Nagtatampo ako sa mga kaibigan ko.
Eh paano naman kasi, pagkatapos ng exam namin sa Physics, iniwan ako at nagpunta na sila sa cafeteria at ang buong akala ko ay hinihintay ako sa labas ng room.
Matagal kasi akong natapos sa exam ko dahil doon sa isang problem.
Anyway, iniwan nga nila ako. Nang hindi nagpaalam! Kahit text wala!
Nagtawag pa ako kung saan sila at sabi nila doon nga daw sila ngayon at halata sa boses ni Joan na she's sorry and guilty. Narinig ko pa nga ang takot sa boses niya.
Eh ang sabi nakalimutan daw nila ako. Such friends!
Sensitive pa naman ako sa mga bagay na ganyan.
Meron ding one time nung high school. May graduation form kaming kukunin sa guidance noon para sa mga 4th years. Meron akong nilakad sandali noon at sabi ko sa bestfriend ko at isa pa naming friend na papakuha ako kung pwede. Ngayon pagbalik ko galing doon sa pinuntahan ko, pumihik na ako sa Guidance Office, pero wala na sila! Hanap pa ako ng hanap, tapos late na nagtext sabi di daw pwede magkuha para sa akin.
Pero at least man lang naghintay sila sa akin! Nakakayamot! Dahil doon, one week ko siyang di pinansin. At yung pag-aayos namin, nag-iyakan kaming dalawa.
At dahil ayaw ko na ding ma-experience yun, binalewala ko na lang ang ginawa ng mga kaibigan ko ngayon. Alam ko naman din na mawawala agad tong inis ko sa kanila. Kelangan ko lang mapag-isa at di na lang dumiretso sa cafeteria nang hindi sinasabi sa kanila.
Pagdating ko sa gazebo, naiiyak na ako. Nakaupo lang ako doon habang nilalaro ang candy crush ko.
Nakainis! Ayoko talaga ng ganitong feeling. At habang nag-iisip, ramdam na ramdam ko ang init ng mukha ko.
Nalilibang na ako sa paglalaro nang biglang may lumapit at naupo sa harap ko. Sa gulat ko nabitawan ko ang cellphone ko.
"Ah! Sorry!" sambit ni Hector tapos kinuha yung nahulog kong cellphone. "Okay ka lang Anna?"
Umiling na lang ako. Ang obvious kasi at kung magsasalita pa ako baka matarayan ko siya.
"Anong nangyari? Galit ka?" pagtatanong niya ulit. Halata sa kanya ang concern para sa akin.
"Oo, may nangyari kasi. Pero hayaan mo na," sagot ko at nilaro ulit ang phone ko. Mabuti din na hindi na ako kinulit ni Hector sa kung ano ang nangyari.
"Alam mo Anna, kung may gusto kang sabihin o mga hinanakit, handa akong makinig sa'yo. Okay lang na maging kaibigan mo ako sa mga panahong ganito," sabi ni Hector maya't maya.
Nginitian ko siya at sinabing, "Okay. Pag-iisipan ko."
Ginantihan din niya ako ng ngiti. Ilang sandali lang ikinuwento ko yung nangyari sa akin. Taimtim siyang nakinig sa akin at hindi siya nagsalita. Pagkatapos kong magkwento, nakahinga ako ng maluwag at nginitian niya ulit ako.
"Nagsorry ba sila sa'yo?" tanong niya at tinanguan ko naman siya.
"Oo nung tumawag ako."
"Alam mo Anna, pwede mo namang sabihin sa kanila yung nararamdaman mo. Base sa pagkakwento mo, di ka galit. Nasaktan ka sa ginawa nila. Pwede mo sila ikompronta tungkol doon. At sure ako na di na nila gagawin yun sa'yo," sabi niya at tumango ulit ako.
"Tama ka. Kelangan ko lang ipalipas yung inis ko sa kanila kaya nagdesisyon akong pumunta dito mag-isa."
"Nag-alala ako sa'yo nung nakita kita sa labas ng room na namumula at biglang naglakad papunta rito. Alam kong may problema ka kaya sinundan kita. Di ba kita na-offend o kung ano? Kasi sabi mo gusto mong mapag-isa," nag-aalalang sabi niya sa akin pero umiling ako.
"Hindi, hindi. Sa katunayan, tinulungan mo akong kumalma. Salamat," sabi ko at dahil doon, nagliwanag ang mukha niya.
Tama nga si Eli, mabait naman pala 'tong si Hector.
"Teka, magkabarkada ba kayo ni Eli?" biglaang tanong ko. Nasagi na kasi sa utak ko si Eli.
"Ah oo. Kababata ko siya," sagot niya. "Magkakilala kayo?"
"Oo, nagpakilala siya sa akin kaninang umaga. Sinusulsulan ka nga niya sa akin."
"Talaga?" gulat na asik ni Hector. "Asar talaga ang unggoy na yun."
Napatawa ako sa sinabi niya, "Oo asar talaga, kasi naasar din ako sa pangsusulsul niya."
Natigilan si Hector sa sinabi ko at bigla-biglang nahiya. "Ayaw mo ba sa akin?"
"Sa totoo lang Hector, nung una, oo. Ayaw ko sa'yo lalo na nung binigyan mo ako ng bulaklak. Ang sakit lang sa ilong nun," sabi ko at namutla agad siya at nanlaki ang mga mata. "Pero pagkatapos mo akong pakalmahin kanina, okay ka naman pala."
Ngumiti si Hector sa huling linya ko at biglang sumigla. "Ganun ba? S-so payag ka nang... ligawan kita?"
"Hindi rin," gulat kong sabi. "Hindi ba nasabi sa'yo ni Eli?"
"Ha? Ang alin?" naguguluhang sabi niya.
"Na ayaw kong magkaboyfriend."
Umasim bigla ang mukha niya dahil dun. "Ay oo pala. Nabanggit niya. Tsk! Di na ba mababago yan Anna?"
"Ha ang alin? Yung desisyon kong ayaw kong magkaroon ng boyfriend?" tinanguan niya ako. "Oo, hindi na Hector. Hindi na."
☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆
"Anna, sorry talaga ng marami."
"Oo nga, di na namin yun uulitin."
Pinang-iirapan ko isa-isa ang mga kaibigan ko. Buong araw ko sana silang hindi papansinin kaso na-corner nila ako sa last subject namin.
"Hmp! Alam niyo bang nasaktan ako sa ginawa niyo?" bulalas ko, naiiyak na naman ako. "Sa lahat ng pwede niyong kalimutan ako pa talaga?"
"Sorry talaga. Kasalanan ko Anna. Naiihi na kasi talaga ako eh. Yung CR lang sa cafeteria yung malapit sa room natin. Sorry talaga," sabi ni Yuan.
"Eh di sana man lang may isa sa inyo ang nakaalala sa akin at nagpaiwan para hintayin ako," galit kong pinunasan ang mga namumuong luha sa mga mata ko. Narinig ko naman napasinghap si Matilda sa ginawa ko.
Natahimik sila nun, habang ako pinupunasan ko pa din ang mga luha ko.
"Sorry... s-sorry..." naiiyak nang sabi ni Joan sa akin at natigil ko naman yung pagpupunas sa mga mata ko dahil silang tatlo ay umiiyak na din.
"Shit, wag nga kayong umiyak. Langya naman oh, ako lang dapat yung iiyak kasi ako ang nasaktan!" humahagulgol na rin ako ngayon. Bwiset naman kasi tong iyak-iyakan namin eh.
"Huy! Tama na!" sigaw ko sa kanila. "Sige, ganito, patatawarin ko kayo sa dalawang kondisyon."
Napatingil sila sa akin ng diretso na para bang mga bata na bibigyan na ng kendi.
"Una, tumigil kayo sa pag-iyak niyo!" asik ko. Dali-dali naman nilang pinahid yung mga luha nila at taimtim nang nakikinig sa akin. Kinrus ko ang mga braso ko habang nagsasalita. "Pangalawa, ilibre niyo ako ng isang linggo."
At ayun, okay na kaming apat. Nagyakap kaming magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
Nadulas sa Love
Teen Fiction"Hindi naman sa bitter ako, ayoko lang talaga. Never akong ma-iinlove. Ever!" Isang dalagang ayaw magkaroon ng karelasyon dahil sa isang pangyayari. Pero sa nakaraang mga linggo may isang binata ang nangungulit sa kanya para lang mabihag ang puso ni...