige ganito. Bakit di tayo magparty pagkatapos nating malaman ang scores natin sa exam? Yung dapat pasado tayo lahat. Anong say niyo? YOLO?"
Unti-unting nagliwanag ang mga mukha ng mga kaibigan ko at agad-agad na tumango.
"Isama mo ang boyfriend mong si Dennis, Joan!" bulalas ni Yuan.
"Okay! Hihihi, isama mo din Peter!" sabi ni Joan kay Yuan. Nawala bigla ang sigla sa mukha ni Yu at alam ko kung bakit.
"Wala na siya dito sa siyudad Jo. Bumalik na siya ng Cagayan de Oro," malungkot na ngumiti si Yuan kay Joan at nagkibit ng balikat.
"Oh, sayang naman. Di bale, sa susunod na nandito ang boyfriend mo Yu, isasama natin siya," pangako ni Matilda sa kaibigan namin.
"So! Punta na tayo sa room? Dali! Alamin pa natin yung mga exam scores natin at titignan kung makakapag-YOLO tayo," sumigla ulit si Yuan ang pinaghihila kami.
Kahit kelan talaga, ang galing magtago ng lungkot itong si Yuan sa mga tao. Except lang sa akin, kay Joan, Yuan at Matilda.
Maingay na ang mga kaklase namin nung nakarating na kami sa room. Papaupo na ako nang makita ko si Eli na nakayuko habang ang mga kaibigan niya ang maingay na nagdadaldalan.
"Eli!" tawag ko sa kanya na nasa likuran na nakaupo at agad naman niyang naangat ang ulo niya. "Problema mo?"
Bigla siyang nagpout tsaka tumayo at lumapit sa akin.
"Ang grades ko po," parang batang asik niya.
Natawa ako sa inaasal niya, "Di ba nag-aral ka naman nun?"
Tumango siya habang nagpapout. "Pero marami akong hindi sure sa mga sagot ko. Medyo iba kasi kesa sa pinag-aralan ko eh."
"Alam mo, ikaw? Ang nega mo. Mag-isip ka pa ng ganyan, maliit talaga ang grades na makukuha mo. Dapat kasi confident ka eh. Tsaka kung babagsak ka ngayon, bawi ka sa susunod. Prelims pa naman eh," litanya ko.
"Eeeh! Di ko maiwasan kasi. Shit," napahilamos niya ang mukha niya bago siya yumuko sa arm chair niya.
"Alam mo, may napagkasunduan kami ng mga kaibigan ko eh," panimula ko at agad niya inangat ang ulo at taimtim na nakinig sa akin. "Kung makakapasa kami nina Joan at Matilda, magbabar kami."
"Talaga?"
"Oo. Pampa-motivate lang para di na iisipin yung grades."
Tumingin pa si Eli sa akin sandali tapos umasim ulit ang mukha niya at nanlumo ulit.
"Aaah! Di pa rin ako makakasama niyan! Badtrip!"
"Hoy! Tumigil ka nga! Ang nega mo! Wag mo ngang ilagay diyan sa coconut shell mo na mababagsak ka. 'Tong lalaking 'to," hinampas ko si Eli sa braso at bumalik na sa upuan ko na umiiling at nakangiti.
"Oh, nung nangyari dun?" tanong sa akin ni Matilda nung pagkaupo ko.
"Namomroblema din sa grades niya," sabi ko.
"Magkaibigan pala kayo nun? Sino yun?" tanong niya ulit.
"Si Eli Valderama," nag-isip pa muna ako sa buong pangalan niya, yun lang kasi ang nabanggit niya. "Uhm, kaibigan ni Hector."
"Oh? Kaibigan mo na pala ang mga kaibigan niya?" di makapaniwalang tanong niya.
Nagkibit ako ng balikat. "Okay lang naman yung si Eli."
Nagkibit din si Matilda ng balikat niya at nagsabing, "Okay."
Nag-uusap pa ng malakas ang buong klase hanggang sa dumating na ang teacher namin. At sa isang iglap lang, nabalutan ng kaba ang buong klase.
Nagcheck pa muna kami ng exam papers at nakakaba talaga kasi di pa agad binalik sa amin yung papers.
Si Matilda lang ang tanging kausap ko kasi siya lang yung katabi ko na malapit lang sa surname ko. Make sense ba? Eh kasi sa Physics class namin, may sitting plan at according to alphabetical order. Eh Enrile siya at Estrada ako.
Nung binigay lahat ng papers kay Sir, nang hindi man lang pinakita sa mga nagmamay-ari, unti-unti na ulit nag-ingay ang buong klase.
"Oh, ang liliit!" sabi ni Sir Dizon sa amin habang nagsha-shuffle ng mga papers at natigilan kaming lahat. "Pero so far, walang bagsak. Nice kayo class!"
Halata sa mga kaklase ko na gumaan ang pakiramdam nila sa sinabi ni Sir. Si Sir naman, tawa pa din siya ng tawa. Tapos bigla na lang siyang tumigil sa pagsha-shuffle at bahagyang nahulat.
"Oh! May perfect pala!" sabi niya. "Sino si Annabel Jean Estrada?"
Nanlaki ang mga mata ko sa pagtawag ni Sir sa akin. Napatingin ako sa mga kaklase ko at lahat sila nakatingin sa akin!
"So, I believe you're Miss Estrada. Congrats! Ang galing!" sabi ni Sir at nagpalakpakan ang buong klase namin at yung iba ay pinupuri ako.
"Class, magbibigay sana ako ng plus points kaso, eh, may nakaperfect--" tumawa si Sir ng malakas at yung mga kaklase ko pabiro na nagreklamo kung bakit ko daw pinerfect yung exam.
"Hala! Kayo naman," sabi ko lang habang tumatawa at tinakip ang buong mukha ko.
So, ayun, masaya lahat kasi walang bagsak. Yung iba, tinatapik ako sa likuran ko at nag-congratulate. Sina Yuan at Joan naman ay nagtatalon papalapit sa amin ni Matilda.
"Congrats ate!" sigaw ni Yuan at natatawa akong nagpasalamat. "Naku! May manglilibre ngayon kasi perfect! Galing mo teh!"
"Tse! Bwiset to. Di ako manlilibre oy!" sabi ko.
Nag-aayos ako ng gamit ko at nakita ko si Eli na nag-aayos din sa lanya. Tinawag ko siya dahil nakangiti na siya ngayon.
"Eli! Oh, ano? Nega ka pa?" tanong ko.
"Hindi na Anna! Haha, langya mabuti't nakapasa pa. Ikaw nga diyan, perfect! Wow!" sabi niya habang papalapit sa akin.
"Hindi naman. Salamat," nahihiyang asik ko. "Oh, sama ka ba sa amin? Ay teka pakikilala kita."
Pinalapit ko si Eli sa amin at pinakilala ko isa-isa sa mga kaibigan ko. Sinabi ko din sa kanila na isama siya sa pagbabar namin at pumayag naman sila.
Bukas pagkatapos ng mga klase namin, hashtag YOLO na!
First ko kasing magbar. Soooo...
Exciting much!
BINABASA MO ANG
Nadulas sa Love
Teen Fiction"Hindi naman sa bitter ako, ayoko lang talaga. Never akong ma-iinlove. Ever!" Isang dalagang ayaw magkaroon ng karelasyon dahil sa isang pangyayari. Pero sa nakaraang mga linggo may isang binata ang nangungulit sa kanya para lang mabihag ang puso ni...