LUHa 10

422 20 0
                                    

Bumuntong hininga ako para mapigilan ang pagngiti. Si David nang mga sandalin iyon ay larawan ng isang asawang nagseselos! Ibig sabihin, may pag-ibig pa rin sa'kin ang aking kabiyak.

"Correction, David," pakli ko, pero malamyos ang tinig. Unti-unting umiisod papalapit sa aking asawa.

"Nagpabango ako bago pumasok dito. Hindi ako sinungaling. At ngayon pa lang ako makikipagkita sa 'lalaki' ko!" Bago matapos ang aking pagsasalit, malapit na malapit na ang mga katawan namin.

"Hanna--" mahinang usal ni David. Halos hindi inaalis ang tingin sa'king mukha.

"Ikaw lang 'yon, David," ang nag-iisang lalaki sa buhay ko. Pinapaos ko ang aking munting tinig. At may halong lambing ang tono ko. Pinapungay ko ang aking mga mata. Ginaya ko ang mga seduction techniques na nabasa ko sa mga librong binili ko.

"Stop it, Hanna," saway sa'kin ni David. Medyo paos na rin ang tono ng boses ni David.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala kang ikaw lang ang lalaki sa buhay ko?" Hinaplus-haplos ng mga daliri ko ang linya ng pingi pababa sa leeg ni David.

Sunud-sunod ang pagtaas-baba ng Adam's apple, ni David.

"Gusto kong magpunta sa banyo," paos na wika ni David.

Gusto kong maglupasay, dahil iba ang naging sagot ni David. Bitin na bitin tuloy ako.

Pero hindi rin dapat kalimutan ang habilin ng Doktor ni David. "Tender loving care...."

"Okey," wika ko matapos kontrolin ang sarili. Tumindig ako para hawakan ang wheelchair. Tumalima naman ito at maliksing nakaalis sa kama ang aking kabiyak. Nadoble pa ang lakas ng mga braso dahil palaging nagagamit.

"Iwanan mo na ako," utos ni David. Minaniobra ng mga kamay ang mga gulong papunta sa banyo. Kung tutuusin, hindi na gaanong kailangan ng lalaki ang pag-aasikaso ko-- basta't nakahanda na ang lahat ng mga gagamitin. Katulad kanina, kaya hindi nakaalis sa kama ay dahil hindi maabot ang wheelchair na nakatumba sa sahig.

Maraming bagay na ang kayang gawin ni David. Maging sa paliligo at sa pagbibihis ay kaya na nitong gawing mag-isa.

Nagsikip sa katuwaan ang dibdid ko. Dahil kong iisipin puwede na akong palayasin ni David sa bahay niya. Kaya kailangan kong magawa ang aking balak.

Hindi ko makakayang mawala ng tuluyan sa'kin ang mahal kong asawa. Wala naman masama sagagawin ko, dahil mag-asawa naman kami ni David.

Narinig kong may kumakatok sa pinto. Kaya agad akong lumapit upang buksan. Nabungaran ko si Inday.

"Ma'am? Heto na po ang hapunan." Malikot ang mga mata ng katulong habang itinutulak papasok sa loob ng silid ang trolley. Tingin ko'y may kaunting takot pa ito sa'king kabiyak.

"Nasa banyo si David."

"Pasensiya na kayo, ma'am. Medyo natakot lang po ako sa sigaw ni Sir David.

"Tanging ngiti lang ang naisagot ko rito.

Ininspeksiyon ko ang mga detalye sa simple pero magiging memorableng hapunan. Parehong umuusok pa ang maputing kanin sa malaking bowl at ang mga fried chicken sa basket na may nakasaping paper tissue. Nasa ibabaw ang maliit na bowl na gravy. Sa isang krital na fruitstand, nakaayos ang tatlong mapupulang mansanas at mataas na tumpok ng mapipintog na ubos. Nasa paanan ang tatlong malalaking scented candles at kasama ang posporo.

Katabi ng ice bucket ang dalawang kopita, dalawang baso, at isang pitsel ng malamig na tubig. Nasa ibabang shelf ang mga kubyertos, table linen, porselanang pinggan, tasa at platito, sugar-and-cream mini-server, at isang termos na puno ng bagong kulong kape.

"Nangmakita kong wala na akong kailangan pa. At kompleto na ang lahat. Malumanay akong nagpasalamat kay Inday. Lumabas na din ng silid si Inday.

Nang mapag-isa, kinatok ko ang pinto ng banyo. "David, matagal ka pa ba d'yan?" Nandito na ang hapunan. Bilisan mo, baka lumamig ang pagakin." Idinikit ko ang teynga ko para marinig ang isasagot ni David.

"Sandali na lang!" Pa-bruskong hiyaw nito.

"Sige." Pupunta lang ako sa kuwarto ko," paalam konrito.

"Bumalik ka agad!" Hiyaw na wika ni David.

Sumayaw ang puso ko. Pinababalik agad ako ni David! Ibig sabihin, gusto niya akong makasalo sa hapunan. Parang may pakpak ang mga paa ko nang lumipat sa kabilang silid. Mabilis na kinalas ko ang bandana at naghubad ng bestida. Agad na nangaligkig dahil lumusot sa napakanisip na tela ng black negligee.

Maliksing sinuklay ko ang aking buhok. Nagpahid din ako ng pulbo sa mukha at pulang lipstick sa labi. Masosorpresa ka nang husto ngayon, David.

Hindi pa rin tapos maligo si David. Nang bumalik ako nang kuwarto nito.

Sinindihan ko ang kandilang nasa gitna ng lamesa. At ang dalawang lampshades sa magkabilang panig ng headboard ng kama. Lumambong ang dilim nang kalabitin ko ang switch ng ilaw bago lumapit sa pintuan ng banyo.

"Matagal ka pa ba, David?" Kinatok kong muli ang pinto ng banyo.

"Tapos na ako!"

Nang maulinigan ko ang pagpihit ng seradura, parang biglang tinambol ang dibdib ko. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha ni David.

"HANNA!" Nasaan ka? Ano'ng kalokohan 'to?"

"Luha*

LUHA/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon