"Anna!"
Hmmm.
"Anna, gising na!"
Hmmmmm.
"Anna! Male-late ka na!"
"Mmm! Tsk!"
"Annabel, ano ba!? Gumising ka na nga!"
Napabangon ako bigla nung pumasok si Mama sa kwarto na nakapamewang. Hay!
"Ma naman eh! Nanggugulat ka!" Asik ko, humiga ulit ako.
"Hmp. Bumangon ka na nga diyan. Late ka na sa klase mo," sabi niya sa akin bago tuluyang bumalik sa baba.
Napatingin naman ako sa orasan. "Quarter to 9? Tsk. Alas diyes pa nga klase ko eh," tapos pumikit ulit. Ilang sandali lang...
"ANNABEL!"
Kaasar!
Naligo na ako at naghanda sa sarili ko. Pagkatapos ay nagbreakfast na ako kasama ni Mama.
"Wala ka bang pasok ngayon Ma?" Tanong ko nung pagkaupo ko.
"Leave ko ngayon. Hala, kumain ka ng marami, Annabel."
"Tsk Ma! Wag mo nga akong tawagin sa buong pangalan ko. Nagmumukha akong si Annabelle eh."
Kumunot ang noo ni Mama sa sinabi ko. "Ikaw naman talaga si Annabelle ah."
Tiningnan ko siya ng masama. Nagbibiro ba to si Mama?
Love ko si Mama ko pero minsan talaga ang sarap niyang tirisin. Nakakaiyak.
Pagkatapos kumain, umalis na ako ng bahay. Kadalasan naglalakad lang ako papunta sa school. Eh ang init! Masisira ang make up ko!
Chos lang. Di ako mahilig sa ganyan. Male-late na kasi ako, anong oras na oh.
Pagdating ko sa english room namin, wala pang tao.
Huh? 10:05 na ah? Okay, wait na lang muna ako.
Dahil na-bored ako sa kakahintay sa teacher kong kalbo at sa mga classmates ko, nilabas ko ang smartphone ko at naglaro ng Candy Crush.
Nasarapan ako sa paglalaro, di ko namalayan malapit na mag-eleven.
Teka, walang nagsabi sa akin na walang klase. Napatingin ako sa room. Walang klase?
Naisip kong i-text ang mga barkada ko na classmates ko rin.
*Oi, bakit di niyo sinabi sa akin na wala palang klase sa english? Mukha tuloy akong tanga dito sa room.
GM*
Kinuha ko ang bag ko at naglakad na papunta sa Trigo class ko. Nang nasa pinto na ako, tumunog ang phone ko. Napahinto ako sa nabasa kong reply ni Matilda.
*Hala! Ba't nandiyan ka? Lab tau ngayon, remmbr?*
Ano? Sa speech lab ang klase?
*Ay shonga! Hoy! Speech lab ngaun teh! Limut na? Hahaha! Si Yuan 'to. Nakitext lng ako, naubos n load ko. Reply lng sa numbr ko. Hahaha tanga mo teh!*
Tanga nga! Ngayon ko lang naalala na nagmention si Sir na sa speech lab pala. Tsk, absent tuloy.
Nung nasa Trigo na ako, may isang classmate na ako na naghihintay doon. Pagpasok ko, sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makaupo ako. Nakakailang nga eh. Problema niya?
Maya-maya lang, nakarinig ako ng tawa mula sa pinto. Di ko na kailangang tingnan kung sino yun. Kilala ko na kung sino.
"Hahaha! Ayun na pala si Anna eh! Hahaha, teh! Saan nilipad ang utak mo?" sabi ni Yuan sa akin na nasa harap ko na. Sumimangot ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/26964507-288-k702237.jpg)
BINABASA MO ANG
Nadulas sa Love
Teen Fiction"Hindi naman sa bitter ako, ayoko lang talaga. Never akong ma-iinlove. Ever!" Isang dalagang ayaw magkaroon ng karelasyon dahil sa isang pangyayari. Pero sa nakaraang mga linggo may isang binata ang nangungulit sa kanya para lang mabihag ang puso ni...