Luha 4

314 15 2
                                    

NAtagpuan ko si David sa sala. Masiglang nakikipag-usap sa telepono. Pero nag lpaalam agad nang makita akong papalapit sa kanya.

"Gusto ko nang maligo," utos nito. Biglang nabura ang masayang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Oo," ang matipid na tugon ko, malaki na talaga ang pinagbago ni David. Ibang tao ang turing nito sa'kin, masakit mang isipin pero yun ang totoo.

Magaan ang mga hakbang na hinawakang ko ang rubberized handles ng wheelchair at maingat na tinulak patungo sa master's bedroom.

    Nakabukas ang pinto ng katabing silid-tulugan dahil naglilinis ang katulong. Isa iyon sa apat na guestrooms pero doon ako natutulog simula ng mangyari ang trahedya sa amin ni David.

    Nakita kong napasulyap si David sa guestrooms kong saan ako natutulog, pero wala akong narinig nakumento nito.

Tahimik na inasikaso ko ang pagpapaligo ko kay Divid, wala naman itong imik habang pinaliliguan ko ito. Mild soap, shampoo at mainit-init na tubig ang gamit na pampaligo nito dahil naging sensitibo ang balat magbuhat nang maratay sa higaan.

Pinahiran ko muna ng anti-rash lotion bago sinuotan ko ng adult diapers. Nag salita lang ito ng pinapainom ko na ito ng mga vitamins nito at mga gamot.

"Kailan mo uumpisahan ang pagmamasahe sa akin?" Tila inip na inip na nga itong gumaling at palayasin ako.

Puwede na ngayon kung hindi ka pa pagod, tugon ko.

Hindi ako pagod, paano naman ako mapapagod?" Wala naman akong ginagawa kundi ang maumupo lang---."

"Sandali," kukuni ko lang ang mga gamit ko.

   Bilisan mo!" singhal nito.

Kaya dali-dali akong lumabas ng silid nito,"  dahil ayaw pa naman ni David na pinag-hihintay.

  Kinuha ko ang basket with cover na pinaglalagyan ng mga paraphernalia. Kinumpleto ko ang set ng iba't ibang skin oils na may kani-kanyang healing abilities.

May kasama pang isang handy electric muscle toner.
Pero hindi ko puwedeng gamitin ito sa umpisa, siguro pag nasanay na ang mga hita nito.

  Bumalik ako sa silid ni David, nakita ko itong nakahiga na sa kama lumapit ako upang umpisahan ang pagmasahe. Huwag kang mag-alala hindi ka masasaktan, pag-aalo ko kay David.

   Alam ko Hanna, pakli ng lalaki, hindi pa rin tumitingin sa'kin ang lalaki.

"Inumpisahan ko ang pagmasahe sa mga hita at binti nito, pero ni-isang salita wala akong narinig rito, nakapikit lang ang mga mata nito.

Pinag-darasal ko na sana'y gumaling na si David, masakit mang-isipin na maghihiwalay kami, pero gusto ko pa rin na gumaling ito.

   Tig-limang minuto lang muna para hindi ka mabigla, pahayag ko rito.

Puwede kanang lumabas matutulog na ako! Pag tatabo'y nito sa akin.

Tahimik lang ako tumayo at lumabas ng silid ni David.

  Nagluto na lang ako nang kakainin ni David.
Ginisang ampalaya at pork chops ang iniluto ko, gusto ko kasi ako ang magluluto para kay David.

Nagbihis rin ako ng simpleng Dress dahil pinag-bilin ni David na meron daw kaming panauhin ngayon gabi at dito mag-hahapunan.

   Mahigpit na pagkakapusod ang ginawa ko sa akin buhok, mukha tuloy akong isang istriktang babae.

Lumabas ako ng kuwarto at bumaba upang maghapunan dahil dumating na raw ang panauhin ni David. Hindi mga ako nag-kamali dahil si Jay Sanyos ang sinasabing panauhin nito. Ito lang naman ang pinagkakatiwalaan nito sa companya, simula ng nalumpo si David.

Nagpapasalamat ako sa inyo lalo na sayo Jay dahil hindi n'yo pinababayaan ang kompanya ko,,wika ni David.

Mas maganda po sana kong nandn ka Sir David, sana'y po'y gumaling na kayo! Pahayag ni Jay kay David.

Gusto ko na sanang magpaalam, ma'am, sir, dahil gumagabi na po, salamat sa masarap na hapunan.

"No! Jay, pakli ni David. Desidido ang tono ni David.
Huwag ka munang umalis. Maaga pa naman. Ako lang ang may curfew, pero kayo ni Hanna ay wala. Samahan mo muna siya.

Nalito si Jay, sa mga pinag-sasabi ni David, kaya nag palipat-lipat ang tingin nito sa amin ni David.

Hindi ako makagalaw sa akin kina-uupuan talagang gusto ni David na ireto ako sa ibang lalaki, gusto kong mawala na lang ako sa aking kina-uupuan.

   "Pero sir--" nauutal na wika ni Jay.

   "That's an order Jay. Stay a little late.  Mayamaya ka na umuwi at gusto ko rin tuwing sunday nandito ka, saad ni David.

   "Bakit po Sir?"

"Para may makausap naman si Hanna, baka kasi nag sasawa na si Hanna mag-alaga at makausap ako araw-araw dahil isa akong lumpo.

   Nanatiling wala akong imik dahil ayaw kong makipag-sagutan kay David lalo na at may ibang tao kaming kasama.

..."Sorry po sir, hindi ko kayo mapagbibigyan dahil meron na po akong girlfriend at malapit na rin po kaming ikasal sir David," pahayag ni Jay.

"Sige puwede ka nang umalis madilim ang mukha ni David pero pinanatiling kalmado ang boses nito.

"S-salamat po Sir 'Ma'am., wika ni Jay, at umalis na saharap namin.

"Matutulog na ako, paasik na sabi ni David sa akin. Hindi ako nagsalita tahimik ko lang na itinulak ko ang wheelchair nito papunta sa kuwarto, masakit ang ginawa ni David pero inunawa ko ito dahil ayaw kong magalit ito sa akin at mag-simula ng away..

LUHA.

LUHA/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon