Paano ba tayo mainlove?
Ilang kaibigan na ang tinanong ko nito. Lahat sila iba-iba ang sagot.
"Di ko alam sa totoo lang. NBSB nga ako eh."
"Imagine mo yung nasa Greenwich ka. Tapos nakita mong lahat ng pizza nila doon nakahilera sa harapan mo. At lahat ng yun, libre. Ganun."
"Basta kapag naramdaman mong may kakaiba na, yun na yun."
"Pareho nung feeling na natatae ka."
Kung anu-ano pa ang sagot nila. Yung iba seryoso masyado. Yung iba naman puro kalokohan.
Sabi din ng isang teacher ko, kung ready ka nang ibigay ang sarili mo, love mo na yung taong gusto mo.
Pinatunayan naman ng isa ko pang teacher ang mga salitang yun. Kasi handa siyang isakripisyo ang career niya para sa kasintahan niya.
Pero kung ako ang tatanungin...
Di ko rin alam. Ano ba kasi ang malay ko diyan?
Wala akong ideya kung paano basta ang alam ko masarap daw sa feeling ang mainlove. Yun ang sabi nila sa akin.
Pero sadyang napaka-intense ni Tadhana. Kahit kanino ka na lang kasi i-aassign nun eh. May iba na ang swerte kasi yung mga napagbibiyayaan ng mukha ang napupunta sa kanila. Yung iba, eh, nevermind na yung mukha basta ba mataba yung heart.
Okay, tama na yung panlabas na anyo. Punta tayo sa kung ano ang nasa loob.
Kahit na anong ganda/gwapo nung nilalang, kung hindi naman parallel nun yung attitude niya, wala rin. Wa epek.
Mas maganda kung wag na lang talagang ma-inlove. Sakit lang sa coconut shell yung mga problemang dala nito.
Di naman ako masyadong against diyan love na yan eh.
Masaya akong nakakakita ng mga couples na sweet, tapos romantic sa isa't isa.
Okay lang ang sweet at cuddly. Wag lang talagang masobrahan. Yung halos nilalamon na yung buong mukha ng isa sa harap ng madlang people.
"Go to hell, lovebirds!"
Pero kung makaka-witness ako ng away, ang comment ko na lang. . .
"Maghiwalay na kayo!"
Wala eh. Ganun talaga ako. Di naman sa nakaranas na ako ng heartbreak. Ibang "heartbreak" ang napagdaanan ko.
Basta! Wag na nating pag-usapan yan. Balik tayo sa tanong ko.
Para sa'yo ba, paano tayo mainlove?
BINABASA MO ANG
Nadulas sa Love
Teen Fiction"Hindi naman sa bitter ako, ayoko lang talaga. Never akong ma-iinlove. Ever!" Isang dalagang ayaw magkaroon ng karelasyon dahil sa isang pangyayari. Pero sa nakaraang mga linggo may isang binata ang nangungulit sa kanya para lang mabihag ang puso ni...