Chapter 2

7 1 0
                                    


2 - 'Mysterious Virgo'

"Sa'n galing 'yan Nady?" Nandidiring itinuro ni Tita Say ang bugkos ng bulaklak. Napatingin din ako sa bulaklak sa nasa aking harapan, nakapatong sa babasaging center table.

It was indeed not my first time to accept flowers from any admirers, fans or individuals but Tita always at that way.

"'Di ko po alam Tita. Nasa labas lang po 'yan, nakita ko lang po." Unti-unting humina ang boses ko nang panliitan ako ng mata ni Tita Say. Sinusuri ako.

When I said she's overprotective, she really is.

Halos itakbo ko ang bouquet kanina nu'ng pumasok ako sa condo. Dahil alam kong mang-uusisa si Tita Say kung bakit may dala akong bulaklak. She's always here everytime I had my comebacks, or when my schedules are hectic. But unfortunately, Tita Say was sitting at the sofa, bet she's waiting for me to come home!

And now, history goes on.

"Baka naman ay may nobyo ka na at hindi mulang sinasabi sa akin? Naku Nady ha." May riin ang kanyang pagkakasabi.

Marahas akong napaangat ng tingin sa kanya. Nagulat sa kanyang sinabi at sa pagbabanta.

'You'd seen my hectic schedule Tita. Do I have time to engage myself in those... lovelife thingy?', I wanted to say those words but I stop myself. For all at once, I really don't wanna disrespectful Tita Say.

"Tita naman, updated po kayo sa buhay ko. 'Tsaka hindi po ako naglilihim sa inyo." Frustrated na sagot ko at wala sa sariling kinutkot ang kuko.

Nanliit ulit ang kanyang mata habang tinititigan ako, pinantayan ko 'yon ngunit sa huli ay ako ang nag-iwas nang tingin. I don't like people staring at me, more like I'm not used to people staring at me, it's uncomfortable.

It was a miracle that I survived in this field knowing I am comfortable of people's stare and attention. But the pursue, the fighting spirit and the motivation helped me throughout my ride.

"Siguraduhin mo lang. Kapag yan malaman ng mga paparazzi, sa putik babagsak lahat ng pinaghirapan mo!" Histerya niya.

Nagimbal ako sa sinabi niya. This is what I want, this life is what I dreamed, this job helped us, my family, to become well. And I don't want anything that can destroy my job, I'd rather avoid any misfortune.

"Tita, wala po. At hindi ko po 'yon hahayaang mangyari." Desididong sagot ko, bahagyang naiinis na sa pilit ipinagduldulan ni Tita Say.

Tumagal bago niya inihiwalay ang kanyang paningin sa akin, at itinuon ito sa bouquet. May pagdadalawang-isip niya pa itong dadamputin ba o hindi bago sinuri ang bulaklak at ang note.

"Black? Anong klaseng panga—" naputol ang sasabihin niya at gulat na napatingin sa akin.

Tumango-tango lang ako sa kanya.

Black. The one who bought all my album track and the one who sent the flowers are one. Well, on my predictions and guess.

"Baka, Tita. Baka iisa lang sila." Malamya kong sabi sa kanya at sumandal sa sofa, nanatiling titig sa bulaklak.

Hindi naman na 'to bago sa akin maski kay Tita pero ang nakakapanibago ay sa mismong pinto ng condo ko ito nakalagay. That's very unusual, because mostly of my gifts from the fans ay dumadaan sa staff o security ng hotel, hindi diretso sa mismong condo ko.

Maaaring maimpluwensya ang isang 'to o tagalang bilyonaryo siya para maipuslit ang isang bugkos ng bulaklak. The five star hotel's security is well and convenient but I guess, money comes first?

Back To Black (Psychopathy Series # 1)Where stories live. Discover now