Chapter 3

14 0 0
                                    

Relationships daw? Anong relationship naman kaya yan?

"We'll talk about familial relationships, friendship, to God and, your favorite, relationship between two different individuals," sabi niya as if narinig niya ang nasa utak ko.

Nagsimula nang mag-ingay ang mga classmates namin. Nagulat ako nang may sumigaw ng pangalan ni Hector sa likuran namin.

"Hooo! Hector! Love daw oh! Hooo! Hectoooor!"

Napatingin ako sa likod at lahat ng mga nakapaligid kay Hector, pati siya na namumula na, ay nakatingin sa akin at mas lalo silang nag-ingay.

Nagsalubong ang mga kilay ko.

Siniko ako ng katabi ko. Pagharap ko, nakataas ang kilay ni Matilda tapos nakakunot ang noo ni Joan. Napa-smile pa si Yuan sa akin, with matching taas-baa ng mga kilay niya. Pero nung nakita niya ang reaksyon ko, tumigil na rin siya. Napairap na lang ako.

"May magkasintahan ba dito?" masayang tanong ni Sir sa amin at nagsisigawan na naman yung mga lalake sa likuran. Pati yung ibang classmates namin, nakikitukso na rin.

"Si Hector Sir! Tsaka si ano! Haha!" rinig kong sigaw nung isa.

Shit! Gusto ko nang umalis dito!

Napayuko na lang ako sa arm chair. Nahihiya na ako, bwiset! Naiiyak na ako.

"Uy, tigilan niyo na nga yan. Baka umiyak na yang si Anna," narinig kong sabi sa isang lalake. Napa-angat ako ng ulo at tiningnan yung pa-kpop kong classmate.

Napatigil yung mga barkada ni Hector sa pangungutya nila nang makita ako. Nanlaki naman ang mga mata ni Hector. Umiyak na kasi ako.

Pinunasan ko ang mga mata ko. Nakakahiya! Shit!

"Oh, naiiyak ka hija?" tanong ni Sir Torres.

"Ay hindi Sir!" pabirong sigaw ng babae naming classmate tapos nagtawanan na lahat pati si Sir.

"Ay oo nga naman. Obvious na eh," sabi ni Sir. Napatawa na lang din ako. "Oh ayan. Maganda ka kung nakatawa ka, aah..."

"Estrada po," sabi ko, nahihiya.

"Ah! Miss Estrada," pagtapos niya. Tapos nun, buing klase na ang kinausap niya. "Okay sige, dahil gusto niyo ang Love, yan ang una nating pag-uusapan."

Grabe naman ang pagbunyi ng mga kaklase ko. Nilingon ko ang mga kaibigan ko, nakikinig talaga sila kay Sir!

"Now, for starters, what is Love?" tanong ni Sir. Dali naman tinaas ni Yu ang kamay niya na di na namin ikinagulat pa ng mga kaibigan ko. "Yes Miss Ortega?"

"Yung Love Sir, yan yung parang emosyon na nararamdaman natin. Yung attraction para sa ibang tao," sagot niya.

Wow, hugot.

"That's correct," sabi pa ni Sir Torres. "You can also refer it to a personal attachment.

"In Ancient Greek," kumuha si Sir ng white board pen at nagsulat sa pisara. "Greeks identified four forms of love: kinship or familiarity, friendship, sexual and/or romantic desire, and self-emptying or divine love."

Napatingin ako sa paligid ko, yung iba kitang kita sa mukha na medyo disappoint sila. Akala nila pure romantic na Love ang ididiscuss ni Sir.

"So, kasi nga dahil sa mga raging hormones niyo, unahin natin ang sexual at romantic desire or in other words, eros," sabi ni Sir sabay tawa ng malakas, tapos sumigla ulit sila. Tsss. "But! We'll go there later. Introduction muna tayo. Okay?"

"Okay Sir!"

"The diversity of uses and meanings combined with the complexity of the feelings involved," pagpapatuloy ni Sir, "makes love unusually difficult to consistently define, compared to other emotional states.

Nadulas sa LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon