CHAPTER 27

73 14 1
                                    

Strangers.

Our four days lay over on London was a bliss.

The next flight that I have is from Manila to Dubai.

Sa Burj Khalifa kami nagstay para sa lay over. This is actually my first time in Dubai and first time din sa hotel na to is perfect!

The lights, the scenery and even the people. The entire place is full of luxury things and high technology.

No wonder ang mahal mahal rito!

"Penelope dito ka dali. Picture kita!" Marielle, my first officer has been taking tons of pictures of me.

Kanina pa niya ako ginagawang modelo. She loves taking pictures with her Canon camera.

Sinunod ko ang sinabi niya at gumawa ng iilang pose.

Mayroon kunware stolen, meron candid at meron rin naman nakatingin ako sa camera.

"Perfect!"

"I'll send it to you pagkarating nating sa room mamaya. You should post it on your IG!" She said, tumango ako at nginitian siya.

"I will, Ms.Photographer." I joked.

Kinunan niya rin ng pictures ang mga kasamahan namin.

"Oy, 250 pesos bawat picture ha!" she joked, nagtawanan kaming lahat.

After that napagpasyahan na naming pumunta sa restaurant para kumain, we waited for the elevator to open.

"The elevator will open in 5,4,3,2,1."

"HAPPY NEW YEAR!" Binatukan ng isang kasamahan namin si Jed na isang FA.

Sinabayan niya kasi ang countdown ng monitor ng elevator bago ito bumukas.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao habang papasok sa elevator.

"Nakakahiya ka! Baka mahalatang first time lang natin rito!" Sabi ni Falcon na ikinatawa ko naman.

Sa top floor kami papunta kung saan ang restaurant.

The light automatically turned off the moment the elevator closed.

"Horror na ba to?" Jed whispered.

"Buang ka? Ganyan talaga yan!" Marielle answers him.

"Wow Marielle! Alam na alam ah, sayo ba to?" Jed asks.

"Hindi! Pangatlong balik ko lang naman rito." Wika ni Marielle.

"Ay wow, antaray! Yayamanin." Singit ni Falcon.

Pagpasok namin sa reception area, nagpicture muna sila sa display sa may gilid.

Habang ako naman ay nakatingin lang sa glass window at tinignan ang kabuoan ng buildings na nasa paligid ng tower.

"Let me lead the--"

"Prayer?" Putol ni Jed sa sasabihin dapat ng isang receptionist.

Gago talaga! Pigil na pigil ang tawa ko.

"No Sir. Let me lead the way." Nakangiting sabi ng receptionist.

"Sorry Miss, this guy right here just got back from a brain surgery last month." Turo ni Marielle kay Jed.

"Uy gago! Baka maniwala yan!" Angal ni Jed.

We occupied 2 tables.

Nakaka intimidate ang mga taong nasa ibang table dahil puro sila naka tux at nakasuot ng luxury stuffs.

I suddenly have the urge to wear one now.

Naka simple high waist denim pants lang kasi ako na pinares ko sa white turtleneck sweater at puting sneakers.

The Kismet of Penelope (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon