Chapter 13

7 1 0
                                    


13 – 'Ma***'

Halos kaladkarin ko siya, makaalis lang kami sa condo ko. At sa sandaling nag-sink in sa akin na naka manipis na pajama lang ako ay siya na mismo ang kumaladkad sa akin.

Binalik niya ako sa tagong mansyon niya kung saan ay pinakaayaw ko sa lahat ng lugar. Dahil nasaksihan ko dito mismo ang bagsik at dilim na maaaring ihatid nang lugar na ito.

"Bakit mo 'ko binalik dito?"

Hindi siya sumagot bagkus ay muli niya akong hinigit palakad papasok sa double door. Agad na sumalubong sa amin ang nakahilirang mga bruskong lalaki. Kapwa mukhang mga robot ito naka-set ngunit hindi nakalagpas sa paningin ko ang pasimpleng pagsulyap sa akin.

Naagaw nang atensyon ko ang biglaang paghigpit ng hawak ni Black sa kamay ko.

"All of you! Get the fuck out!"

"Teka lang!" Tinangal ko ang kamay niya sa aking braso, "I told you I don't wanna be here! Aalis na ako!" Walang pasintabi akong tumalikod. 

Kahit na pagpiyestahan ako nang mga paparazzi sa pjs na suot ko, wala na akong pakialam. Basta ba't makaalis agad ako sa lugar na ito, kahit ano gagawin ko. 

Ngunit halos mapahiyaw ako nang bigla niya akong angatin at isinampay ang aking tiyan sa kanyang balikat. Nakaharap mismo sa akin ang kanyang matigas na likod, halos malula pa ako sa bigla. 

"Oh gosh! Put me down!" Sinuntok-suntok ko ang likod niya. 

"You're always making things hard, so no." May riin at pinal ang bawat bigkas niya kaya't hindi na muli ako pumalag. 

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakaupo sa sofa, sa loob ng kanyang silid na walang kabuhay-buhay. Itim at puti lang ang kulay na naroroon, pawang kinulang sa buhay maging ang mga furnitures. 

"Just call me later..." Said Black, whose talking to someone through phone. 

Habang nakatingin sa kanya ay napagmasdan ko ang mga sugat sa kanyang mukha at braso, maging ang kanyang pasa sa mukha. Pero kung kumilos siya ay parang wala man lang sugat sa katawan. 

I bet he's already used to it. Sa kanyang mundong ginagalawan, imposibleng hindi siya maka enkwentro nang ganoong pangyayari. 

"Let me clean your wounds." Wala sa sariling sambit ko na siyang nagpatigil sa kanya. 

His phone is still on his ear while his other hand is on his waist, looking so majestic despite of his cuts and bruise on the face. 

Napalunok ako nang walang emosyon niyang binaba ang cellphone at walang ingat niyang inihagis sa kanyang lamesa, iyong nakikita sa opisina. 

"Why? Are you guilty?" Aniya habang lumalakad papalapit sa akin. 

I gulped and stared at the carpeted floor. May parte sa aking nagui-guilty sa ginawa nang kapatid ko ngunit mas lamang sa akin ang kagustuhang alisin ang dugo sa kanyang katawan. 

Sa hindi malamang dahilan, naaasiwa ako sa mga dugong walang habas na dumikit sa kanya.

He sat beside me, "Then do as you please. It was your fault, afterall."

Hindi ako nag-abalang tumingin sa kanya at tumango lamang sa sahig, animo'y ito ang aking kausap. 

Kahit nanginginig ay nagawa kong tumayo at pumuntang banyo. The moment I closed the door, I was having a hard time to breath. I didn't even notice I was holding my breath earlier.

Sa aking harapan ay isang salamin, doon ko napansin kung gaano kaputla ang aking mukha at labi. Maging ang aking mata ay naglilikot sa harap nang salamin. 

Back To Black (Psychopathy Series # 1)Where stories live. Discover now