"Gravey teh! Pang ilan mo na ba yang si Hector?" tanong ni Yuan.
Pagkatapos naming mananghalian, pumasyal muna kami sa malapit na mall sandali. May sobra tatlong oras pa kasing free time kasi wala yung mga teachers namin sa dalawang magkasunod na subjects. May tatlong oras pa akong magdudusa sa kamay ni Yuan.
"Panglima na niya yan simula nung June," sagot ni Matilda.
"Wow, haba ng hair mo teh! Proud ako sa'yo, ganda mo kasi!" niyuyugyog na ako ni Yuan sa sobrang ka-proud niya sa akin. Napa-irap na lang ako.
"Hoy Yu. Tigilan mo na yang si Anna. Yung boyfriend mo ang asikasuhin mo dun oh!" sabi ni Joan. Napalingon naman agad sa direksyon kung nasaan si Peter.
Relief. Yan ang nararamdaman ko. Kasi di na ako guguluhin ni Yuan. At the same time, nagtataka ako. Magkikita pala silang dalawa ng pinsan ko?
"Si Peter ba ang pinunta natin dito?" tanong ko kay Joan.
"Hindi naman. Parang nagkataon lang din siguro na gagala tayo tapos nandito sa siyudad ang pinsan mo," sagot niya.
Alam ko naman na nandito sa Davao tong pinsan ko, pero sana man lang nagtext man lang siya na pupunta siya ng mall. Haay, naging gerlpren lang nga niya 'tong bespren ko, naging masikreto na.
"Hello Pete," bati ko nung lumapit na kami. Nagtatawanan yung dalawang loko at naghaharutan pa bago ako pinansin ni Peter. Hay naku talaga.
"Hi Annabel!" niyakap ako ng pinsan ko tapos hinawakan sa magkabilang braso. "Balita ko madami ka daw manliligaw ah."
Inirapan ko lang siya tapos hinarap si Yuan. "Ang dali mo namang naka-The Buzz Yu."
"Hanukaba, pinsan mo naman yan. Syempre alam din niya ang nangyayari sa'yo noh," sabi ni Yuan tapos humalakhak ng malakas na para bang wala kami sa mall.
"Oi Yu. Tandaan mo, nasa mall tayo," paalala ni Matilda sa kanya at nagsorry naman agad si Yu.
Kumain muna kami sandali tapos nagyaya ng movies itong pinsan ko.
"Sayang wala nang Annabelle," sabi ni Peter habang nakatingin sa mga Now Showing movies. Sinamaan ko siya ng tingin tapos bigla siyang tumawa. "Joke lang Anna, ikaw naman."
"Oi Pete. Wag na wag mong jinojoke ng ganyan si Anna. Malaki ang galit niya diyan kay Annabelle baka anong gawin niya sa'yo," warning ni Yuan sa boyfriend niya.
"Sorry nga, joke lang," tatawa tawa pa 'tong si Peter pero inirapan ko siya.
Noon kasing showing pa yung Annabelle, pinagtutulungan ako ng tatlong mababait na mga kaibigan ko. Sabi nood daw kami kasi kapangalan ko. Eh obvious naman na ibang spelling ng pangalan namin. Tsaka ang creepy ng lecheng manika na yun tapos kinukompara pa ako nila dun. Eh alam naman namin na mas lamang yung mukha ko kesa dun sa lecheng manika. Lamang na lamang. Bwiset.
Kaya ayun, nagalit ako. Pinagsisipa ko ang mga armchair sa room (which is masakit sa paa). Sinuntuk suntok yung armchair ko (which is masakit sa kamay). Tapos nagsisigaw (which is masakit sa lalamunan).
Joke lang naman talaga yung pagiging wild ko nung hapon na yun eh. Nainis lang ako at hindi talaga galit. Pero iba ang dating sa mga kaibigan ko eh. Akala talaga nila naging balistic na ako. Pag-uwi ko sa bahay nun, tawang tawa ako kasi naging maasikaso sila bigla sa akin.
Tapos kinabukasan naman nun, yung isa pang gustong manligaw sa akin, si Jed, gusto manood ng movies at libre daw ako. Pumayag ako kasi wala din naman akong ginagawa at sabado naman, walang pasok. Ang kaso nga lang, gusto pala ng lamparurot manuod ng Annabelle. Letse. Pero sa sobrang inis ko, hinayaan ko siyang makabili ng tickets at umalis ako ng walang paalam nung nasa loob na kami. In-off ko muna cellphone ko before ako makasakay ng jeep pauwi para di siya tawag ng tawag. Kunabukasan, kinumpronta ko siya na wag nang mangligaw sa akin.
"Sa susunod ka na lang magyaya Pete. May klase pa kami eh," sabi ko sa pinsan ko.
"Ay oo nga," lungkot na pagsang-ayon ni Yuan tapos bigla na lang siyang sumigaw. "Aabsent na lang ako!"
"Hoy! May quiz tayo, baliw!" bulyaw ni Joan. Nalungkot naman yung isa.
"Okay lang babe. Sa susunod na lang. Nandito pa naman ako sa siyudad hanggang linggo eh," sabi ng pinsan ko.
"Pero minsan na lang tayo magkasama. Gusto long sulitin yung oras."
Hinawakan ni Pete ang magkabilang pisngi ni Yuan at dali siyang binigyan ng halik. "Yu, ayoko ding sayangin yung oras mo sa akin. Kailangan mo ring mag-aral. Di naman ako mawawala eh. Palagi mo pa rin naman akong makikita."
Malawakang ngiti ng pinsan ko kaya naman napangiti din niya si Yuan.
"Sige na nga. I love you babe," sabi ni Yuan.
"I love you too," sagot nung isa.
Habang nakatingin ako sa kanila, bigla na lang akong siniko ni Matilda.
"Ang kokorny nila. Blech!" sabi pa niya with matching labas dila pa.
"Inggit ka lang kasi hindi ka pa nagkaboyfriend," asik ko.
"Nagsalita ang NBSB."
"At least di ako bitter," sabi ko tapos nag-gesture ako sa lokasyon ng magkasintahan na ngayo'y nagyayakapan. "Tingnan mo nga sila oh, ang sweet nila."
"Ew," sagot lang ni Matilda.
"Oh ano nang status dito?" biglang singit ni Joan na may dala nang ice cream.
"Bumili ka nh ice cream? Nang di nagsasabi sa amin? Sinama mo na lang sana ako!" bulyaw ni Matilda.
Natigilan sa pagkain ng sorbetes niya si Joan. "Bakit pala? Anong nangyari?"
"Sila!" tinuro ni Matilda sina Yu at Pete na hanggang ngayo'y nakakapit pa rin sa isa't isa.
"Ang OA mo teh! Parang yan lang eh. Akala ko kung ano na!" sigaw ni Joan. Napatingin siya sa relos niya at sinabihan kami na malapit nang mag-3:30. "Uy, balik na tayo sa school."
Ayaw man ni Yu, wala pa ring siyang nagawa kundi sumama sa amin at iwan ang pinsan ko.
Pagdating namin ng school, late na kami.
Mabuti na lang late din ang teacher namin.
Nakatunganga lang ako sa may pinto. Kamuntikan pa akong mahulog sa pintuan ko nang biglang pumasok si Hector.
Classmate ko pala siya sa Philosophy.
Nakita niya na nakatingin ako sa kanya kaya nginitian niya ako.
Shit! Creepy. Kaninang umaga lang, parang kakainin niya na ako sa galit. Ang seryoso niya kasi kanina. Tapos ngayon, nginingitian niya na ako.
Umiwas na lang ako at tumingin ulit sa pinto.
Tapos may pumasok ulit na lalake at umupo sa likuran ko.
May classmate pala akong ganito?
Cute kasi siya, yung parang kpop. Pero di naman siya singkit. Yung porma niya lang.
Sumimangot ako ng bahagya. Baka naman bading 'to.
Tiningnan ko ang buong classroom. Sa loob ng dalawang buwan ng first semester, di ko pa pala na-familiarize yung mga classmates ko.
Napaayos ako ng upo ng pumasok na ang prof namin.
Matanda na si Sir Torres. Medyo gloomy siya kung una mo siyang makita sa hallway o kahit saan. Mukha din siyang strikto. Pero sa totoo lang, palagi namang nakangiti yang si Sir. Nagjojoke pa nga yan sa room. Pero kahit na ganyan siya, naiintimidate pa rin ako sa kanya.
Binati niya muna kami tapos nag-opening prayer. Pagkatapos, masiglang pinahayag niya ang lesson namin ngayon.
"Class, we will talk about relationships!"
BINABASA MO ANG
Nadulas sa Love
Fiksi Remaja"Hindi naman sa bitter ako, ayoko lang talaga. Never akong ma-iinlove. Ever!" Isang dalagang ayaw magkaroon ng karelasyon dahil sa isang pangyayari. Pero sa nakaraang mga linggo may isang binata ang nangungulit sa kanya para lang mabihag ang puso ni...