Luha 3

297 16 2
                                    

Dalawang buwan uli't ang matuling lumipas.

"Ayokong lumabas!" Hiyaw ni David.

''Bakit?" Tanong ko rito.

"Ayokong may makakita sa akin! Kaya pwede huwag mo akong pangunahan, Hanna!

"Walang makakakita sa'yo sa swimming pool, Honey, sabi ko rito.

"Kung gusto mo akong lunurin gawin mo na lang sa bathtub, Hanna! Bulyaw sa'kin ni David.

"Hmmm..." gusto mo palang lumangoy? Puwede rin sige at ikukunsulta ko lang muna kay Dr. Hernandez.

"Huwag ka tanga gaga ka ba? Paano ako makakalangoy? Wala nga ang mga hita at binti ganoon din ang paa dahil hindi makagalaw! Ang tanga-tanga mo naman! Singhal ni David sa'kin.

'Tadtad na ako sa mga pang-iinsulto at pag-mumura ni David. Sabagay sanay na akong mag tago ng sakit sa likod ng pekeng ngiti ko. Kaya makapagtiis at nakakapagpatuloy pa ako sa goal na gusto kung mangyari para kay David, ang pagalingin ito.

"Malungkot akong lumabas ng kwarto upang tagawan ang doktor ni David.

"Congratulations! Mrs. Madrid You're doing a good job. Malaki ang inilusog ng ating pasyente. lalo na siguro kung may simpleng exercises and a little bit of sun. Para lumusog rin ang mga buto at mawala ang pamumutla.

''Puwede ko bang i-massage ang mga hita at binti niya? Magaling na kaya ang mga bone fractures niya? Tanong ko.

"Of course! Mrs. Madrid malaking tulong ang pagmamasahe para hindi mawala ang mga muscles."

"Maraming salamat po Dr. wika ko rito.

"Sana loob ng banyo at natatahimik lang si David. Parang umalis at nagpapakalayu-layo ang diwa nito.
Tahimik din ako at pinaiiral ko ang pagiging Nurse ko. Klinikal ang paglilinis ko sa hubad nitong katawan.
Nag-salita lang ito nang matapos ko nang bihisan.

"Nagugutom na ako, wika nito sa'kin.

"Sige! Ikukuha kita nang makakain sa ibaba at dali-daling lumabas ng kuwarto nito. Tapos na itong kumain at nakahiga na sa kanyang kama.

"Hmmm.." David! Actually, inirekomenda ni Dr. Hernandez ang execise, morning sun---at massage."

"Massage?" Tumawa si David, na patuya.

"Ang gusto kong physical theraphist ay maganda at sexy. Ayaw ko sayo! Tahasang pag-tanggi nito sa'kin.

"Itinago ko ang aking panibugho sa ideyang may ibang babaeng hahawak kay David.

"Kumuha ka rin nang nurse. Nagsasawa na ako sa pagmumukha mo. Masakit na wika nito.

"May apat na buwan ka pang magtitiyaga sa pag mumukha ko," usal ko rito.

Hmmm! David! Ayoko sanang ma-disappiont ka pero ako rin ang physical therapist mo David, pahayag ko rito.

Hinanda ko ang aking sarili sa pag-bulyaw sa'kin ni David, pero lumipas ang ilang minuto, wala akong narinig na salita nito.

"Lumapit ako dito at inumpisahang i-massage mga binti at hita nito nakita ko itong pumikit ng mga mata kaya pinag-patuloy ko ang aking ginagawa.

"Lumipasa ang mga-araw malaki na ang pinagbago ng katawan nito bumalik na rin ang malaking kawatan at hindi na rin ito maputla.

"D-david. Gusto kong maranasan kung paano ang manganak." Paismid na ngumisi si David. Pero hindi ito tumingin sa'kin.

"Kailangan mo munang magbuntis. Hanna, pakli nito.
"Ohhh! Baka nangangati ka na puwede ka nang umalis dito. Masakit na salita ni David.

"Ikaw ang gusto kong makabuntis sa akin David, ikaw ang asawa ko,!!wika ko dito.

"Ako?" Pinatatawa mo ba ako Hanna talaga palang sira na ang ulo mo, ano?"

"Mahal kita! David alam kung mahal mo pa rin ako, pahayag ko ritong may pag-susumama.

"Nagtaas-baba ang Adam's apple sa lalamunan ni David, kahit na niningkit ang mga mata nito.

"I hate you! Hanna Hernaez!" Asik nito sa'kin.

"Muntik na akong mapasinghap sa sinabi ni David,
ngayon lang nag pahayag ito nang pagkasuklam sa akin.

"David!!' Ako na si Hanna Madrid! Wika ko rito.

"Damn you! Binabawi ko na ang apelyedo ko! Turan nito sa aking na galit na galit.

"Fine! David. May Kasunduan tayo remember?" We still got four months to go. Kaya hayaan mo munang mag-enjoy ako sa paggamit ng apelyedo mo, okey?" malumanay kung wika hindi na rin ako umimik pang muli.

"Gusto kung mag-patawag ng meeting!

Anong meeting?" Tanong ko.

"Ang assistant general manager lang muna. Saka na ang department heads.

Halos hindi ako makapaniwala sa narinig, dahil ngayon lang nag ka-interes si David sa trabaho at kompanyan nito.

"Jay Santos ang pangalan niya. Binata, guwapo edukado, matangkad, kaedad mo at bagay kayo! Hanna. Iimbitahan ko siya upang mag-kakilala kayo?"

"Napanga-nga ako sa mga sinabi nito, hindi ako makapag-salita.

Tiyak na magugustuhan mo siya, Hanna. Matagal nang may crush sa'yo si Jay, hindi lang makapurma dahil takot sa akin! Siguradong tatanggapin ka niya kapag-ibinigay kita sa kanya, Hanna. Tatango-tango pa si David habang nakangisi sa'kin. Kapag sinabi kung hindi siya tira-tirahan. at ni hindi pa kita natitikman! Sure akong papayag 'yon.

"Mali pala ang akala ko na manhid na ako sa mga masasakit na salitang binibitawan sa'kin ni David.

"Kung hindi mo naman tipo si Jay, marami pa akong mga kaibigan na puwedeng ipakilala sayo. Hanna. Don't worry! Hindi ako pipili nang may sabit, pahayag nitong muli.

"Gusto kong umiyak sa sobrang kirot ng aking nararamdaman. Ngunit nanatiling tuyo ang mga mata ko.

"Anong masasabi mo, Hanna?" Untag ni David.

"Tumitig lang ako sa lalaki. Bahagyang nakataas ang Noo. tuwid ang linya ng mga balikat at likod at tahimik na pinahahayag ang aking nararamdaman.

"Ito ang hindi makatagal sa pakikipagtitigan sa'kin.
Ibinaling nito ang paningin sa baso at ibinalibag ito sa damuhan at pasakdol na ibinuwelta ang wheelchair paalis sa harap ko. .

"Parang ginigiling ang puso ko sa mga binitiwang salita ni David! Hindi ko akalaing magagawa ni David ang ipamigay na lang kong basta sa mga lalaki.

"Tumulo ang aking mga luha dahil sa sakit nang ginawa ni David. Pero kahit ganoon. Mahal na Mahal ko pa rin ito.

"LuHa

LUHA/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon