Dalawang paa ni Divid ang nakabitin. Parehong nakabenda at nakasemento mula sa dulo ng mga daliri hanggang sa kalahati ng mga hita. Nakahubad rin ito at maliban sa puting gasa na nakabalot sa kaliwang balikat at sa buong dibdib.
"Kritikal pa rin ang kondisyon ni Mr Divid Madrid, Misis. Pero nakalampas na siya sa krisis. Humupa na ang lagnat niya at humihilom na ang mga sugat niya."
"Bakit wala pa po siyang malay doktor?"
Sumulyap ang doktor sa hawak nitong record tablet."Ayon dito sa record niya, magmula kahapo'y ilang beses na siyang nagkamalay pero ilang minuto lang nakakatulog din agad. Dahil sa sside effects marahil na mga painkillers na kailangang iturok sa sistema niya tuwing ikaapat na oras."
"Anu-ano po ba ang mga pinsalang natamo niya?" Nahihiya ako sa sarili ko dahil ngayon lang ako nagkalakas loob na alamin ang pinsalang natamo ni Divid. Ito kasi ang napuruhan nang subra sa kanilang dalawa, dahil niyakap niya ako at pinansangga ang sariling katawan nito.
"Ang tangin galos ko lang ay 'yung sugat sa noo ko at gas-gas sa mga braso.
"Bukod sa mga galos na nilikha ng maga bubog ng salamin, nagkaroon siya ng multiple bone fractures. Isang tadyang sa kaliwa, at ang kanang tuhod. Ganoon din ang kaliwang binti. Hindi pa kami gaanong sigurado, pero meron din yata siya sa kaliwang braso at balikat. Malalaman natin kapag dumating na ang mga x-ray results buhat sa manila, pahayag ng doktor.
"Obvious na hindi lang medical personnels ang kakulangan sa provincial hospital na ito. Maging ang mga modernong kagamitan.
"Kailan po darating ang mga results?" Tanung ko sa doktor na kaharap ko.
"Baka bukas Misis."
"Kailangan po ba siyang operahan?" Umiiyak na tanong ko sa doktor.
Ang tanging magagwa natin sa ngayon Misis ay magdasal. Alam mo bang sa daming pinsala na natamo ni Mr David himalang na buhay pa siya Misis. Ito po ang tanging maipapayo ko saiyo Misis ang mag-dasal.
. "Hindi ko mairerekomenda ang operasyon hanggang hindi gumagaling ang mga sugat niya at bone fractures niya. After a month or two siguro, Misis."
"Ilang porsiyento po ang possibility na makakalakad ang asawa ko?"
"I still can't say. Kailangan mo rin kumuha ng second opinion. Or better yet, a third opinion."
Lumuluha ako sa mga sinabi ng doktor, sana ako na lang ang nakaratay diyan sa hospital, aniya ko sa aking isip.
"Bukas, maaari na siguro siyang ilipat sa private ward, Misis. Under observation pa siya.
"Imiiyak ako ng umalis ang doktor. Bakit ba nangyari ang aksidenteng ito inay, bakit sa amin pa ni Divid nangyari ito, tanong ko sa aking ina.
Anak meron dahilan ang panginoon kaya nangyari itong pag-subok na ito sa inyong mag-asawa, kaya pakatatag ka anak, alam kung makakaya ninyong lampasan ang pag-subok na binigay sa inyo.
"Sana nga ho inay, alam kung pag-nagising si David hindi niya matatangap ang nangyari sa kanya, wika ko.
"Niyakap na lang ako ng aking inay. Magpahinga ka muna anak dahil na bug-bog din ang katawan mo sa aksidente na nangyari sa inyo ni David, wika ng aking ina.
Tumango ako dito. Sana'y makayanan ko ang lahat nang ito.
"Makalipas ang dalawang buwan nakauwi na sa kanilang dreamhouse na nasa Antipolo ang mag-asawang Divid at Hanna. Sa kasalukuyan, sinusubukan ko na pakainin ng almusal si Divid.
BINABASA MO ANG
LUHA/Completed
RomanceLUHA Magsasama kayo sa hirap at ginhawa. Ngunit sa kaso ni Hanna ito ay naging sa hirap at kapaitan. Sapagkat habang papunta sila sa kanilang pulot-gata ay hindi sinasadya mangyari ang isang malagim na trahedya na sinapit nila ng kanyang asawa. Wal...