LUHA 5

269 12 1
                                    

Nakasunod ang paningin ni David sa papalayong binata. Nakakunot ang noo nito. Hindi maitago ang pagkayamot sa mukha.

Tahimik lang akong nakatingin sa aking asawa naghihintay kung anuman ang ipag-uusos nito.

"Matutulog na ako," ang pa-bruskong wika nito.

Agad kong hinawakan ang mga handle at maingat na itinulak ang wheelchair patungo sa master's bedroom.

"Huwag kang mag-alala Hanna. Maraming akong kaibigan na pwede kong ipakilala sayo at sisiguraduhin kong wala silang sabit, turan ni Davin.

"Ngungit hindi ako nagsalita sa pinahayag nito. Patuloy ko lang itinutulak ang wheelchair papasok sa kwarto nito.

Hindi na rin ito muling nagsalita. Tingin ko'y malalim ang iniisip ni David habang hinihilamusan at binibihisan ko ng damit-pantulog. Wala rin sa loob ang paglunok ng mga tabletas at kapsula.

Hindi pa rin ako nagsalita. Dahil ayaw kong masira ang munting ilusyon nito. Nakahiga na si David sa kama inayos ko rin ang kumot nito.

"Hindi mo ba ako pagtatawanan?" Mapakla ang tuno nito.

"Hindi." Walang gatol na tugon ko kahit na hindi ko alam kung ano ang ibigsabihin ni David.

"Tsk! Palpak ang unang matchmaking attempt ko. Ipinagmamalaki ko pa naman may gusto sayo si Jay. Hindi bale marami ko pa naman kakilala. Sabi ko nga sayo kanina marami kong kaibigan at kakilala, pahayag ni David.

"Hindi ako interesado sa ibang lalaki, David.

"Huwag mong sabihing sa akin ka pa rin interesado?"

"Tumingin ako ng diretso sa aking kabiyak. "Oo. Sa'yo pa rin ako interesado. Dahil ikaw ang mahal ko at nag-iisang asawa ko David.

Nakakatawa ka Hanna. Interesado ka pa rin sa'kin kahit na isa na akong lumpo o unutil. Baka naman ang kayaman ko lang ang gusto ko. Sabihin mo lang Hanna at ibibigay ko sayo ang kalahati. Upang hindi ka na magpakahirap na alagaan ako," mariing wika nito.

"Wala akong pakialam sa kayamaan mo David. Alam kong alam mo kung gaano kita mahal. Lumapit pa ako rito at hinaplos ang mukha nito.

"Hindi na kita mahal Hanna, Turan nito ngunit umiwas ng tingin sa'kin.

"Hindi ako naniniwala sayo David. Alam kong mahal mahal mo pa rin ako. Sinasbi mo lang ang mga salitang 'yang dahil sa'yong kalagayan.

"Walang salitang ang namutawi sa bibig ng lalaki. Tangin pagtitig lang sa'kin at pagkakunot ng noo ang kikita ko rito.

Hindi na ako nagdalwang isip sa'king gagawin. Walang masama dahil asawa ko si David. Dahan-dahan kung idinampi ang aking labi sa labi nang asawa ko. Ramdam kong nanigas ang katawan ni David.

"Pinagalaw ko ang labi ko. Ngunit walang tugon mula kay David. Tumingin ako sa mga mata nito," galit ang na-aaninag ko sa mga mata ng asawa ko.

"Kung gusto mong lumandi. Humanap ka nang lalaking nababagay sa'yo Hanna. Dahil hindi ko matutugunan ang iyong pangangailangan.

Lumabas ka na ng kwartong ito Hanna. Dahil hindi mo ako madadala sa halik at pang aakit mo," bulyaw sa akin ni David.

Alam kong darating din ang araw na babalik tayo sa dati at magiging masaya muli David.

"Tanga ka ba? Huwag kang mangarap ng gising. Alam na alam mo naman na malabo nang mangyari ang iyong sinasabi. Kung alam ko lang naganito ang mangyayari sa'kin. Hindi na sana kita pinakasalan.

"Tagos sa'kin puso ang mga binitiwang salita ni David. Ngunit ayaw kong umiyak sa harap nito. Tiniis ko ang sakit. Dahil tadtad na rin naman ako sa mga matatalas na salita nang aking asawa.

Tumitig ako sa mga mata ni David, upang ipaalam ko sa kanyang kahit anong masasakit na salita ang ibato niya sa'kin. Hindi ako bibitaw dahil alam kong mahal pa rin ako ng asawa ko.

"Ito ang unang sumuko sa pagtitigan namin. Lumanlam din ang mata nito at na pupuno nang kalungkutan sa bawat kislap.

"Lumabas ka na ng silid ko," pagtataboy sa'kin ni David.

Malungkot akong tumalikod at may pumatak na butil nang luha sa aking mga mata." Alam kong kaya ko pa. Pasasaan ba at makakamit rin namin ni David ang inaasam namin kaligayahn.

*LUHA*

LUHA/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon