Luha 7

284 18 3
                                    

Bakit ba hindi ko man lang  naalala na kasama ko nga pala si David dito sa sala. Hindi ko rin naririnig ang pagtawag nito sa'kin. Hinayan kong tangayin ako ng imahinasyon ko. Nagalit tuloy sa'kin si David.

  "Huwag ka nang magalit, honey, pag-aalo ko rito. Nakakunot na naman kasi ang noo nito.

   Lumapit ako at mabilis kong dinampian ng halik ang labi ni David. Nabigla ito sa aking ginawa. Umiwas siya at itinulak ako. Hindi naman kalakasan ang ginawang pagtulak sa'kin ni David. Naroon pa rin ang pagtitimpi.

  Dalhin mo na ako sa silid ko. Gusto ko nang magpahinga, saka hindi ko kailangan ang halik mo Hanna. Dahil hindi kita mahal. Pinagtitiisan lang kita dahil ikaw itong ayaw umalis dito sa bahay ko. Kung tutuusin kaya kong kumuha ng magand at sexy na private nurse, masakit na pahayag ni David.

   ''Huwag kang mag-alala David. Dahil oras na gumaling ka at tuluyang makalakad. Asahan mong aalis din agad ako dito sa bahay mo.

    "Dapat lang na gawin mo kung anuman ang ating napag kasunduan, pahayag ni David. Ngunit mahigpit na nakakuyom ang mga kamaong nakapatong sa dalawang hita nito.

"Nagbuntung hininga na lang ako. At hindi na muling nagsalita. Pinakinggan ko na lang ang patuloy na pagbato nito ng masasakit na salita sa'kin. Sadyang pinatigas ko na nga ang aking puso. Dahil wala na akong nadarama na sakit.

    Dinala ko si David sa kanyang silid inalalayan ko siyang makahiga sa kama. Nilagyan ko rin ng kumot.

   "Goodnight, honey." Tumalikod na ako upang magpahinga.

     "Goodnight, Hanna. Nagulat ako at biglang bumalik ang tingin kay David. Ngayon lang ako sinabihan ng goodnight' ng aking kabiyak. At tila napakagaan ng tono nito.

  Nakita kong nakapikit na ang lalaki. Tila natutulog na nang mahimbing. Muli akong napa-buntonghininga. Hindi ko na yata maiintindihan ang pabagu-bagong sumpong nang aking asawa!

  Siguradong hindi ko makukumninsi si David, sa gusto ko, kaya bumuo ako ng isang seduction plan, napa-ngisi ako sa aking binabalak.

     At katulad ng ginagawang pag-aaral ng physical therapy noon, naging metikulosa din ako. Bumili din ako ng mga libro tungkol sa seduction. Nagbasa ako gabi-gabi. Pinag-aralan ko kung papaano manukso ng isang lalaki--na may napakalaking insecurity sa sariling pagkalalaki dahil sa nalumpo ito.

    Magtagumpay kaya ako?

    Natatakot akong isiping mabibigo ako sa aking plano. Bilang na rin ang mga araw ko sa piling ni David.

  Matagal nang nanumbalik ang kalusugan ng asawa ko. Ang hinihintay na lamang ay ang mga resulta sa kumpletong medical test.

    Sa sandaling pirmahan ng doktor ang clean bill of health ni David, kailangang pirmahan ko na rin ang annulment paper. Magiging masakit na masakit sa'kin ang paghihiwalay namin ng aking kabiyak. Ngunit iyon ang kasunduan namin ni David.

  Hindi ko naman maatim  na huwag tumupad sa usapan namin kahit magdudulot iyon sa'kin ng ibayong kalungkutan sa aking puso.

   "Kaya dapat na akong kumilos habang may panahon pa ako. Bago pa magbago ang aking isip ay umalis na ako matapos kong asikasuhin ang after lunch routine ni David.

  "Aalis ako, Manang Linda. Pakitingnan-tingnan lang si David. Baka mangailangan ng tubig o juice." Kapag hinanap ako, sabihin n'yong may pinuntahan lang ako."

    "E, paano kung itanong ni Sir David kung saan ka nagpunta ma'am?"

      "Ang sabin ninyo sa kanya. Hindi n'yo alam kung saan ako nagpunta, Manang Linda. Okey?"

      "O-okey ma'am."

      "O, siya, aalis na ako para makabalik agad."

       "Babalik kayo agad, ha, ma'am?" ang panabay na pahabol ng dalawang kasambahay.

      "Oo. Huminahon lang kayo. Dala ko ang Cellphone ko. Tawagan n'yo lang ako pag nagka-aberya.
 
     "O-opo, ma'am!" Sabay uli ng dalawa.

Takot na takot ang dalawang kasambahay kay David. Dahil labisado na nang mga ito ang sumpong ng aking asawa. Lalo na kapag dumadagundong na ang boses ng aking kabiyak.

       
*LUHA*

LUHA/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon