Chapter 14

8 1 0
                                    


14 – 'Paradise Found'

SCARLET DOVEY

Hindi ma-alis ang ngisi sa aking mga labi habang pinapakinggan ang yapak ng aking stiletto. Nagmistula itong tibok ng pulso na sinasabayan nang indayog ng aking baywang.

"Boss is waiting at the private room, Ms. Scarlet." Anang bruskong bantay sa isang kanto nang malaking mansyon, na siyang kinaroroonan ko.

Tanging pagtaas nang kilay ang aking sagot at nilampasan ito nang may irap. Muli kong inisip ang dahilan kung bakit ako napunta dito at kung bakit nagawa niya akong papuntahin dito.

May mga tao talagang sadyang nagiging tanga pagdating sa pag-ibig...

"Hey, honey!" Malambing na bati ko sa sandaling nakapasok ako sa private room kung saan nagmistula itong isang art gallery nang isang tao.

Nadia...

Tinapunan niya lamang ako nang tingin bago muling dumutdot sa kanyang laptop. Kaya't minabuti ko ang aking sarili at naupo sa silyang nasa harapan nang kanyang mesa.

"Narinig kong mag-a-outing sila. Kaya ba pinapunta mo ako rito?" Muli ay nilambingan ko ang aking boses.

Hindi pa naman sila kasal. Ni hindi pa nga mag nobyo, edi may chance pang mapasaakin ka Black. Sayang ka! Isang gwapo at bilyonaryo, bagay na bagay sa tulad kong maganda at successful din sa buhay.

Pero sadyang baliw na nga talaga ang isang ito sa kapatid ko.

He nodded, "Pack your things, we're going too."

I hissed then rested my chin at the back of my palm, "Iba din ang tama mo sa kapatid ko 'nu? Nagmumukha ka nang asong ulol sa paningin ko, Black."

Mariin niya akong binalingan nang tingin na siyang nagpaayos sa akin ng upo. Dahil alam kong iba siya kung magalit. Ilang buwan din ang pagsinamahan namin kaya kahit papaano ay nakilala ko ang ibang siya, na kahit nino man ay hindi gu-gustuhing makita.

"Do I need your opinion?" Parang binabad sa ilalim ng Antarctica sa lamig ng kanyang boses.

Itinaas ko ang aking dalawang kamay, "Alright! Pero alam mo namang hindi ako pumapayag nang walang kapalit, Black."

Muli ay binalingan niya ako nang tingin, kasunod nito ay inilabas niya ang kanyang cheke at ballpen kaya't hindi ko mapigilang ngumising muli.

Mga mayaman. Lahat dinadaan sa pera.

"Lay your price. I don't care how much you are."

May mapait na asidong bumalot sa pakiramdam ko, marinig lang ang sinabi niya.

Alam ko noon pa man kung gaano siya ka tuso at walang awa pero hindi ko alam na umabot na sa ganitong punto ang pakikitungo niya sa akin dahil sa kapatid ko.

Ano bang meron kay Nadia at nabuang ang isang 'to? Ano bang meron sa kanya na pati ang pinakamasamang nilalang na nakilala ko ay handang maglagas nang malaking pera upang makasama ito? Noon pa man ay hindi ko na maintindihan.

Kahit nangingit-ngit sa galit ay pinili kong muling ngumiti ng matamis kay Black, kahit na nakasentro lamang ang atensyon niya sa laptop.

Ginagawa ko ito hindi dahil sa pera kundi sa pagrespeto ko sa mga buwan nagkasama kami. It was still a memory afterall pero kung makaasta siya ay parang isa lang akong bayarang babae na naikama na.

"No. I don't want your money, Black. I want someone." Someone whom I think, could help me. "Magagawan mo ba nang paraan?"

Bigla ay ngumisi siya sa aking naging tugon bago ako mangilabot nang magtama ang paningin namin. It was the other side of him pero parang bagong-bago parin sa aking pakiramdam ang kaba at takot.

Back To Black (Psychopathy Series # 1)Where stories live. Discover now